8

124 13 4
                                    

JACKIE'S POV



Habang naglalakad ako sa village namin may nadaan akong bahay na sobrang ingay. Naglakad na lang ako palayo sa bahay na yon. Pupunta na nga lang ako sa school.



Pumunta ako canteen at doon tumambay. Nginitian ko yung mga kaklase kong babae sa Accounting at History pero inirapan lang nila ako. Nagha-hi sila sa akin sa class tapos ngayon iniirapan na lang ako? May nasabi ba akong hindi maganda sa kanila? Napabuntong hininga na lang ako at pinatong ang ulo ko sa lamesa. Wala na talagang magandang mangyayari sa akin.



"Hi Jackie!" Napaupo ako ng maayos, "Ganda mo talaga 'no?"


Sinimangutan ko siya, "Ano kailangan mo? 'Di ba nabigay ko na pangalan ko? Bakit hindi mo pa ako tinitigilan?"


"Eh kasi nga crush kita." Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya kahit wala naman akong kinakain, "Nakakagulat ba? Alam mo ba ikaw ang first crush ko."


Natawa ako sa sinabi niya, "Alam mo ang galing mo mag-joke! Bakit hindi ka mag komedyante? Baka sumikat ka pa." Tumayo ako tapos naglakad palayo.



Natanaw ko si Kenneth na naglalakad papunta dito sa canteen. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako nung nakita ko siya. Kasi naman kung hindi ko pa siya mabubunggo kahapon hindi niya yata ako papansinin.



Umalis ako sa lugar na yon at hindi ko naman alam na sinundan ako nung asungot, "Jackie! Nang-iiwan 'to! Alam mo bang ikaw lang ang nang-iwan sa akin sa ere?! Tinaas mo ko eh! Sobrang tinaas mo ko hanggang sa wala ng sumapo sa akin noong nahulog ako."


Humarap ako sa kanya, "Alam mo ang dami mong alam. Wala ka bang klase?"


Tumingin siya sa relos niya, "Shoot! Oo nga pala! Sige alis na ako, bye bye!" Nagmadali siyang naglakad.


Maglalakad na sana ako ng may humawak sa balikat ko, "May bago ka na pa lang kaibigan at lalaki pa."


Humarap ako sa kanya, "Masama?"


"Hindi." Matipid na sabi niya.


"Yon naman pala eh." Naglakad na ako paalis sa harapan niya. Ilang araw niya akong iniwasan tapos ngayon kung ano ano sasabihin niya.


Humawak siya sa kamay ko, "Sabay na tayo pumasok."


"Alam mo ang gulo mo! Iniwasan mo ako 'di ba? Tapos ngayon parang walang nangyari? Alam mo naman na ikaw na lang ang meron ako 'di ba? Tapos bigla mo na lang akong iiwasan ng hindi ko alam ang dahilan." I'm trying not to cry but I failed, "Kasalanan ko rin naman kasi dinipende ko ang sarili ko sa'yo."



Tumakbo ako palayo sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin. Araw-araw na lang ba akong umiiyak? Nakakasawa na. I'm getting too emotional when I'm with him.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon