19

131 7 10
                                    

JACKIE'S POV



Nung pagpasok namin sa loob binitawan ko agad siya at pinaupo sa sofa.



"Kaninong condo 'to?"


"Sa'kin. Regalo nila mama at papa." Tumayo siya at may kinuha sa cabinet na first aid kit.


Tinulungan ko siya umupo at ako naman yung nag-gamot sa sugat niya, "Sabi ko naman sa'yo eh tigilan mo na yung pakikipag-away mo."


Tiningnan niya ako tapos hindi pinansin yung sinabi ko, "Sinagot mo na ko 'di ba?" Tumango ako at patuloy sa paggamot sa sugat sa noo niya, "Edi tayo na?" Tumango ulit ako habang siya naman nakangiti ng wagas, "Edi pwede na kitang halikan?"


Napahinto ako sa ginagawa ko, "Anong halikan?!"


"May karapatan na akong halikan ka." Malokong sabi niya.


"Ho-hoy! Sinagot kita para maging boyfriend hindi para halikan ako!" Tinulak ko siya.


Lumayo siya sa'kin at tumawa, "Loko lang. Gamutin mo na ko."



Ginamot ko naman siya pero sa bawat pagpahid ko ng gamot sa sugat niya dinidiinan ko kasi nakakainis yung sinabi niya kanina.



Niligpit ko na yung first aid kit, "Hahatid mo ba ako pauwi?" Umupo ako sa tabi niya.


Bigla niya akong hinila tapos niyakap ng sobrang higpit, "Matagal ko ng gustong gawin 'to. Yung yakapin ka ng sobrang higpit."


"Ang landi mo." Natatawang sabi ko, "Sinagot lang kita gumaganyan ka na ha."


"'Wag kang panira ng mood."


Dahan dahn akong lumayo sa kanya, "'Di ba first girlfriend mo ko?" Kumunot yung noo niya at tumango, "Nakaka-proud lang. Sa gwapo mong 'yan ako pa ang first girlfriend mo."


"It's your fault. Kung hindi mo sinagot yung siraulo mong ex edi sana ako rin yung first mo."


"Sige balikan natin yung nakaraan." Sarcastic kong sabi.


Niyakap niya ako ulit, "I prefer to stay in the present time."


"Kikiligin na ba ko?" Sabi ko habang nakangiti ako.


"Edi 'wag kang kiligin." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Alam mo bang madaming pwedeng mangyari dahil tayong dalawa ang nandito."


Nakaramdam ako ng ilang sa sinabi niya, "'Wag ka nga nagsasabi ng ganyan! Sasapakin kita."


"Posibleng hindi ako makapagpigil..."

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon