JACKIE'S POV
Noong dumadating na 'yong bangka na sinakyan nila umayos agad ako ng upo at pinagpag ang sarili. Ginising ko rin si Kuya Greg na natutulog sa loob ng sasakyan.
"It was so fun! I want to go there again!" Rinig kong sabi ni Sophia habang pababa ng bangka.
Tumingin ako kay Ian na nakatulala habang nakatingin kay Sophia, "Tama ba ang nakikita ko? Si Sophia Fuentes ba 'yon?"
Tumango ako. "Tama nga ang nakikita mo."
"Bakit 'di mo sinabi?! Edi sana ginandahan ko 'tong suot ko! Nakapang-bahay lang kaya ako!"
Inirapan ko siya, "Kasalanan ko ba na maarte ka?" Iniwan ko siya doon at sinalubong sila.
Nilapitan agad ako ni Sophia, "Hi! Oh my gosh it was so wonderful to be in this province! Especially the first island we went to! I want to go back there again and spend my whole night!"
"Then let's do that." Sabi ni Kiko habang kinukuha 'yong mga gamit nila sa bangka.
"Are you serious, pres?! Thank you!" Niyakap niya si Kiko at lumayo din agad. Tumingin siya sa'kin, "Come with us, ha? 'Coz you're our tour guide kaya you need to come with us wherever we want to go." Nakangiti niyang sabi.
"Pero ma'am.."
"No but's! I want you to go and Kuya Greg!" Hindi ko inakala na may pagka-spoiled pala 'tong babaeng 'to.
"Okay po. Bumalik po muna tayo sa resort para makuha yung mga gamit natin na dadalhin sa isla kasing malapit na rin mag-gabi eh." Sumang-ayon naman silang dalawa.
Nilapitan ko si Ian at pinalo sa braso, "'Wag mo sabihin na naka -move on ka na sa'kin dahil nakita mo si Sophia."
Nakatulala pa rin siya, "Siguro nga naka-move on na ko sa'yo."
Palapit sa'min si Sophia kasama si Kiko, "Who is he? Your friend?"
Tumango ako at si Ian naman pinagpag yung kamay niya at nilahad sa harapan ni Sophia, "Ian nga po pala. Kaibigan ni Jackie." Kinamayan siya ni Sophia.
He moved his hand towards Kiko pero bigla niya iyon binawi no'ng tiningnan niya si Kiko, "Kilala na kita."
"Of course you know him! He's one of the richest people here in the Philippines and I'm glad to be part of her company. Jackie is your friend 'di ba?" Tumango si Ian, "Can you come with us later? We're having a camping sa island tonight."
"Uhm..." Siniko siya.
"Sige na sumama ka na, Ian."
Naintindihan niya siguro 'yong ibig kong sabihin, "Sige sasama na ako."
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.