Chapter 33

5.8K 241 5
                                    

Jewel's P.O.V.

We're here at Lenia's room. Talking about random things. Oha! English yun. Joke! Hahaha!

"Jewel and Andrea, Since kayo na lang ang wala pang boyfriend sa atin. Hmmm....ano ba ang ideal guy nyong dalawa?" Tanong ni Dianne.

"Teka ako rin naman wala ah." Protestang sabi ni Aika.

"Echosera ka! Anong wala? May fiancée ka tapos wala? Amnesia lang ang peg?" Sabi ni Lenia sa kanya.

"Sabi ko nga eh." Naka-ngusong sabi ni Aika.

"So ano nga? Ano ang ideal guy nyo?" Tanong ni Thea sa amin. Nagka-tinginan na lang kami ni Andrea sa tanong nila.

"Wala. Study first ako." Sagot ko na ikina-tango naman ni Andrea.

"Liar! Impossibleng wala. Lahat ng babae may ideal man noh?!" Sabi ni Thea.

"Oo nga. Baka naman may nagugustuhan na nga kayo eh." Sabi ni Dianne.

"Ok. Magiging honest na ako sa inyo girls." As on cue, napatingin agad kami kay Andrea dahil sa sinabi nya.

"What do you mean?" Tanong ni Aika sa kanya na ikina-tango naming lahat.

"I...I...I think like your cousin, Aika." Sabi ni Andrea kaya napatingin kami kay Aika.

"Grabe! May natitira pa palang charms ang pinsan ko at ikaw pa ang napag-diskitahan." Sabi ni Aika. Lokaret talaga 'tong babaeng 'to kahit minsan. Ang sama nya sa pinsan nya.

"Anyway, what's wrong with that? Para kasing sa tono mo your regretting it." Dagdag pa ni Aika.

"No. It just that...I feel like I'm starting to fall in love with him." Nahihiyang sabi nya sabay yuko.

Napangiti naman si Aika habang umiiling.

"Paano mo nasabi? Naranasan mo na bang magmahal dati?" Sabi ni Aika sa kanya.

"No. Ito yung unang beses na naranasan ko 'to. I don't know either. Basta every time na kasama ko sya I can't explain how happy I am at how he gives me shiver and make me blush." Sabi nya out of the blue.

"Ibang klase talaga ang nagagawa ng love. Kahit yung mga taong hindi pa nakakaranas nito kapag naramdaman alam na agad." Sabi ni Aika. Well, she's right.

"Since nasa usapang love na rin naman tayo." Sabi ni Lenia. "Jewel, diba nililigawan ka ni Luis? Anyare?" Dagdag pa nya.

"Wala." Simpleng sagot ko.

"Wala?!" Over reacting na sabi nila. Grabe naman 'tong mga 'to kung maka-react kala mo ay nakita nila akong lumunok ng bato at naging si Darna. =3=

"Teka ano pa bang hinahanap mo kay Luis? Mukhang desidido talaga sya sa panliligaw sayo." Sabi ni Thea sa akin.

"Oo nga. Hindi na nga sya si Luis The Cassanova na nakilala namin eh." Sabi ni Dianne.

"Ano ba kasing tipo mo sa lalaki?" Tanong ni Andrea sa akin.

"Hinihintay ko lang yung sign na matagal ko ng hinihingi." Sabi ko sa kanila.

"Sign?!" Sabi ulit nila ng sabay-sabay na parang confused.

"Oo. Yung sign na magtatapat sya sa akin ng may kandila na puti." Sabi ko sa kanila.

"Huh? Teka nga naguguluhan ako, para saan yung kandila na puti?" Naguguluhang tanong ni Lenia.

"Hindi mo naman sinabi sa amin na gusto mong magtapat sayo si Luis pagpatay ka na." Sabi naman ni Dianne.

"Paano na ang love story nyo kung ganun?" Sabi ni Andrea

"Sandali nga! Hindi nyo ko naiintindihan eh." Sabi ko sa kanila.

"Hindi talaga." Sabay-sabay na sagot nila.

Kelan pa nagkaroon ng sabayang pagbigkas dito?

"Ewan ko kung para saan yung puting kandila. Kaya nga sign eh. Malalaman natin pag nangyari na." Sabi ko sa kanila.

"Sus! Ikaw naman pala ang may problema eh." Sabi ni Thea sa akin.

"Good luck dyan sa sign mo." Sabi pa sa akin ni Aika.

"Ang supportive nyo. Sobra." Sabi ko sa kanila.

"Paano ba naman Jewel impossible 'yang iniisip mo." Sabi ni Lenia sa akin.

"Oo nga." Second motion na sabi ni Andrea.

"Teka wag nyong sasabihin yung sign kahit kanino ah." Sabi ko sa kanila at tumango sila.

"Gusto mo ba ng tragic na love story?" Sabi ni Thea sa akin.

"Ang gulo mo kaya!" Sani ni Thea.

"Ito isang tanong isang sagot. May nararamdaman ka na ba para kay Luis?" Sabi ni Aika.

May nararamdaman na ba talaga ako kay Luis? Nagugustuhan ko na ba sya? O baka naman mahal ko na sya? Ang gulo!

"Ewan ko." Sagot ko kay Aika at nagkabit-balikat lang sya.

Pero ano nga ba ang totoo? Bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng puso. Bakit ganito nararamdaman ko? Ang weird parang gusto kong sabihin na oo sa tanong ni Aika. Gutom lang siguro 'to. Nahihibang na ako.

~~~~~~~~

"Ok class. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na magkakaroon ng isang Thanks Giving Ball ang school natin and pwedeng maghanap kayo ng makaka-partner for the Ball." Sabi ng teachers ko at umalis na.

Nakikita ko naman sa mga classmates ko na excited na sila for the Thanks Giving Ball at maririnig sa kanila ang gusto sana nila ayain maging ka-partner pero ako ito balisa. Litong-lito ako sa nararamdaman ko dahil dun sa napag-usapan namin yesterday nila Lenia sa kwarto nya.

Ang gulo parang simula nun hindi na ako mapakali ang litong-lito na ako.

~~~~~~~~

"Anyare sayo Jewel?" Tanong ni Dianne.

"Para kang zombie." Sabi naman ni Lenia.

"Para kang isa kang zombie na a-arte sa walking dead." Dagdag pa ni Thea.

"Ano bang iniisip mo at parang puyat na puyat ka?" Sabi ni Andrea.

Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko eh. Kainis! Need an advice here, please! T^T

Mababaliw ako sa kaka-isip dito eh. >_< Di pwede! Ayokong mabaliw. Help! T3T

Vote or comment. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon