JACKIE'S POV
Kumatok si Tita Wenna sa kwarto ko at sabi na may bisita daw ako sa baba kaya inayos ko yung itsura ko. Gabi na pala pero maingay pa rin dito sa bahay. Siguro nag-iinuman sila Papa. Bumababa pa lang ako ng hagdanan nakikita ko na kung sino yung sinasabing bisita ni Tita.
"Jackie!" Sigaw niya tapos niyakap ako, "Bakit hindi ka nagpaalam sa'kin nung umalis ka? Tapos alam mo ba yung bar nalugi na kasi ng-resign ka."
Ngumiti ako, "Harold..."
"Kasi naman Jackie kung aalis ka dapat nagsabi ka man lang hindi yung mababalitaan ko na lang sa iba na nakaalis ka na. Bruha ka!" Pinalo niya ako sa braso.
"Sorry na. Paano mo nalaman na nakabalik na ako?"
"Uhm... Basta nabalitaan ko na lang na nandito ka na daw. Saan ka naman pumunta nung bigla kang nawala ha? Nakipagtanan ka ba?"
"Hindi. Sa Batanes na ako ngayon nakatira, nandito lang ako para magpasko tapos babalik din ako after."
Nalungkot yung mukha niya, "Edi hindi ka na babalik dito?"
"Babalik ako kapag may special occasions katulad nito. You want to eat?"
"Hindi na. Napadaan lang talaga ako dito para kamustahin ka."
"Salamat." Sabi ko.
---
Nanunuod ako ng TV habang inaalagaan ko si Werco. Nasa trabaho kasi sila Papa, nandito naman sila Yaya pero gusto ko munang magpahinga sila at ako ang mag alaga.
Umupo ako at nilipat yung channel at saktong paglipat ko mukha niya agad yung nasa screen, "Dahil ikaw ang president ng DJP Channel do you have plans about changing in this channel?" Tanong ng host.
Ngumiti siya, "Wala naman akong babaguhin kasi iniwan ni Papa 'tong maayos ang lahat."
"Okay. I'm really nervous to ask this question kasi baka mawalan ako ng trabaho pero lalakasan ko na ang loob ko kasi madaming gustong magpatanong. Are you single Mister Kenneth Padilla?"
"Yes...." Nahirapan akong huminga nung narinig ko yung sagot niya. Papatayin ko na sana pero nagsalita ulit siya, "but someone owns my heart." Naging commercial yung kasunod ng pagsagot niya.
Tumabi sa'kin si Yaya, "Alam mo ba na tuwing gabi yang batang yan na dumadaan dito noong umalis ka. Umiiyak pa nga sa harapan ko yan eh."
"Ya wala siyang karapatan umiyak kasi sa una pa lang siya ang nanakit sa'kin."

BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.