Chapter 18: Panghihinayang?

8.9K 295 1
                                    

Lance's P.O.V.

Nandito ako sa pool ng bahay nakalubog ang paa sa pool. Iniisip ko lang kung anong mangyayari sa aming dalawa ni Thea pag-umamin ako sa nararamdaman ko sa kanya. One-sided love ba ito o mutual feelings? Ako lang ba nakakaramdam nito o nararamdaman nya rin? Aish! Ang gulo!!

Ginulo ko ang buhok ko sa iniisip ko. "Argh! Thea." Sabi ko. Bakit kasi sa dinami-rami sa kanya ko pa naramdaman to. Pwede naman sa iba na lang at ang malas ko lang sa BESTFRIEND ko pa ito naramdaman. Akala ko hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya higit pa pala dun ang naaramdaman ko.

"Bakit hindi ka umamin?" Nagulat ako sa narinig ko napatingin ako kung saan nang galing ang boses. S-si Alexza na naka-cross arm pa at nakasandal sa pinto.

"K-kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot.

"So...bakit hindi ka umamin?," Ulit na tanong nya na nagpakunot ng noo ko. "Don't deny it. I saw everything." Dagdag nya pa. Napabuntong hininga naman ako at alam kong si Thea ang tinutukoy nya.

"I'm-I'm afraid." Sabi ko sabay yuko.

"Afraid of what?" Sabi nya. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot sa tanong nya, "Natatakot ako sa mangyayari sa pinagsamahan namin. Natatakot ako na baka lumayo sya hindi ko makakaya yun. Hindi ko makakaya na mawala yung bestfriend ko na mahal na mahal ko ng higit pa pala sa inaakala ko." Sabi ko kay Alexza tumango-tango naman sya.

"Inuuna mong isipin ang takot kesa sa panghihinayang?" Sa sinabi nyang yun napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Panghihinayang? Takot? Hindi ko ma-gets.

Tumingin sya sa pool bago magsalita, "Natatakot ka sa maaring mangyari sa mararamdaman nya kapag umamin ka ng nararamdaman mo. Maaari syang lumayo sa iyo at baka itapon nya ang pinagsamahan nyo...ang pagkakaibigan nyo. Tama ba?" Tanong nya at tumingin sa akin kaya tumango ako. Tama yung sinabi nya pero hindi ko maintindihan kung paano napasok sa usapan ang panghihinayang?

Minsan mahirap isipin ang tinatakbo ng utak ni Alexza. Kahit kami minsan na-pu-puzzle anh utak sa iniisip nya. Masyadong malalim. Tumawa sya dahilan ng pagkakunot ng noo ko. Nababaliw na ba si Alexza? Napansin nya ata na naguguluhan ako.

"Hindi mo ma-gets ang sinasabi ko at kung bakit nasama ang panghihinayang sa takot, tama ba?," Napatango naman ako.

"Hay Lance! Natatakot ka kung hindi nya nararamdaman ang nararamdaman mo pero paano pala kung nararamdaman nya rin yun? Nagtataguan lang pala kayo ng feelings para sa isa't isa, diba?" Sabi nya. Tama sya, what if she feels the same way pero...

"Pero ang buhay hindi para palabas sa T.V. o sa sine na laging happy ending." Sabi ko.

"Oo nga pero diba kaya nakakagawa ng palabas kasi sa mga karanasan natin sa buhay kaya nga may sinasabi sila ng relate much kasi nakikita natin yung nangyayari sa atin...sa buhay natin sa palabas na yun." Sabi nya. Oo nga, ano? Tama nga sya.

"Umamin ka na sa kanya bago ka pa maunahan ng iba. Wag mong unahin ang takot mo. Take a risk, para bandang huli hindi ka magsasabi ng what if. What if umamin ako? What if nararamdaman din nya pala yung nararamdaman ko? What if...what if kung mahal nya rin pala ako? Don't let your fear conquer you, you might miss something." Sabi ni Alexza at umalis na.

Now, I know what to do. Thanks Alexza. Pumunta ako sa sala nakitang ko nagkakantahan sila.

"Oh Lance! kanta ka. Dali. Ito oh" sabi ni Lenia habang binibigay yung mic sa akin. Tinignan ko kung ano yung kanta saktong-sakto sa akin. Paano na kaya? Kinuha ko yung mic at nagumpisa ng kumanta.

~Wooohhhh...

Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh~

Nakita ko si Thea na nakaupo sa sofa nakatingin sa akin.

~Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
'Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh...

Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa

Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigan
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya~

Bakit ba mahal na mahal ko tong tao tinitignan ko ngayon? Ewan ko din. Wala akong clue basta mahal ko sya tapos.

~Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin
'Di ko yata matitiis mawala ka
Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh....

Paano na kaya 'di sinasadya
'Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya, 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang'di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya

At kung magkataong ito'y malaman mo
Sana naman tanggapin mo ohh woohh

Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya' di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang
At baka hindi maintindihan
Paano na kaya~

Buong kanta sa kanya lang ako nakatingin.

Alexza's P.O.V.

Nandito kami sa sala. Natutuwa ako sa nangyayari sa barkada namin, who knows sila-sila rin pala ang magkakatuluyan. Hahaha!

Sana nandito pa si Nico para makita nya ang nangyayari sa barkada siguradong matutuwa sya. Nico kung nasaan ka man sana masaya ka.
*****************************************
Alexza and Charles picture at the right side------------->

Vote or comment. ^_^

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon