Chapter 23: BESTFRIEND

8K 302 9
                                    

Author's Note: Hi readers of TNGP! Sorry kung ngayon lang nakapag update. Thanks sa mga nagtya-tyaga sa pag comment at vote sa story kong ito. Thank you din at nakarating kayo sa part na 'to. Hahaha! Btw, picture of Dianne and Drew at the right side. Enjoy reading. Love lots, guys! Muah! ^_^

Jewel's P.O.V.

Dumiretso kami sa...teka kaninong bahay 'tong pinuntahan namin?

"Bahay mo?" Naiilang ko na tanong ko kay Luis. Hindi pa rin ako nakaka-get over sa pinagsasabi nya sa ateng White Lady daw kuno which is ako at mamahalin pa nya daw ako.

"Bahay ng Dark Angels Gang." Sabi nya pero lumabas na ng sasakyan at umikot at pinagbuksan ako.

"Huh?! Ano?! Bahay ng Dark Angels Gang 'to? Ibig sabihin dito nakatira si Aika? ⊙_⊙" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Oo kaya halika na." Sabi nya at hinatak na ako palabas. Takte! Di pa pala akong nagpapaalam kay mama baka maging dragon yun pag uwi ko sa bahay. Kakaiba pa naman ang topak ni mama.

"Hoy kumag! Kung makadala ka sa akin kung saan-saan parang wala akong inuuwiang bahay ah. Tsaka hindi pa ako nagpapaalam kay mama paniguradong magagalit yun." Sabi ko sa kanya habang nakapamewang sa harap nya. Nginitian nya lang ako. Aba! Loko 'tong kumag na 'to ah!

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

"Alam mo ang ganda mo pala kahit nagtataray ka." Sabi nya.

"Ano?! Pinaglololoko mo ba ako Mr. Jhonson baka nakakalimutan mo hindi uubra sa akin yang charms-charms mo na yan." Sabi ko sa kanya.

"Kaya nga gusto kita eh kasi iba ka sa mga babaeng kilala ko hindi ka natitinag sa ka-gwapuhan ko. Sa gwapo kong 'to." Sabi nya tapos nagpogi sign pa. Inirapan ko lang sya.

"Kwago ba kamo? Oo nga mukha kang kwago." Sabi ko sa kanya na parang tuwang tuwa pa ako halata naman na nainis sya at hinatak na ako ng kumag na 'to.

"Nakapagpaalaman na ako kay mama kaya wag ka nang magalala." Sabi nya. Yeka sabi ko ako magpapaalam sa mama ko hindi sa mama nya.

"Kung ikaw nakapagpaalam na sa mama MO pwes ako hindi pa kaya i-uwi mo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Oh? Anong problema nyong dalawa dyan LQ?" Sabi ni Drew agad kaming nagkatinginan ni Dianne at binigyan sya ng batikan-mo-yang-bf-mo-look. Hahaha! Binatukan nga nya.

"Hindi kami mag bf-gf para mag LQ ng kumag na 'to." Sabi ko kay Drew.

"Eh ano ngang problema?" Tanong naman sa akin ni Lance.

"Hindi pa nga ako nagpapaalam kay mama tapos sabi naman nitong kumag na 'to nagpaalam na daw sya sa mama nya. Hello! Sabi ko mama KO at hindi mama NYA." Sabi ko halata namang nagpipigil sila sa tawa problema nitong mga 'to? Pinagtawanan pa ako. May nasabi ba akong mali o nakakataw?

"Ikaw naman kasi Luis eh. Sa mama nya daw hindi sayo!" Sabi ni Dianne habang tawa ng tawa kulang na lang gumulong sya sa lapag.

"Aish! Yung mama mo yun yung sinasabi kong 'pinaalam na kita kay mama'." Sabi nitong kumag na nang hatak sa akin. Ano?!

"Kailan ka pa inampon ni mama at naging kapatid?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

"I think what he's trying to say Jewel is yung mama mo ay mama din tawag nya pero hindi sya inampon ng mama mo. Hahaha!" Sabi ni Thea. Okay?

"Ah. O-ok." Sagot ko na lang nakakahiya kaya. Seriously? Nerd ba talaga ako? Umalog ata utak sa pakikipag laban kanina ah. Tsk tsk.

Thea's P.O.V.

Iniwan ko muna silang lahat sa sala. Nandito ako sa garden nagpapahangin. Sila Alexza, Jhustin at Ryzel naman magkakasama sa kwartro ni Alexza mag bibonding ang magpipinsan.

Nakaka-inis! Si Ryzel pala ang ka-usap ni Lance nung may FRIENDLY date kami. Aish! Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis eh.

*inhale* *exhale*

Pagpapatuloy ko pa rin ba ang pagmamahal sayo Lance o susuko na ako at tatanggapin ko na hanggang BESTFRIEND lang ang turing mo sa akin? Kasi ako gulong-gulo na eh. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Napatingin ako sa langit. Lord, give me a sign to choose what I have to do. I'm really confuse.

Pumikit ako at nag cross finger pagdilat ko sakto naman na may dumaang shooting star. I think I know the answer. I'll tell him what I feel and kung di nya tanggapin ok lang.

Sana nga tama 'tong gagawin ko. Sana di ako mabigo. I'll fight my feelings for him.

Lance' P.O.V.

Nung lumabas si Thea para magpahangin umakyat ako sa kwarto ko at pagtingin ko sa bintana nakita ko sya sa part kasi ng garden ang kwarto namin ni Thea. Magkatabi kasi kami ng kwarto.

Nakikita ko yung kalahati ng mukha nya nakaside view kasi sya sa akin. She looks very....confused? Pero bakit naman? Pumikit sya ng ilang minuto habang naka-cross finger tapos tumingin sya sa langit dahilan para mapatingin ako at sakto lang may dumaan na shooting star.

Bumalik ang tingin ko sa kanya and I saw her smiling. Yung confused nyang mukha biglang nagliwanag yung para bang alam nya na ang gagawin sa isang bagay. Ewan ko kung anong dahilan pero bigla akog napangiti.

Sana yung ganitong smile nya ako yung dahilan para sa akin. Someday Thea.....someday, I will voice out what my heart is saying for you. And wait that tomorrow.

Vote or comment. Thanks! ^_^

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon