Andrea's P.O.V.
Nandito kami sa food court napagpasyahan na namin ni Jhustin. Yup! Si Jhustin, wag gawan ng malisya ha. Best friends lang kami ni Jhustin. No more no less.
Yung kanina aminin ko na-inis ako nung nakita kong may kasamang ibang babae si Jhustin. Ang weird nga eh parang gusto kong patayin yung babae sa sobrang inis ko. Kaya hindi ako nakapag-timpi na-away ko na sya. Okay na yung ganun. Kamusta naman yung kay Jewel? Hahaha! May pa-sugod-sugod pa. Oha!
Kasama ko si Jhustin papunta kaming counter sa Jollibee. Favorite ko yun eh. Sinamahan lang ako ni Jhustin umorder.
"Andrea, tignan mo yun oh." Sabi ni Jhustin kaya tinignan ko yung tinuro nya. Aw! Sweet nga. Nakaka-bitter.
"Oh? Ano naman?" Bored na sabi ko. Paki ko sa kanila?
"Gayahin natin. Hahaha!" Sabi nya.
"Ah. Ayun la---ANO?!" Sabi ko sa kanya. Nababaliw na ba sya? Bakit naman namin gagayahin yan?
"Dali na!" Pagpilit na sabi nya. Wala naman sigurong masama, diba? Gagayahin lang naman namin.
"Sige. Payag na ko." Sabi ko. Nagulat na lang ako bigla nyang hawakan yung kamay ko. Pilit kong inaalis pero hinigpitan pa nya yung pagkakahawak.
"Wag kang magulo magkahawak sila ng kamay oh." Sabi nya sabay nguso dun sa kamay ng dalawa. Patay! Mukhang mapapasubo ako dito ah.
Bakit ganun ang lambot ng kamay nya? Alam nyo yung pakiramdam na paghinawakan mo yung kamay nya parang ligtas ka. Aish! Ano ba tong iniisip ko?! Pinagpapantasyahan ko ba si Jhustin? No way! Never! Yan ang hinding-hindi ko gagawin.
Pagtapos namin umorder pumunta kami sa malapit na table yung kaming dalawa lang magkahawak pa rin yung kamay namin tapos sya may dala nung order.
Nakita ko sa mukha ng mga kaibigan namin na nagtataka. Bakit naman? At pagtingin ko dun sa tinitignan nila, yung kamay namin ni Jhustin magkahawak pa rin. >///////<
"Oh? Bakit ka namumula?" Tanong ni Jhustin. Hala! Nakita pala. >_< Naman eh!
"W-wala." Sabi ko. Nakita ko naman si Aika at Charles na papalapit sa amin.
"Ang bilis ah! Parang umalis lang kayo saglit..." sabi ni Aika na parang tinutukoy yung mga wierd na pinaggagagawa ni Jhustin.
"Wag ka--" Sabi ko kaso naputol dahil nagsalita agad si Jhustin.
"Pinsan, ang malisyosa nyo naman. May ginagaya lang kami. Ayun oh! *sabay turo sa couple na ginagaya namin*." Sabi ni Jhustin.
"Ah." Sagot na lang ni Aika pero halatang di pa rin sya kumbinsido sa sinabi ni Jhustin.
Tumingin kaming apat sa couple na ginagaya namin ni Jhustin at O_O pinunasan nung lalaki yung babae ng tissue at mabilis na hinalikan nung lalaki yung labi ng babae.
Nagkatinginan kami ni Jhustin at sabay na tinignan sila Aika at Charles parehas silang naka-ngisi.
"Ginagaya pala ah." Naka-ngising sabi ni Aika.
"Oh, nag-kiss sila. Bakit di nyo gayahin?" Naka-ngising dagdag pa ni Charles at umalis na silang sabay.
Naku! Itong mag-fiancee na 'to kung di ko lang sila kaibigan at nakakatakot nabatukan ko na 'tong dalawang 'to. >_<
"Andrea, kiss daw oh." Sabi ni Jhustin tapos ngumuso pa ang loko.
*Pak*
"Kiss ka dyan. Ito gusto mo?" Sabi ko sabay pakita ng kamao ko.
"Joke lang. Hehehe!" Sabi nya.
"Jhustin, kantahan mo ko." Sabi ko sa kanya habang may malapad na ngiti sa mukha para convincing. Sana mapapayag ko syang kumanta.
Bakit? Wala lang. Trip ko lang tsaka gusto ko lang marinig yung boses nya. Yun lang! Hindi na kasi ako makapaghintay pa sa performance namin sa Music eh, yung by partners.
"Eh? Pangit boses ko." Sabi nya pero dahil makulit ako.
"Dali na. Please?" Sabi ko sabay puppy eyes pa para effective. Hahaha! Di ako papatalo, 'noh? :p
"Sige na nga." Sabi nya. Yes! Napapayag ko din. Hahaha!
Tumingin sya sa paligid at tumayo. Lumapit sya sa lalaki na may hawak ng guitara? Anong gagawin nya dun? Pinapakanta ko lang naman sya ah. Bumalik sya dala-dala yung guitara hiniram nya ata.
"Mas maganda pag may guitara para damang-dama yung kanta." Sabi nya pag-upong pag-upo sabay instrum ng guitara.
~Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot~~[Refrain:]
Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala~Ang ganda ng boses nya. Wag gawan ng malisya sadyang magaling lang talaga sya kumanta at mag-guitara.
[Chorus:]
~Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang taning panalangin ko ay ikaw~Ang ganda ng boses nya kaya di ko naiwasan pumalakpak.
Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°Δ°
Author's Note: Short update muna. Ito lang kinaya ni Utak eh. Hahaha! ^_^Vote or comment. Thanks!
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..