Chapter 20: Fight?

8K 354 12
                                    

Jewel's P.O.V.

"Ate!! Wake up!!" Bulway sa akin ng kapatid ko pagpasok pa lang ng kwarto ko. Binuksan ko yung isa kong mata para makita kung anong oras na at kung maka-gising ang kapatid ko ay kulang na lang ay hatakin ako para lang gumising.

6:00 na pala--What the?! 6:00? Mamaya pang 9:00 anh pasok ko at ginigising na ako ng kapatid ko? Pinagpatuloy ko ang naudlot na tulog ko at hindi pinansin ang kapatid ko kahit niyuyugyog na ako at kulang na lang itulak sa kama.

"Jel, anak gumising ka na. Yung manliligaw mo nasa baba. Hindi mo man lang sinabi na may nanliligaw na pala sayo." Sabi ni Mama agad akong nabalikwas dahil sa narinig ko. Ako? May manliligaw? Kailan pa? Bakit di ako na-inform?

"Ma, baka maling bahay ang napuntahan nya. Hindi siguro ako yun. Walang nanliligaw sa akin at hindi ako tumatanggap nun." Sabi ko kay mama at tumayo na. Nawala na ang tulog ko. (T3T)

"Wag ka na magdeny anak. Ok lang naman sa akin. Infairness ang gwapo ng magiging Son-In-Law ko ah." Agad naman akong nasamid kahit wala naman akong iniinom o kinakain sa sinabi ni mama. Son-In-Law? Seriously? Sabi ni mama manliligaw ko palang tapos ang utak nya nasa magiging Son-In-Law na?!

"Ate halika na at bumaba ka na. Tsaka oo nga ate tama si mama ang gwapo ng manliligaw mo." Sabi ni Autumn na parang kinikilig pa. =_= Parehas sila ni mama. (___ ___)7

"O sya, halika na at nag aantay na yung Son-In-Law ko sa baba." Sabi ni mama. Kung sino man ang sinasabi ni mama na oh-so-called-son-in-law nya ang masasabi ko ay Magaling! Nabola nya si mama pero ako hinding-hindi nya mabobola.

Na-una na silang bumaba dahil nagbihis pa ako. Bumaba na rin ako para makita kung sino ang Poncio Pilato na nagsabi kay mama na manliligaw ko sya. Nasa itaas palang ako ng hagdan naririnig ko na ang tawanan nilang tatlo. Wow! Close agad sila? Ang galing talaga mangbola.

Pagbaba ko. (O_O) BAKIT NANDITO ANG KUMAG NA 'TO? PAANO NYA NALAMAN ANG BAHAY NAMIN?!

Alexza's P.O.V.

Pagkarating na pagkarating namin sa school at pagbaba ko sa kotse ni Charles puro bulungan agad ang bumungad sa amin ng makita nila ako na lumabas sa kotse ni Charles.

"Omg! Why is that NERD girl with Charles?" Conyong sabi nang babae ay kulang na lang lahat ng make up ay itapal nya sa mukha nya.

Napuno pa ng iba't ibang bulungan ang paligid dahil nakita nila kami.

>>Fastforward<<

Vaccant time na namin. And guest what wala akong kasama, kinuha kasi nila Jhustin at Luis sila Jewel at Andrea. Hmm..I smell something fishy. Hahaha! Nababaliw na ako.

Naglalakad-lakad lang ako sa Campus pero nagulat na lang ako nang parami ng parami ang mga studyante na nagtatakbuhan. Hinatak ko ang isa sa mga tumatakbo. Napatingin naman sya sa akin na parang nagtatanong.

"Ano pong meron at nagtatakbuhan kayo?" Sabi ko sa lalaking nasa harap ko. Inirapan nya lang ako.

"Duh~ Girl, may away si Papa Charles all by himself. Ofcourse, I want to watch it." Sabi nya at nag-roll eyes pa at may pakumpas-kumpas pa sa kamay nya. Napa nga-nga ako sa kanya.

"Hey, girl! Can you make sara nga your bibig. Is this the first time to see a dyosa like me?" Sabi nya. Err---bakla sya.

"Uhm..pwede ba ako sumama?" Sabi ko sa kanya.

"Sure!" Sabi nya sa akin at hinatak na ako papunta sa lugar kung saan nakikipag-away si Charles.

Pagpunta namin dun. $h*t! May mga pasa na sya at parang ayaw nya lumaban. Patuloy syang binubugbog ng apat pang lalaki pero makikita mo naman na halos 30 na tao ay napatumba na nya. Hindi ko alam kung may pagka-abnormal ba ang tao dito at hindi man lang nila tulungan si Charles. Patuloy syang pinagpapapalo ng mga bakal at baseball bat ng apat na lalaki.

Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. Nanlilisik ang mata ko sa galit dahil sa nakikita kong nangyayari kay Charles ewan ko pero parang may nagsasabi sa akin na tulungan ko na sya.

"Itigil nyo yan!" Sigaw ko na sobra na akong galit makakapatay ako nito ng wala sa oras nagbigay naman ng daan ang taong nakapaligid sa kanila para makapunta ako kila Charles halata mo na kaya nya pang lumaban at hindi pa ito napuputuhan.

"Hoy babae! Kung ako sayo umalis ka na at baka madamay ka pa." Sabi nung isa sa kanila. Tinignan ko lang si Charles na parang nag-uusap ang mata namin parang sinasabi na pagtulugan namin tumango kaming dalawa ni Charles.

Nag-umpisa na akong bigyan ang isa ng back kick. Si Charles naman nag-umpisa na rin makipag suntukan.

Susuntukin sana ako ng isa pero bigla kong hinawakan ang kamao nya na dahilan para magulat sya. I smirked at him when I see his reaction. Pinilipit ko ang kamay nya patalikod na naging dahilan para mapa-sigaw sya sa sakit at sinipa ko sya sa likod.

Pagsipa ko sakto may sumunod na papalapit sa harapan ko agad ko syang binigyan ng axe kick na naging dahilan ng pagtumba nya agad. Nakita ko na parami ng parami ang kalaban namin. Tang*na! Saan sila nang gagaling?! Nakita ko si Charles na patuloy pa rin ang pakikipag laban.

Nagulat ako nang may biglang umakap sa akin patalikod. Agad kong inapakan ang paa nya at sinimurahan sa magkabilang gilid ng kanyang tyan. Nabitawan nya ako at napahiga sya sa lapag habang hawak ang tyan nya dahil sa sobrang sakit ng pag sikmura ko sa kanya.

Patuloy lang kami sa pakikipag laban hanggang sa magdikit ang likod namin ni Charles at sampung malalaking lalaki na lang ang natitira.

In 3..

2

1

Mabilis kong inikot ang kamay na isang lalaki na muntik na akong suntukin tinadyankan ko naman ang lalaking papalapit sa akin. May dalawang lalaki na papalapit sa akin kaya yung lalaking hawak ko ngayon ay binalibag sa kanila.

Di nagtagal natapos din kami ni Charles sa mga lalaking tumba dito. Napatingin naman ako sa mga studyante na nakapaligid sa amin. Putek! Bakit ankalimutan ko na nasa school ako? Lahat sila naka nga-nga na parang nakakita ng isang impossibleng pangyayari. Tahimik lang sila.

*clap clap clap*

Nakarinig kami ng palakpak ng ilang tao dahilan para kumunot ang noo namin ni Charles. Agad na nagbigay daan ang ibang studyante at nakita namin ang Dark Angel Gang at ang gang ni Charles.

"Hindi man lag kayo nag-aya na may away pala tayo." Sabi ni Lance.

"Sayang naman! Di ako naka-abot." Sabi ni Dianne.

Nagulat na lang kami ng may marinig kami ng mga lalaking sumisigaw at parang handang makipag-away.

"Great! Hindi pa pala tapos may round 2 pa. Hahaha!" Sabi naman ni Kuya Kevin na tuwang-tuwa at handang-handa makipag laban. Natanaw na namin ang ibang mga lalaki na handang-handang makipag-away sa amin. We all smirk on what we see. Pinaghandaan talaga ng kung sino mang g*go ang away ngayon.

Agad na kaming gumawa ng sari-sariling posisyon kung saan kumportable kaming makakagalaw para makipag-laban..
**************************************************
Author's Note: Ano masasabi nyo sa story? Panget ba? Sino excited sa next chapter? Taas paa. Hahaha! Joke lang.

Comment or Vote. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon