14

78 4 1
                                    

JACKIE'S POV



It's Sunday, it means freedom day to all of us. Madaming gumising ng maaga dahil nagpa-plano silang lahat na libutin ang buong Subic bay. Inaya nila ako pero tumanggi ako kasi bibisitahin ako ni Kenneth. Paparating na nga siya e.


"Ayaw mo ba talaga sumama sa'min, Jackie?" Tanong ni Claire sa'kin habang nakaupo siya sa higaan niya. Double decker kasi 'tong higaan namin at siya 'yong nasa taas.


"May susundo kasi sa'kin mamaya."


Bumaba siya at kinurot yong bewang ko, "Boyfriend mo? Ikaw ha may boyfriend ka pala 'di ka man lang nagke-kwento."


"Hindi ko siya boyfriend." Nakangiti na sabi ko.


"Ah oo ng pala, si Carlo 'yong boyfriend mo 'di ba?"


Napawi 'yong ngiti sa labi ko sa narinig ko, "Paano mo nasabi 'yan?"


"Halata naman kasi sobrang close niyo sa isa't isa. May chismis nga na kayong dalawa daw 'yong pinaparinggan no'ng trainor natin no'ng isang araw. Sige alis na ako, magkita na lang tayo mamaya." She tapped me on my shoulders and then walked away.


Paano nila nasabi 'yon? Hindi naman porque't lagi kaming magkadikit ni Carlo kami na. Why would they think that I'm gonna do 'that' in here? Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.


May kumalabit sa'kin kaya minulat ko 'yong mata ko at nakita si Carlo nakaluhod harapan ko, "What's wrong?"


Natulak ko siya kaya muntik na siyang matumba, "Sorry."


Pero baliwala lang sa kanya iyon, "Aalis ka ba ngayon? Gusto mo mag-libot tayo di--" Hindi niya natuloy 'yong sasabihin niya dahil tumunog 'yong telepono ko kaya agad akong lumayo sa kanya at sinagot 'yong tawag.


"Hello." Sabi ko.


"Hi, miss. Nandito na ko sa harapan ng headquarters niyo." Napangiti ako no'ng narinig ko 'yong boses niya.


"I'll be there in a sec." Kinuha ko 'yong bag ko at naglakad na palabas ng kwarto.


Pinatay ko na 'yong tawag no'ng nakita ko na siyang nakasandal sa pick up truck niya. Kumaway siya sa'kin at ngumiti. Gosh, I missed him.



No'ng nakalapit ako sa kanya niyakap ko siya agad, "Uhm. Tayo na ba ulit?" Sabi niya.


Lumayo naman ako agad, "A-ano.. Gre-greetings! Kasi 'di ba ang tagal natin hindi nagkita."


Ngumisi naman siya, "Ah gano'n pala batiin ang tao kapag isang linggong hindi nagkita. 'Yong biglaan na yakapan."


Sinuntok ko siya sa braso niya, "Oo gano'n."


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon