12

117 11 5
                                    

KIKO'S POV



Nakalabas na ako ng hospital kahapon pa kaya papunta ako ngayon sa hide-out dahil kailangan kong kausapin yung mga kagrupo ko.



"Andito na pala si Black Phantom!" Sabi ni Alex, "Bakit mo ba kami pinatawag?"


"'Wag na natin ituloy 'yung plano." Sabi ko.


"Wait... What?! Nasisiraan ka na ba? She's the reason kung bakit nasa coma si Hailey ngayon!" Sigaw ni Jerome.


"Wala siyang kasalanan kaya 'wag na natin siyang guluhin pa."


"Are you drunk?! Or you just like the girl?" Umiwas ako ng tingin nung sinabi ni Jasper 'yon, "Sabi ko na eh! Hindi mo naman iuurong yung plano kung wala kang nararamdaman sa babaeng 'yon! Kiko ikaw ang leader ng grupong 'to at ikaw rin nagsimula nung plano kaya dapat tapusin mo! Hindi 'yung hindi pa natin nasisimulan eh tinatapos mo na agad. Tang-nang 'yan."


"Ako ang leader kaya ako ang masusunod dito!"


"This meeting is bullsh-t." Umalis si Alex at sumunod naman si Jerome at Jasper sa kanya.


Napasabunot ako sa buhok ko, "Putang-na!"


Lumapit sa akin si Enrique, "Bro alam mo namang hindi ako sang-ayon dito sa una pa lang 'di ba? Kaya kung ayaw mo ituloy 'yung plano ayos lang sa akin." Tinapik niya ako sa balikat.


"Dapat kasi hindi ko na lang siya nilapitan."


"Do you like her?" Tanong niya.


Matagal ako natahimik dahil sa tanong niya at pinag isipan mabuti kung gusto ko nga ba siya.


"She's fragile."



JACKIE'S POV



I'M LATE! Dahil kasi sa report na 'yon napuyat ako kagabi. Nakakainis talaga 'yung prof na 'yon, magbibigay ng report tapos two days lang gagawin! Nakarating naman ako on time kaya umupo ako agad at inayos ko yung sarili ko. Graduating na kasi kaya pinapahirapan na kami ng mga professors namin. Tourism student kasi ako at dream ko is to travel the world with my love ones. Naks. Hahaha.



"Miss Bernardo anong nakakatawa sa mga nagpe-present?" Nagtawanan naman 'yung mga classmates ko.


"Nasisiraan na yata si Jackie! Tumatawa mag-isa!" Tawa sila ng tawa hanggang binawal sila ni Prof.


I rolled my eyes, "Ma'am nakakatawa lang po yung mga kaklase ko kasi hindi din sila nakikinig katulad ko."


Tumingin sila sa akin tapos tinago nila yung mga cellphone nila, "Hindi ko naman kasalanan kung ayaw niyong makinig. Basta 'wag kayong magmamakaawa sa'kin kapag pasang awa yung grade niyo, okay? Class dismiss." Sabi ni Prof tapos lumabas na ng classroom.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon