Chapter 44: Saving them

3.4K 96 34
                                    

A/N: Hi TNGP readers! Sorry kung sobrang tagal ko ng hindi nag-update. Alam kong namiss nyo na rin sila Aika so enjoy reading!

Third Person's P.O.V.


"Hi Boys!" Seductive na sabi ni Dianne sa isa sa mga lalaking nagbabantay. Lahat naman sila ay napatingin kila Dianne.

"Anong ginagawa nyo dito? Bawal kayo dito!" Sabi naman ng isa sa mga masculadong lalaki na nagbabantay.

"Hindi nga namin alam eh. I think we're lost." pa-cute na sabi ni Dianne.

Habang nililibang ng mga babae ang mga nagbabantay. Hindi nila namamalayan na napatay na nila Jhustine, Christian at Nico ang mga nagbabantay sa operating room at hinahack na ang system nito.


Drew's P.O.V.

"Kevin, Charles, kumalma nga kayo!" Sabi naming dalawa ni Lance. Ang mga gunggong kasi matapos namin matanim ng maayos ang bomba sa paligid ng building nakita ng mga mata nila Charles at Kevin yung mga girlfriend nila na nilalandi ang mga bantay na ayon sa plano.

"Tangna! Pasasabugin ko na mga ulo nila." Sabi ni  Kevin habang pinipilit kong awatin.

"Fuck! I'm going to cut all their heads off." sabi naman ni Charles habang nanggigigil. Aminin ko mas nakakatakot sya kay Kevin at alam kong natatakot na din si Lance sa kanya. Sya kasi ang pumipigil kay Charles.

"Tumigil na kayo! Hindi lang naman kayo ang nagseselos. Kami din. Hindi lang kayo ang may girlfriend sa mga babaeng yan. Nandyan din yung girlfriend namin." Nagpipigil din sa inis na sabi ni Lance.

"Balikan na lang natin yang mga ugok na yan pag nasimulan na natin." Sabat ko na din.

Nagulat ba kayo kung bakit di ako masyadong affected? Syempre affected pa rin ako kaso medyo lang. Haha! Ako lang naman ang makakatagal sa ugali ng girlfriend kong topakin eh. Tsaka, impossible din na may magustuhan pa yang maganda kong girlfriend na iba dahil ako lang ata ang nag-iisang gwapo sa mundong ibabaw at mataas ang standard nyan kaya nga ako naging boyfriend nun eh. 

Buti na lang at kumalma na ang dalawa.

"Ayos na. Na-hack na namin ang system. Ok na lahat. Kamusta ang pagtanim ng bomba?" Rinig kong sabi ni Nico sa maliit kong speaker sa tenga. Lahat kami meron nito.

"Ayos na." cold na sabi ni Charles. Back to abnormal-este normal na ang loko.

"Position." Sabi ni Alexza at nakita namin na binubugbog na nila Alexza yung mga bantay na kaninang nilalandi nila. Nakita namin na dumadami na ang sumusugod sa kanila.

"Tara na, guys!" Sabi ni Kevin at tumakbo na kami sa puwesto nila Alexza.

Nagulat ako ng habang patakbo ako may kutsilyo na tatama sa akin buti na lang at na-iwasan ko. Gago yun ah! Tactical knife pa ang ginamit. Dahil sa inis ko kinuha ko yung Jagdkommando Tri-Dagger ko at binato sa kanya dahil siguro sa pagkakalakas ng bato ko tumagos yun sa kanya at tumama din sa taong nasa likod nya.


Third Person's P.O.V.

Dahil parami pa rin ng parami ang sumusugod kila Alexza ay sumunod na din si Nico at Christian habang naiwan naman sa operating room si Jhustin para bantayan ang mga nangyayari.

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon