JACKIE'S POV
Nilibot namin ang buong Baguio kinabukasan kaya pagod na pagod kaming umuwi. Pero no'ng nagising ako ng madaling araw nakaramdam ako ng lamig sa kwarto. Nasa kabilang kwarto lang kasi si Kenneth kaya sinilip ko siya kung natutulog ba siya at nakita ko na nakaharap siya sa laptop niya.
"Hi. Akala ko tulog ka pa." Umupo ako gilid ng kama niya.
Pinatay niya 'yong laptop at nilagay sa gilid ng kama, "Tumawag kasi si Kenji may pinaayos lang sa'kin, hindi niya kasi alam kung paano gawin." Hinawakan niya 'yong kamay ko, "Umupo ka nga sa tabi ko."
Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya, "Masaya ka naman ba?"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Sobrang saya ko." Hinalikan niya noo ko.
"Masaya rin ako."
---
Last stop namin dalawa ang Strawberry Farm. Sobrang saya ko habang namimitas ng mga strawberry, 'yong kasama ko naman nakatabi lang sa akin at pinapanood ako.
Sinubuan ko siya, "Ang sweet 'no? Kasing sweet ko."
"Ang asim kaya."
"Panira ka naman ng moment. Mamitas ka na nga lang din hindi 'yong pinapanood mo ko."
Umakbay siya sa akin, "Busog na ako e."
"Busog ka kasi nakita mo na ako? Luma na 'yan."
"Assuming ka din 'no? Busog na ako kasi kanina mo pa ako sinusubuan." Tinulak ko siya kaya natumba siya sa may mga halaman. "Para saan 'yon?!"
"Para sa hindi pagpapakilig sa akin!"
Pinapasok ko muna sa loob ng bahay si Kenneth at pinakilala kila Papa ulit na boyfriend ko na siya. Noong sinabi ko na boyfriend ko ulit si Kenneth tuwang tuwa si Tita Wenna at si Papa naman kunyari hindi masaya pero halata naman na pinipigilan niya 'yong ngiti niya.
"Let's celebrate tomorrow! Sobrang bet ko talaga 'yang si Kiko!"
"Tita 'wag na p--"
"We're going to eat dinner in a restaurant tomorrow. Maaga kaming uuwi ng Papa mo sa work bukas and Kiko dapat ikaw rin ha?" Sumang-ayon siya. Wala na akong magagawa sobrang excited lang talaga ni Tita para sa amin. "Alright then! Tomorrow night!"
---

BINABASA MO ANG
Black Phantom
Любовные романыThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.