16

69 6 2
                                    

JACKIE'S POV



Katatapos lang ng interview ko sa isang airport kaya nasa mall ako ngayon kasama si Ian at 'yong girlfriend niya. Third wheel ang drama ko ngayon.


"Kailan balik niyo sa Batanes?" Tanong ko sa kanila.


"Next week? Bibisitahin pa kasi ni Pia 'yong lola niya sa probisiya bukas kaya eto na ang huli natin pagkikita."


"Ah. Baka naman kapag sa susunod na magkita tayo kasal ka na?"


Napangiti naman si Ian sa sinabi ko, "We'll see." Kaya naman napalo agad siya ni Pia sa braso.



Hinatid ko na sa terminal sila Ian tapos umuwi na ako. Noong nasa tapat na ako ng pintuan biglang lumabas si Papa at hinila ako palayo.


"Pa? Ano nangyayari?"


"'Yong Mama mo nasa loob." Para akong nanigas sa sinabi ni Papa, "Tinawagan ko na si Kiko na sunduin ka, kaya parating na 'yon."


Kasama ko si Papa na naghihintay kay Kenneth sa labas ng gate. No'ng nakarating na si Kenneth hindi na siya pinababa ni Papa sa sasakyan niya basta pinasakay niya na ako at may sinabi siyang hindi ko na maintindihan.



Nakarating kami sa bahay nila Kenneth. Sinalubong ako nila Tita tapos kinamusta nila ako.


"I heard a lot about you. I'm so sorry, hija." Hinawakan ni Tita 'yong kamay ko, "Sorry for what Kiko did to you."


Ngumiti naman ako, "Wala na po 'yon. Okay na po kami ni Kiko."


Biglang ngumiti si Tita, "Totoo ba?! Daniel! Sila na daw ulit! Sabi ko naman sa'yo magiging sila ulit e! Ano ba naman 'tong si Kiko hindi man lang sinasabi!" Wala naman akong sinabi na kami na ah? Basta sinabi ko lang na okay kami.



Tinawag kami ni Kenneth no'ng ready na iyong dinner kaya sabay-sabay kaming kumain.


Inunahan ni Kenji si Kenneth sa tabi ko kaya doon na lang siya naupo sa tapat ni Kenji kasi nasa tapat ko si Tita. Ramdam ko nga na nagsisipaan 'yong dalawa. Ang tatanda na nila para pa rin silang bata mag-asaran.


Nagkwentuhan kami about sa kabataan no'ng dalawa hanggang sa napinta 'yong topic sa company nila.


"How's the artists? Wala naman nai-issue sa kanila?" Tanong ni Tito.


"They are all fine, Pa."


"Mabuti naman kung ganon. Nakakasama mo pa ba si Sofia? 'Di ko na siya nakikita na pumupunta dito sa bahay-- What?!" Hindi ko alam kung bakit biglang napasigaw si Tito no'ng napatingin na ako sa kanya nakatingin na silang lahat sa'kin.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon