JACKIE'S POV
"Tama ba 'yong rinig ko?" Kumunot noo niya, "Sinabihan niya akong duwag?"
"Nagbibiro lang siya. Mahilig kasing mag biro si Carlo kaya ayon nasabi niya na duwag ka." Sige magsinungaling ka pa. E halata naman na seryoso 'yong sinabi ni Carlo kanina.
"It doesn't sound like a joke to me, Jackie." Kinuyom niya 'yong kamay niya na nakapatong sa table kaya inabot ko 'yon at hinawakan para kumalma siya.
"Joke lang talaga 'yon kaya 'wag ka na magalit." Ngumiti ako, "Alam mo ang bilis mo magalit."
Huminahon siya, "Sorry, dahil siguro 'to sa sobrang stress ko sa kompanya."
"Halata nga kasi mas lalong lumaki eyebags mo. 'Wag ka mag-alala kaya ko ng makatulog ng mahimbing kaya 'wag mo na akong tawagan gabi gabi."
"Pero--"
"'Wag na okay? Bumawi ka na lang tulog kasi mas mahalaga pa rin ang sarili mo keysa sa'kin 'di ba?"
Hinatid na ako ni Kenneth sa camp. Nilibot ko muna siya sa loob dahil sabi niya okay lang siyang gabihin ngayon.
"Mahirap ba?" Tanong niya sa'kin about sa training.
"Mahirap mag-aral ng Chinese pero keri pa naman. Ang pinaka-mahirap sa lahat ay 'yong maging mahinhin sa paglalagay ng tubig at mahinahon na pagsasalita. Sa tingin mo ba mahinahon akong magsalita?" Natatawa na sabi ko.
"Yes. Every word you say is everything to me." Pinalo ko siya, "Maliban lang sa pananakit mo sa'kin tuwing kinikilig ka sa sinasabi ko."
"Ewan ko sa'yo." Umupo ako sa buhangin tapos tumabi naman siya sa'kin, "Kamusta na kaya 'yong Batanes 'no? Nami-miss ko na sila Ian at Jarine."
"They are all fine. Jarine's fine, sa tingin mo ba pababayaan siya ng nanay mo?" Umiling ako, "I'm sure Ian is fine too. Hindi ba siya tumatawag sa'yo?"
"Never. Hindi niya alam number ko."
"Papahanap ko pagkadating ko sa Manila. Alam kong 'di ka nagtatanong sa kanya pero your Mom is fine too."
Ngumisi na lang ako, "Of course she's fine."
Umakbay siya sa'kin, "'Wag kang mag-alala okay? Mag-focus ka na lang dito." Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinalikan, "I badly want to kiss your lips but I don't have a right to kiss it yet kaya hanggang kamay lang muna ako ngayon."
Kinabukasan habang kumakain kami ng breakfast hindi tumabi sa'kin si Carlo at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Naasar tuloy ako sa katabi ko ngayon na si Claire kasi kanina pa siya tanong ng tanong tungkol kay Kenneth.

BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.