4

206 10 5
                                    

JACKIE'S POV





Tinulak ko siya, "A-ano 'yon?! Hoy! Kahit problemado ako nasa katinuan pa rin ako ha!"


"Asa ka namang niyakap kita ng may malisya, niyakap kita para naman mabawasan yang pagiging problemado mo. Mukha ka na kasing 50 years old sa kakasimangot mo."


Hindi ko siya pinansin sakto naman na pumasok si Yaya dala yung mga pagkain na pinaluto niya.


Umupo kaming dalawa sa coffee table, "Alam mo dapat hindi umiikot ang mundo mo sa isang tao." Sabi niya habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko.


"Wala kang alam."


"Oo nga wala akong alam pero dapat matuto ka ng mag-isa sa buhay, kasi balang araw mahihiwalay rin sayo yung kapatid mo kapag nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya."


"6 years old pa lang siya, sa tingin mo kaya ko siyang iwan?!" Kinuyom ko ang kamay ko sa galit.


"Oh chill ka lang! Kasama naman niya yung mama mo, hindi naman siguro pababayaan yon ng nanay mo 'diba?" Napaisip ako sa sinabi niya, mahal kami ni mama kaya hindi niya naman siguro sasaktan si Jarine, "Napaisip ka 'diba? Nanay niyo yon kaya hindi niya pababayan yung kapatid mo, siguro kaya siya yung kinuha ng mama mo dahil alam niyang kaya mo na ang sarili mo dito sa tatay mo."


Tiningnan ko siya, "Bakit ang dami mong alam?"


"Ganon talaga kapag mabait." Kumuha siya ng strawberry tapos sinawsaw sa whip cream, "Penge ako sa pagkain mo ha? Kanina pa kasi ako hindi kumakain." Tumango ako.


Nagkwentuhan kaming dalawa hanggang maubos namin yung pagkain. Medyo gumaan na ang loob ko sa kanya. Pagkatapos hinatid ko na siya palabas ng bahay, "Ang bilis ng oras, parang kanina lang pinaghintay mo ko tapos ngayon gabi na." Sabi niya.


"'Wag ka mag-alala sa susunod sisipot na talaga ako." Ngumiti ako.


Parang nag-iba yung expression ng mukha niya, "Ha-haha, aasahan ko yan."





KIKO'S POV





Pauwi ako ng bahay namin ng natanaw ko sila Alex sa harapan ng bahay namin kaya nilapitan ko sila, "Saan ka galing?! 'Di mo ba alam na ang tagal naming naghintay doon?!"


"Hindi kasi niya ako sinipot." Malamig na sinabi ko.


"Ang galing din ng babae na yon 'no? Iba talaga yung pinatulan ni Loyzaga!" Sabi ni Jon.


"Umuwi na kayo, baka makita pa kayo nila mama dito."


"O sige, basta itext mo na lang kami kung kailan ulit ang date niyong mapaghandaan at siguraduhin mong makakapunta na siya." Alex.


--


Pagkapasok ko sa loob sinalubong agad ako ni Mama ng yakap, "Hi baby boy, did you eat dinner na?"


"Yes, ma."


"Ano ba yan. One week na tayong hindi sabay kumakain ng dinner. Daniel pagalitan mo nga 'tong anak mo! Gabi ng umuuwi!" Nagmamaktol na sabi ni Mama kay Papa.


"Kathryn naman bente na yang anak mo kaya na niya ang sarili niya."


"Hoy Daniel! Kahit ilang taon pa yang si Kiko baby ko pa rin yan! Aba iba ang hirap ko noong pinanganak ko siya tapos gagabihin na lang siya araw-araw."


"Ma ano connect?"


Lumapit sakin si papa tapos umakbay, "Miss ka lang niyan." Bulong niya tapos pumunta na sa kwarto nila, "Kath matulog ka na lang nga."


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon