Chapter 45

2.9K 58 38
                                    

Author's Note:

Sorry kung sooooooooooobrang tagal ko po talagang mag update. Nawala po talaga ang motivation ko as a writer but thank you at patuloy nyong sinusuportahan ang TNGP. Thanks you din sa dun sa mga kaibigan at kapatid kong kinukulit ako para i-update at tapusin itong story na to. Para po sa mga fans ng ating mga bida, tatapusin na natin ang story nila Alexza and her friends. Balak ko sana na hanggang 60 or 70 chapter ang story na 'to. Napansin ko din na sobrang dami kong typo grammatical error dito kaya pasensya na po. Hope you have a time to read my new story Section: Popular. At sa mga magtatanong, hindi po sya katulad ng story ni Alexza. Masyadong madugo sa utak ang ginawa ko sa story nila Alexza. Yun lang po. Enjoy reading, guys! Lovelots~
*****

Jewel's P.O.V.

Nagising ako na nasa isang kwarto na halos walang laman. Bumungad sa akin ang isang malaking pinto. Sinubukan ko tumayo sa pagkaka-upo pero nabigo ako. Nakatali ang paa at kamay ko sa upuan. Sinubukong kumawala habang tumingin sa paligid ko pero ganoon na lang ang pagkabigla ko ng makita ko si Andrea na nakatali din at walang malay.

"Andrea! Andrea! Gumising ka, Andrea!" Naka-hinga naman ako ng maluwag ng gumalaw ang kanyang ulo at dumilat sya. Halata pa sa mukha nya ang pagka-gulat sa nakita. Sino bang hindi? Makita mo ba naman ang sarili mo sa nakakatakot na lugar kasama ang kaibigan mo at pareho kayong nakatali? What a great scene.

"Ok ka lang?" Sabi ko sa kanya. Binalingan nya naman ako ng tingin.

"Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?" Halata sa boses nya ang takot.

"Hindi ko alam-" Natigilan ako sa sasabihin ko ng maalala ko kung ano ang huling nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.

"S-si Naru!" Nasabi ko na lang bigla. Halata naman ang pagtataka sa mukha nya. Mukhang di nya na-gets ang sinabi ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin na lang kami ni Andrea sa pintuan at inaabangan ang taong papasok.

Pumasok ang isang babae. Nanliit ang mata ko pagka-kita ko pa lamang sa kanya. T-teka syang yung..

"Surprise?" Naka-ngiting wika nya sa amin. Mas ikinagulat ko ang taong kasundo nyang pumasok at nasa likuran nya lang.

"Ang sabi ni boss wag daw muna natin silang--" Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil nahuli nya ang mata kong nakatingin sa kanya ng may halong galit.

Hindi ko alam. Na-iinis ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam ng trinaydor. Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang to naranasan sa buong buhay ko. Naramdaman ko ng humigpit ang kamao ko sa sobrang galit. Bakit sa lahat ng tao sya pa ang gagawa nito?

Ano bang nangyayari, Naru? Bakit mo hinagawa 'to?

"Jewel.." Mahinang sambit nya pero sapat na para marinig ko. Lalong uminit ang ulo ko sa ekspresyong nakikita ko sa mga mata nya. Pag-aalala. Wala syang karapatan mag-alala dahil unang-una sya ang dahilan kung bakit nandidito ako o kami ngayon ni Andrea.

Ramdam ko na kinakain na ako ng galit ko kaya naramdaman kong napangisi na lang ako. Alam kong dapat nakakaramdam ako ng takot sa mga panahon na 'to pero iba ang sinasabi ng utak ko. Nagiging madilim ang paningin ko.

"A-anong nginingisi-ngisi m-ong babae k-ka?" Halos manginig ang boses na tanong nung babaeng pumasok kanina. Halata ang takot nya dahil sa nakikita nyang itsura ko.

"Why? Scared?" Napaka-lamig kong sabi at ramdam kong nagulat silang lahat na nandito pati na rin si Andrea.

"J-jewel.." Tinignan ko sya pero hindi ko pinapalitan ang ekspresyon na nakikita nila sa mukha ko. Ayokong mapahamak sya hanggat maari. Pro-protektahan ko ang kaibigan ko. Alam kong ililigtas kami nila Alexza. Pumekeng tawa naman ang babaeng nasa harap namin kaya nalipat ang tingin namin sa kaya.

"Acting tough. I see." Tense na sabi nya pa din. Napatingin ako ng palihim sa bintanang nasa gilid ko at saktong nakita ko sila Lance. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. I knew it! Nang masiguro kong nandito nga sila bumaling ang atensyon ko ulit sa babae at ngumiti ng mala-demonyo.

"No." Tumingin ako kay Naru at tumawa ng walang buhay. "This is my little devil saying hello to all of you." Saktong pagtapos kong sabihin yung narinig kong nagkaroon ng kaguluhan sa labas at maririnig mo ang tunog ng baril hanggang dito.

"Napasok tayo!" Hinihingal at nagpapanic na sabi ng masculadong lalaki na kapapasok lang at may hawak na mataas na kalibre ng baril. Dahil doon, narinig ko ang mahinang mura ni Naru habang hinahanda ang baril nya na nakalagay sa likod at kinasa iyon.

"We're not done yet." Maarteng sabi ng babae sa akin at tumingin sa lalaki. "Let's go!" Sabi ulit nito at tumakbo palabas. Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Andrea kaya napatingin ako sa kanya. I know we're going to be okay. Just hold on.

Alexza's

Agad kong iniwas ang sarili ko sa balang papunta sa direction ko at tinignan ang may gawa nun. Mabilis ang pagkilos ko at sinipa sa tyan ang may gawa nun. Shit! Muntik na ako dun.

Mabilis ang pag-ikot ko sabay ang pagsipa na may marinig akong yabag napapalapit sa likuran ko. Nasaan na ba sila Andrea? Okay lang kaya sila?

"Wala ng masyadong bantay sa loob." Rinig kong sabi ni Christian sa maliit na speaker na nakakabit sa tenga ko. "Got it." Sabi ko na lang at mabilis ang hakbang na pumunta sa likod na entrance para maiwas ang atensyon sa akin ng mga kalaban. Kinabisado ko ang blueprint ng building bago kami pumunta dahil napag-desisyunan namin na ako ang papasok sa loob para mahanap sila Jewel. Una ayaw pa nila pero dahil mapilit ako pumayag din sila. Napag alaman ko kasi na may air duct sa lugar na yun at kung sakali na maraming tauhan na kalaban ang gumala pa sa building ay siguradong hindi ko sila makakasalubong dahil dun ko balak dumaan.

Lenia's P.O.V.

Halos mapatili ako sa gulat ng may biglang yumakap sa akin sa likuran kaya napatili ako na mahina. Hindi ko masyadong napansin na may nakalapit na pala sa akin sa likuran dahil sunod-sunod ang mga putok ng baril at lumalapit sa akin kaya mas itinuon ko ang atensyon ko dun.

Ayos din 'tong pangit na 'to eh. Nasa gitna ng laban tsinansingan pa ako. Hmp!

Sa sobrang inis ko dahil dapat sa leeg nya ipulupot ang braso nya payakap talaga ang ginawa nya. Sinikmurahan ko agad sya at mabilis na kinuha ang braso nya at binalibag. Sabay pilipit ng kamay nya at saksak sa dibdib nya ng kutsilyong dala ko. Ka-asar! Manyakis. Dapat lang yan sayo.

Nanlaki ang mata ko at mabilis ang kilos dahil di ko inaasahan na maglalabas ang isa sa kanila ng bazooka at pinaputok yun. Buti na lang at naka-iwas ako. Tangna!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon