Chapter 35: First Move?

6.3K 214 44
                                    

Andrea's P.O.V.

Nandito na kami ngayon sa school. As usual nagbubulungan ang mga nakakakita sa amin ngayon na kasama ang mga gangsters na 'to.

"Tignan nyo oh. Kasama na naman nila ang mga nerds na yan."

"Oo nga. Tsaka pansin nyo lately halos lagi nilang kasama yang mga yan."

"Himala at hindi nag-aaway ang dalawang gang na yan."

"Ang swerte naman nila kasi sila pa ang pinansin nila Kevin."

Haist! Kelan kaya matatapos ang mala-bubuyog kong mga schoolmates? Hindi pa ba sila sanay o nagsasawa na halos araw-araw ata tuwing papasok ay magkakasama kami?

"Hindi sila mabubuhay ng walang chismis, 'noh?" Bulong ni Thea sa amin.

"Oo nga! As if naman na mamamatay sila." Sabi naman ni Dianne.

"Chill lang, girls." Sabi ni Luis dahilan para batukan sya ni Jewel.

"Affected kami ni Andrea dito, noh! Sino ba ang mga nerd dito?" Sabi nya kay Luis. Pansin ko parang wala namang nagbago sa kanila medyo nagkaroon lang ng konting sweetness si Jewel kay Luis. Konting lang naman. And swear, sweet na sya sa lagay na yan.

"Si Alexza pa!" Sabi naman ni Drew.

"Oo nga." Sabat naman ni Lance.

"Hayaan mo na sila magulo lang talaga sila pag nagsama-sama." Sabi nya sabay akbay sa akin. Kinilig naman ako. Ikaw kaya akbayan ng crush mo, diba? Diba?!

"Meron kayang hindi." Bulong ko sa kanya.

"Sino?" Takang tanong nya naman sa akin.

"Sina Aika at Charles." Bulong na sabi ko naman sa kanya dahilan ng pagpigil nya ng tawa.

"Inborn na sa kanila yan. Hindi ka pa ba sanay?" Sabi nya sa akin habang nagpipigil ng tawa. Tumango na lang ako. Nakarinig kami ng umubo sa likuran namin.

"Galawang breezy tayo, Jhustin." Sabi ni Kevin sa kanya.

"Huh?" Nasabi na lang ni Jhustin. Sign na hindi nya na-gets ang sinabi ni Kevin.

"Braso mo nakapatong sa balikat ni Jewel. In short naka akbay ka." Sabi ni Lenia sa amin.

Parehas kaming nagkatinginan at tinanggal nya agad ang pagkaka-akbay nya sa akin sabay iwas tingin sa isa't isa. Naman! Br-in-odcast pa. Panira ng moment! Haha! Joke lang, ^_^v Tawa kayo bilis! Ok, ang korny ko. >_</

Napatingin ako kay Aika. Pansin ko lately parang wala sya sa sarili parang laging may sariling mundo. Ganun din si Charles. Anyare sa kanila? Pagtatanungin mo ang sagot laging wala. Hmm..

Charles' P.O.V.

Nasa hallway kami ng school biglang nag-ring ang cellphone namin ni Alexza. Oo kami dahil sabay na nag-ring. Lumayo ako, ganun din naman si Alexza. Halata sa mga mukha ng mga kaibigan namin na naguguluhan dahil para kaming nataranta. Hindi ko din alam kung bakit nataranta si Alexza dahil unang-una may iba akong business.

(Hello! Charles nakita ko na yung pinapahanap mo na Shadow Mafia.) Sabi sa akin nung nasa kabilang linya na si Isabella. Natatandaan nyo pa ba sya? Yung bestfriend ko.

"Ano na ang tungkol sa kanila?" Tanong ko sa kanya.

(Kilala ang pinuno nila na si Shadow King at sila ang top mafia sa Europe. Mayroon sila Mafia Jewel at base dito ang mafia jewel nila ay nandito sa pilipinas pero walang info sa mismong location nito.) Mahabang litanya nya sa akin.

"May iba pa ba?" Tanong ko sa kanya.

(Sila ang nagbabanta sa buhay ng Gang nyo at Dark Angels Gang. Matindi din silang kalaban ang sabi ng mga natatalo nila. Hindi sila fair makipaglaban. Patalikod sila kung gumalaw.) Sabi nya sa akin at ang nakakagulat bakit kami ang puntirya nila.

"Ano bang atraso namin sa kanila?" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya. Bakit nadamay dito sila Alexza?

(Walang nakalagay sa page nila. Nung tinanong ko naman yung mga sumalakay sa territory nyo hindi naman nagsasalita. 'Die wegen der Liebe' yan lang ang sinasabi nila. Hanggang dito na muna.) Sabi nya sabay hang up ng tawag.

Shadow Mafia? Ano ba ang ginawa namin? Napakalaki nyong pala isipan. Magkakaroon na naman ba ng panibagong labanan?

Bumalik na ako sa mga kaibigan namin. Hinanap ko kung nasaan si Alexza. Sabi nila nagmamadali daw na umalis. Halata daw na natataranta ito. Naagaw ng atensyon namin sa cellphone ni Andrea na nag-ring. Lumayo sya sa amin.

Aika's P.O.V.

Mabilis akong umalis pagkatapos ng tawag sa akin sa cellphone ko. Shit! Bakit ang bagal tumakbo ng sasakyan na 'to?! Kung pwede ko lang 'tong paliparin para mabilis na makapunta sa bahay eh. Marami na akong sasakyan na na-uunahan.

Pagdating ko sa bahay namin. Sa mismong bahay namin na kasama sila daddy. Bumungad sa akin ang magulong sala. Bullshit! May mga kalat ng dugo kang makikita. Pumunta ako sa Kusina dahil may narinig akong kaluskos pero bago ako maka-punta sa kusina bumungad muna sa akin ang body guard nila daddy na duguan at walang malay.

Papalapit na sana ako dun sa katawan pero may isang yakuza na lumabas bigla kung saan at bigla akong inatake.

Fuck! Muntik na ako dun ah. Wala na akong nagawa kungdi ang atakihin sya dahil kung hindi baka mapatay nya ako. Agad akong pumunta sa lagayan ng mga kutsilyo. Kinuha ko yung mga kutsilyo at binato sa kanya. Natamaan naman sya sa bandang tyan kaya napahiga sya sa sahig.

Lumapit ako sa kanya since alam kong wala na syang laban. Tatanggalin ko sana yung suot nya na maskara kaso may nagsalita sa likuran namin at nakita ko ang mommy at daddy ko ng mga nakatali at tinutukan ng baril. Nang tignan ko kung sino ang taong yun. H-hindi pwede. P-paanong...?

Someone's P.O.V.

Nag-u-umpisa na kaming kumilos pero wala pa rin kayo ka-alam-alam. Mga kawawang nilalang! Bago nyo pa malaman ang lahat nasa bingit na kayo ng kamatayan.

Umalingaw-ngaw ang tawa ko sa buong bahay. Die wegen der Liebe.

Vote and comment. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon