Chapter 32

6.1K 250 4
                                    

Andrea's P.O.V.

Akalain mo yun ang bilis palang tumakbo ng oras parang nung isang araw lang first day of school namin. Then, kahapon yung time na nakipag- away kami at nalaman namin na si Aika ay isang gangster princess. Parang ganun lang pero 2months ago na pala yun. Hahaha! Akala nyo po sobrang tagal na noh?

Nandito ako sa garden. Ang ganda ng view dito eh.

"Gusto mo bang inumin? Bibili kasi ako eh." Tanong ni Jhustin. Oo nga pala kasama ko sya habang tumatagal mas lalong gumagaan ang loob kong kasama sya.

"Sige." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Hintayin mo ko ah. Sandali lang ako." Sabi nya sa akin kaya tumango lang ako at umalis na sya.

Biglang humampas ang malakas na hangin. Habang tumatagal mas lalo ko silang nakikilala at masaya silang kasama. Sana matagal ko pa silang makasama.

Lalo na si Jhustin. Halos magpalit na nga ata kami ng mukha dahil lagi ko syang kasama para ko na syang bestfriend. Sa totoo lang I like him. Napaka-gentleman nya kasi.

*kring kring*

May tumatawag pala. Sinagot ko agad yung phone ko ng makita ko yung caller si kuya Nico.

"Hello kuya?" Sabi ko pagsagot ko ng phone.

"Hello Andrea! Kamusta ka na?" Sabi ni kuya Nico.

"Ayos lang ako kuya. Kelan nga pala ang flight mo dito? Sabi mo pupunta ka dito sa Pilipinas, diba?" Sabi ko sa kanya.

"Malapit-lapit na rin siguro. Wala pang exact date eh." Sabi nya.

"Ok kuya. Bakit ka po ba tumawag?" Tanong ko sa kanya.

"Kakamustahin lang kita. How are you there in Philippines?" Tanong ni kuya sa akin.

"I'm good but I think it's better when you're here." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha! Sige na. I'll hang up." Sabi nya kaya nag ok na ako and the line end.

Saktong pag end ng line ay dumating si Jhustin.

"Sinong ka-usap mo?" Tanong ni Jhustin sa akin.

"Yung kuya ko." Sabi ko sa kanya.

"Ah. May kuya ka pala." Sabi nya.

"Yep! Stepbrother." Sabi ko.

"Huh? Stepbrother?" Sabi ni Jhustin.

"Oo." Sabi ko hanggang sa na-kwento ko na sa kanya ang tungkol kay kuya Nico.

"Teka anong name ng kuya mo?" Tanong ni Jhustin.

"Nico." Sabi ko. Nakita ko yung mukha nya na gulat na gulat pero ngumiti ulit.

Jhustin's P.O.V

"Teka anong name ng kuya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nico." Sabi nya na ikinagulat ko.

Nico? Impossible naman siguro na yung ex yun ni Alexza. Matagal ng patay si Nico tsaka maraming Nico. Tama! Tama. Nagkataon lang siguro na magkapangalan sila. Magtatanong pa sana ako kung anong fullname nung kuya nya pero tinawag na kami nila Luis.

~~Fastforward~~

"Jhustin baka magka-developan kayo ni Andrea ah." Sabi ni Drew at napuno ng tuksuhan dito sa kwarto ni Kevin.

Nandito kaming mga lalaki sa kwarto ni Kevin. Yung mga babae naman nasa kwarto ni Lenia.

"Hahaha! Ako lang ba? Ikaw Luis?" Sabi ko kay Luis.

"Anong ako?" Pa-inosenteng tanong niya.

"Kamusta ang panliligaw mo kay Jewel?" Pagtutuloy ni Lance sa tinutukoy ko.

"Hindi ko alam kung manhid ba sya o talagang kulang ang effort na ginagawa ko." Sabi nya ng naka-yuko.

Araw-araw ba namang busted ang mokong. Aba! Pwede na syang ilagay sa Guinness Book of Record.

"Seryoso ka na ba sa nararamdaman mo?" Nagulat kami sa tanong ni Charles.

"Buhay ka pa pala?" Sabi ko sa kanya.

"Nandyan ka pala, Charles." Sabi naman ni Lance.

"Long time no see." Sabi ni Drew.

"Ikaw? May sasabihin ka pa?" Baling ni Charles kay Kevin.

"Wala na nasabi na nila." Sabi naman ni Kevin.

"Tss! Ano Luis? Mahal mo ba talaga si Jewel?" Ulit na tanong ni Charles kay Luis.

"Mahal na mahal. Kung hindi, hahayaan ko ba ang sarili ko na paulit-ulit na mabusted at masaktan kung hindi ko sya mahal? Kilala mo ko, Charles. Kung ayaw talaga sa akin hindi ako yung tipo ng tao na maghihintay at pipilitin ang ayaw sa akin pero...wala eh. Pag pala gusto mo yung tao nakaka-tanga man pero gagawin mo yung lahat magustuhan ka lang nya at mapatunayan ang sarili mo sa kanya." Sabi nito.

"Woah! Yun naman pala eh." Sabi ni Drew.

"Luis, wag kang sumuko. Baka sinusubukan ka lang talaga ni jewel kung hanggang saan mo syang kayang hintayin. It's just a test." Sabi ni Kevin sa kanya.

Tama naman si Kevin. Siguro nga sinusubukan lang sya ni Jewel at isa pa, impossibleng sa mga effort na ginawa ni Luis ay kahit konti walang naramdaman si Jewel.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Charles.

"Saan punta mo?" Tanong ni Kevin sa kanya.

"Mag c-cr lang." Poker face na sabi ni Charles.

Tumango na lang kami. Minsan na we-weirduhan ako kay Charles. Si Charles yung tipo ng taong parang maraming sekretong tinatago at alam. Parehas na parehas sila ni Aika.

Vote and comment. Thanks! :)

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon