Drew's P.O.V.
Maaga akong nagising at naghahanda na nang kakainin nila nang biglang mag-ring yung phone ko.
"Hello?" sabi ko agad pagkasagot na pagkasagot ng phone hindi ko natinignan yung I.D. Caller
[Hello, Drew?]
Agad naman akong napa-tigil sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ng daddy ni Alexza.
"Yes, tito. Bakit po kayo napatawag?"
[Wag muna kayong pumasok lahat.]
"P-po? Bakit po?"
[Uuwi kami ngayon actually papunta na kaming airport.]
"Bakit biglaan naman po ata, tito?"
[You'll know it soon but for the main time wag muna kayo pumasok and lets keep it a secret. Wala pang nakakaalam kundi ikaw nauuwi kami miski sila Kevin.]
"Gusto nyo po ba na sunduin ko kayo?"
[No just make sure na walang makaka-alam na uuwi kami.]
"Ok tito."
Pagsabi ko nun bigla na lang nag-hang up ang phone call kaya bumalik na lang ako sa ginagawa ko kanina.
~After a few minutes~
Natapos din sa pag-a-ayos. Bigla akong may narinig na yabag ng paa at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nandyan na si Dianne. kakasabi ko lang sa isip ko nakita ko na siya na papasok dito sa dining area.
Nang makita niya ako parang nagulat siya at aalis sana kaso tumakbo ako papunta sa kanya at dinala sya sa likod nitong bahay.
"Ano ba bitawan mo nga ako?!" Nagpupumiglas niyang sabi kaya binitawan ko sya.
"Bakit mo ba ako dinala dito?" Inis na tanong nya.
"Uhmm-kasi uhm.." Sh*t bakit nauutal ako?
"Kasi?" nakataas ang isang kilay na tanong niya
"Uhmm-kasi uhm..kasi" Hindi ko talaga matuloy
"Ano ba yun, Drew?! Sabihin mo na nang matapos agad ang paguusapan natin hindi yung puro kasi ang sinasabi mo." Naiinip na sagot niya
Sasabihin ko ba? Wag na nga lang pero may side sa akin na nagsasabi na 'Asan na yung kapal nang mukha mo? Yung pagkamayabang mo? Asan na yung Drew na walang kinatatakutan?'
Pero hindi ko magawa ang mga yun kay Dianne. Dahil siya ang lakas ko, sa kanya ako kumukuha ng lakas kaya kaya kung makikita kong ganyan siya na parang galit na naiirita sa akin parang nanghihina ako, parang nawawala yung lakas ko.
"Wala. Kalimutan mo na yun." Sabi ko at ngumiti yung ngiti na may halong lungkot parin.
Nakakalungkot kasi ang torpe-torpe ko. Ako yung tinaguriang cassanova tapos ako yung torpe. Nakakalungkot kasi ang tanga-tanga ko na nagmahal ako ng manhid. Na lahat ginawa ko pero parang kulang pa rin, hindi niya napapansin kasi lagi kong dinadaan sa pang-iinis sa kanya.
Tumalikod na ako at maglalakad sana paalis pero nagsalita siya.
"Ewan ko kung tanga ka ba o manhid." As in a cue, napaharap ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya
F*ck. Parang may nasabi akong mali kasi bigla na lang pumatak na luha sa mata niya at nagsimula nang umupo at nilagay ang kamay sa tuhod.
Masakit. Alam nyo yun? Masakit na nakikita syang ganyan. Masakit na makita mo yung mahal mo na parang nahihirapan-no, hindi parang HAHIHIRAPAN talaga ng dahil sayo at ang masakit pa lalo sa hindi mo malaman na dahilan.
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..