Chapter 34

6K 256 5
                                    

Jewel's P.O.V.

Ilang oras na ang lumipas still there's no sign of Luis. Medyo wierd nga eh kasi parang may kulang? Ang gulo.

"Nasan ka na ba?! Anong nangyari? Ok na ba? Kasama mo na sya? Ok. See you!" Rinig kong sabi ni Aika sa ka-usap nya sa phone nya. Kanina ko pa rin napapansin parang hindi mapakali kanina pa at may hinihintay sya. Sigurado ako si Charles yun pero...ano daw? Kasama?

Ay nako, bahala na sila sa buhay nila. Have fun, Jewel. Have fun. Wag mong isipin ang problems. Naman! Ewan ko kung ako lang ba o talagang may kulang ngayon? Ang wierd ng pakiramdam ko any moment parang bulkan na lang ako sasabog sa hindi malamang dahilan.

Dahil hindi ako mapakali sa upuan ko na pagpasyahan kong pumunta sa comfort room. Nagpaalam ako sa kanila pero si Aika parang wala atang narinig dahil busy sa pagdutdut ng cellphone nya. Sinamahan na lang ako ni Andrea dahil si Jhustin ay busy sa mga kampon na lumapit sa kanya. Epic nga ng mukha ni Andrea eh kala mo bata na naisahan. Haha!

"Andrea, parang gusto ko ng umuwi." Out of the blue na sabi ko sa kanya nakita kong nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Huh? Bakit naman?" Nanghihinayang na sabi nya sa akin.

"Sayang outfit." Sabi ni Lenia pagkalabas sa isang cubicle na ikinagulat ko.

"Para kasing ang lungkot, may kulang, nakaka-inggit at namimiss ko sya." Nakayukong sabi ko sa kanya.

"Gotcha!" Sabi ng isang babaeng kakapasok lang ng comfort room. Si Dianne.

"Sabi na nga ba eh kaya kanina ka pa hindi mapakali." Sabi pa ng kasunod nito na si Thea.

"Pero sigurado ka na ba na uuwi ka na?" Tanong ni Lenia sa akin kaya tumango naman ako.

"Out of place ako eh. Ako lang ata walang ka-partner." Nahihiyang sabi ko sa kanila. Napansin ko namang parang lihim na tumatawa si Dianne kaya binunggo sya ng mahina ni Thea sign na tumahimik sya kaya naging seryoso ulit sya.

"Hindi lang naman ikaw ang walang partner eh. Pati kaya si Alexza wala din yung partner." Pagpupuna ni Dianne.

"Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin." Sabi pa ni Andrea sa amin.

"Sabi ni Alexza bibili lang daw si Charles ng bulaklak hanggang ngayon wala pa." Sabi pa ni Lenia.

"Pero disidido ka na ba talaga na uuwi ka na?" Tanong ni Thea sa akin dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nila. Tumango naman ako. Wala naman sya eh. Kaya para saan pa kung mag-i-stay ako dito. There I say it! Namimiss ko sya. Siguro nga sya yung kulang. Siguro nasanay na ako sa presence nya.

Lumabas na kami ng comfort room bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay Aika na hanggang ngayon ay busy parin sa pagdutdot sa cellphone nya.

"Ano?! Wag ka muna umalis." Sabi sa akin ni Aika. Wow ah! Ayaw nya ako paalisin pero busy naman sya sa cellphone Nya. -_- Great Aika! Just great.

"Bakit naman ayaw mo paalisin si Jewel?" Naguguluhang tanong ni Thea sa kanya.

"Something fishy is going on in here." Sabi nila Lenia at Dianne.

"May binabalak ka ba, Aika?" Naguguluhan na ding tanong ni Andrea sa kanya.

"Guys, chill lang kayo. Ang lawak ng imagination nyo. Ayaw ko lang pauwiin si Jewel something fishy na agad? Hindi ba pwedeng kailangan ko lang ng karamay dahil wala din akong kasama?" Pagdedepensa ni Aika sa sarili. Oo nga naman pero busy kaya sya. -_-

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon