Chapter 25: ♥ AnneDrew ♥

7.4K 265 4
                                    

Someone's P.O.V.

Sige magpakasaya lang kayo hanggat kaya nyo pa. Magtulong-tulungan pa kayo. Hahahaha!! May mga araw din kayo sa akin. Mas masaya 'to at marami na kayo. Hindi lang DAG ang papahirapan ko ngayon. Hahaha! Mawawala rin kayo sa mundong 'to maghintay lang kayo sa ganti ko. Hindi ako basta-basta susuko tulad ng inaakala nyo.

Lenia's P.O.V.

Pagkatapos ng pakulo ni Lance sa court na pag pasyahan na nila i-cut na lang muna ang klase. Sana lagi na lang may gagawing pakulo si Lance para laging cut ang klase. Hahaha! Oo na, ako na tamad. -_-

"Oh guys, saan tayo?" Sabi ni Dianne na parang nag niningning yung mata. Mukhang alam ko na ang meaning nyan.

"Saan pa ba? Eh mukhang alam na natin kung saan mo gusto pumunta dahil dyan sa mga mata mo. *Pak* aray! Ano ba?!" Sabi ni Drew. Paano ba naman binatukan ni Dianne. Hahaha! Ang cute nila.

"Eh alam mo na pala ang dami mo pang satsat! Pwede mo naman sabihing tara na sa mall na lang tayo!" Sabi ni Dianne. Hahaha! Wag na kayo magtaka mga readers kahit na sila na wala pa ring nagbago. In short lagi pa rin silang nag aaway! Pfft!

Magsasalita pa sana si Drew pero nilayasan na sya ni Dianne. Pumunta si Dianne sa likod na upuan sa sasakyan.

"Aish!" Sabi ni Drew habang ginugulo ang buhok nya. "Sige guys una na ako. May susuyuin pa ako." Dagdag pa nya.

"Ge. Good luck na lang." Sabi ni Charles sa kanya. At ang loko nag sign of the cross pa bago pumunta sa sasakyan. Hahaha!

"Guys, paano ba yan kanya-kanyang date ba?" Sabi ni Lance sabay akbay kay Thea. Woooh! Chansing yun ah. Hahaha! Pasensya na readers ito ang epekto ng walang pasok sa akin.

"Anong date ang sinasabi nyo? Eh wala naman akong boyfriend o manliligaw ah." Sabi naman ni Jewel na parang gulat sa sinabing DATE ni Lance. Tumango naman si Andrea sa sinabi ni Jewel. Sus! Wala pa....sa ngayon. Hahaha!

"Wag kayong mag alala. Hahaha! Nandyan naman si Luis at Jhustin para sa inyong dalawa. Available pa!" Sabi naman ni Kevin sa kanila. Hinawakan naman ni Jhustine ang kamay ni Andrea.

"Wag ka mag alala Andrea. Tayo muna mag date tutal pareho tayong single." Sabi ni Jhustine. Dumadamoves! Pagtingin ko kay Luis aba ang loko naka evil smile kay Jewel.

"Oh? Problema mo? Bakit ganyan ka makangiti?" Sabi ni Jewel at tinaasan ng isang kilay si Luis.

"Paano ba yan---Aray naman!" Sabi ni Luis kay Jewel. Sinimurahan kasi sya ni Jewel. Hahaha! Sweet parang si Dianne at Drew lang.

"Manahimik ka na nga lang!" Sabi ni Jewel na asar na asar kay Luis.

"Hoy Lance! Wag kang selfish. Sama-sama tayo pupuntang mall tsaka muna solohin sa Thea." Sabi ko kay Lance at si Thea ayun namumula na parang kamatis. Nyehehehe!

Kanya-kanyang partners sa sasakyan. Si Alexza sumakay kay Charles, si Dianne kay Drew, si Thea kay Lance, Ako kay Kevin, si Andrea kay Jhustin at si Jewel kay Luis. Hahaha! Nahirapan pa nga kami kay Jewel na sumakay sa kotse ni Luis eh. Ang babae badtrip. Whahaha!

Dianne's P.O.V.

Bago pa man mag salita ng kung ano ano pa si Drew ay umalis na ako agad. Nagulat ako ng bumukas yung likod ng pinto eh nandito ako nagulat ako ng pumasok si Drew dito teka bakit sya nandito sino mag dra-drive ng kotse?

"Dianne.." sabi nya.

"Mag drive ka na." Sabi ko bumuntong hininga naman sya at ginulo ang buhok nya. Problema ng lalaking to?

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi tayo nagkaka-ayos. Isa pa, bakit dito ka umupo mag mumukha akong driver mo eh." Sabi nya. Napa face palm naman ako sa sinabi nya eh kaso dinagdagan nya pa ng driver thingy.

"Mukha ka naman talagang driver kaya ok lang yan." Sabi ko sa kanya na hindi pa rin tumitingin.

"Sa gwapo ng boyfriend mong ito? Mukhang driver?" Sabi nya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinignan ko syang maiigi.

"Ang taas ng standard ko sa magiging boyfriend ko..." sabi ko sa kanya.

"Naman!" Sabi nya.

"...Pero bakit ikaw ang naging boyfriend ko?" Sabi ko. Hahaha! Yung mukha nya...priceless!! Nag jo-joke lang naman ako nung sinabi ko yun eh.

"Ok." Tanging sagot nya lang sa sinabi ko. Opss! Nagalit ata. Hahaha! Aalis na sana sya at pupunta sa harap pero bigla ko syang inakap ng patalikod ramdam ko naman na nabigla sya sa ginawa ko.

"Sorry ah." Sabi ko sa kanya at hinigpitan ang yakap ko. Aalisin nya sana yung kamay ko pero hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.

"Pfft! Paano ako haharap sa maganda kong girlfriend kung ang higpit ng yakap mo sa akin?" Sabi nya at niluwangan ko naman ang yakap ko para maka harap sya.

Nilagay nya sa likod ng tenga ko ang natitirang hibla ng buhok ko sabay halik sa noo ko.

"Hindi naman kita kayang tiisin kahit laitin mo pa ako. Tsaka ako dapat ang mag so-sorry dahil sa sinabi ko kanina." Sabi nya at napa-ngiti naman ako. Thank God, he gave me a loving, sweet, caring and loyal boyfriend. Thank you!

"So...bati na tayo?" Sabi nya sa akin.

"You know I can't resist you." Sabi ko sa kanya at sya naman ang yumakap sa akin.

"I love you." Sabi nya sa akin. Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

"I love you too." Sabi ko at inakap sya pa balik.

"Tara na dun na tayo sa unahan. Baka nasa mall na sila." Sabi nya at tumago naman ako. Sabay kaming pumunta sa harapan ng kotse nya.

Pagpunta namin sa mall nasa harapan sila ng entrance ng mall sa malamang hinihintay kami. Pansin din na halos lahat sila ay pinagtitinginan aakalain mo kasi na artista sila. Hahaha! Nakita naman nila kami at agad na tumingin ng masama. Patay nagalit ata dahil kanina pa sila.. good luck sa amin.
*****************************************************
Author's Note: Waaaaah! Sorry sa matagal na update. T^T Nag loko kasi yung net namin kala ko na-publish na nag error pala. Picture of Dianne and Drew at the right side------------->

Vote or Comment. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon