9

111 11 5
                                    


JACKIE'S POV



Pumunta kami sa mall. Hindi ko nga alam kung bakit kami nasa Forever 21 eh, "Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.


"May bibilhin kasi akong regalo." Omg malapit na pala yung birthday niya! Wala pa akong regalo eh sa isang araw na yon!


Lumapit ako sa kanya, "Mahilig ka ba sa basketball?" Tanong ko sa kanya.


"Oo. Bakit mo naman natanong?"


"Wala lang. How about books?"


"No, boring yon. Interview ba 'to?" Sabi niya sa akin.


"Masama bang magtanong? Eh video games?"


"Pwede na. Eh ikaw anong paborito mong pagkain?"


Naisip ko tuloy na hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga, "Anything na may cheese." Biglang tumunog yung tiyan ko.


Natawa naman siya, "Alam mo kumain na tayo. Babayaran ko lang 'to."



Hinatid niya ako pauwi pagkatapos namin kumain. Umalis din siya agad noong nakapasok na ako sa loob ng bahay.



"Oh nandito ka na pala Jackie. Gusto mo sumabay sa'ming kumain?" Tanong sa akin ni Wenna.


"Kumain na ako." Napatingin ako sa dining room. Nandoon lahat ng pamilya ni Wenna, "Never mind. Kakain pala ako."



Umupo ako sa tabi ni Wenna. Napatingin ko kay Papa na nakangiti habang nakikipag-usap sa kanila. Yung ngiti niya na hindi ko pa nakikita simula noong dumating si Jarine sa buhay namin.



Kinuyom ko yung kamay ko, "Papa bakit hindi mo ikwento sa kanila kung paano mo sinaktan si mama noong nagsasama pa kayo?"


Nga-iba ang itsura nila sa sinabi ko, "Jackie just eat." Matigas na sabi niya sa akin.


"Bakit ayaw mo ikwento sa kanila? Para naman malaman nila ang pinasok na relasyon ng anak nila. 'Di ba nagkaroon ka rin ng madaming babae noon bago mo siya nakilala? Alam na rin ba nila na pinatulan ka ni Wenna noong hindi pa kayo nag hihiwalay ni Mama?" Alam kong nagiging bastos ako sa harapan nila pero nawalan na ako ng pakialam sa tingin ng mga tao sa akin simula noong dumating si Wenna sa buhay ng tatay ko.


Napatayo yung nanay ni Wenna, "Totoo ba, Wenna?!" Yumuko si Wenna at tumahimik, "Hindi ka namin pinalaki para maging kabit! Sabi ko na nga ba may kutob ako sa pinag-gagawa mo eh!" Lumapit siya kay Wenna at hinila papalabas ng bahay. Umalis na silang lahat kaming dalawa ni papa ang naiwan.


Napatayo ako, "Best dinner ever." Sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon