Alexza's P.O.V.
Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Sinagot ko na kahit hindi ko pa tinitignan ang Caller's I.D.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
[Nasan na si Andrea?!] sigaw ng nasa kabilang linya kaya napalayo ko ang cellphone sa tenga ko ng wala ako oras.
"Bakit ka ba naninigaw ah? Hindi ako lost and found! Bwiset!" sabi ko. Narinig ko pang nag-Aish yung nasa kabilang linya na akala mo frustrated na ng sobra. Sabi nga nila badtripin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising. -_- Ang aga tumawag nito para lang hanapan ako ng--teka! Andrea? o_o
"Andrea?! Anong nangyari?! Sino ba 'to?!" Sunod-sunod na tanong ko sa tumawag. "T-teka..Nico?!" tanong ko ng marealize ko kung sino ang tumawag.
[Na saan si Andrea?!] pag uulit nya sa tanong nya kanina.
"Hindi ko alam. Diba kapatid mo sya? Bakit di mo alam?" sabi ko sa kanya.
[Hindi ako nakikipagbiruan.] sabi nya sa akin.
"Well..Nico, hindi din ako nakikipag biruan sayo. Ano bang nangyayari?" sagot ko sa kanya.
[Aish! Nawawala si Andrea.] sabi nya ng pasigaw.
"What?! Bakit? Paanong nangyari?" gulat na tanong ko sa kanya.
[Hindi ko alam. Baka tinago ng magaling mong pinsan.] sabi nya sa akin.
"Excuse me! Busy ang pinsan ko ngayon para sugurin-- I'll call you again later." sabi ko na lang. Shit! Ano bang nangyayari?! Diba sila ang kalaban?! Pero bakit pati si Andrea ay nawawala?! Dahil sa na-isip ko agad kong tinawagan si Charles at yung iba pa.
Nico's P.O.V.
Nasaan na ang kapatid ko?! Alam ko nagkasagutan kami at nasa kwarto lang sya at hindi lumalabas pero pagtingin ko dun ng pinabuksan ko ang pinto wala sya. Hindi ko sa kapatid sa ina pero sa ama, oo. Step-sister ko sya.
>>Flashback<<
Ilang years akong na-coma at paggising ko wala akong maalala ni isang detalye sa nangyari sa akin. May nakita akong mga matang nakatingin sa akin na para bang nag-aabang ng kung ano.
"Nico!" sabi ng matandang lalaki na medyo mangiyak-ngiyak na. Kwinento nya lahat ng nangyari sa akin. Sya daw ang papa ko. Gusto daw akong patayin ng girlfriend ko at buti na lang daw naligtas nya kami ng mama ko pero sa kasamaang palad namatay din si mama dahil sa girlfriend ko.
Pag uwi sa bahay daw namin pinakilala ako ni Tanda sa isang babaeng ka-edad nya lang. Sinabi nya na nagkaroon daw sya ng anak sa babaeng ito at dun ko nakilala si Andrea. Since, wala akong kapatid sa kanila ni mama. Tinanggap ko sya at ang mama nya.
>>End of Flashback<<
Yung ang sabi sa akin ni Tanda. Kaya gusto naming makaganti kila Alexza.
Luis' P.O.V.
"Hello po, Tita?" sagot ko ng makita ko sa cellphone ang pangalan ng mama ni Jewel.
[Nakit mo ba si Jewel? Ilang araw na syang nawawala, Luis.] mangiyak-ngiyak na sabi ni Tita sa kabilang linya.
"Ano? Uhm..Tita, kumalma po muna kayo. Ganito po hahanapin po namin sya, ok? Wag na po kayo umiyak." sabi ko kay Tita.
[S-sige, Luis. S-salamat.] sabi ni Tita at pinatay ko na ang linya. Tatawag sana ako kay Charles saktong tumawag naman sya. Agad ko itong sinagot.
[Pumunta kayo sa bahay nila Aika.] he said then call ended.
Agad naman akong pumunta sa meeting place habang isa lang ang nasa isip. Si Jewel. Kahit na galit ako sa nakita ko kasama ni Naru hindi naman maalis na mahal ko parin sya. Kahit na ang sakit ng nakita ko.
>>Flashback<<
Nasa bahay ko naglalaro ng x-box ng may ng doorbell. Sabi ko sa kasambahay namin na ako na lang magbubukas. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang isang teddy bear na sira-sira at tanggal na ang ulo at may dugo. Nanakot na naman ang mga kalaban. Kinuha ko yung sulat na naka lapag malapit sa teddy bear at binasa ang sulat.
'Die wegen der liebe
-Anonymous'
Yan ang nakalagay. Pinatapon ko na lang yun dahil alam ko tinatakot lang kami ng kalaban. Maya-maya may nag text sa cellphone ko. Huh? Unknown number? Inopen ko at ang nakalagay ay isang place lang. Agad kong kinuha ang susi ng motor ko ang nag-drive papunta sa lugar na yun.
Ilang minuto ang inantay ko pero wala naman. Napagpasyahan ko muna bumili pero nakita ko yung lalaki na nasa mall. Yung kayakap dati ni Jewel. Sumunod naman ay isang babae. Si Jewel! Agad akong nagtago sa isang madilim na sulok. Niloloko ba nila ako?! Niloloko nya ba ako?! Aalis na sana ako sa lugar na yun ng makita ako ni Jewel. Kaya nagmadali na akong maglakad. Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na pinansin at tuloy lang sa paglakad.
>>End of Flashback<<
Teka..yung lalaking yun ang huli nyang kasama nung huli kaming nagkita ah. Agad ko pang binilisan ang pagmamaneho.
Thea's P.O.V.
Nagulat kami ng biglang nang biglang pagbaba ni Alexza dahil kumakalabog.
*DingDong*
"Ako na." Sabi nya sa amin kaya nagpunta na sya sa pinto. "Pasok na kayo!" Rinig kong sabi nya dun sa mga nasa pinto kaya napatingin ako. Sila Charles? Ano ginagawa nila dito? Ano 'to biglaang meeting?
"Manliligaw ka na naman, Charles? Dinamay mo pa sila Jhustin at Luis." Sabi ni Drew sa kanila.
"Manahimik ka nga!" Sabi ni Jhustin sa kanya.
"Oo na, par! Init ng ulo." Sabi na lang ni Drew.
"Eh paano alaskador ka!" Sabi ni Dianne sabay batok kay Drew.
"Bakit kayo nadito? Diba dapat naghahanda na kayo?" Sabi ni Lance sa kanila.
"Biglaang meeting." Tugon na lang ni Alexza kaya napatango na lang kami. Maya-maya may nag-doorbell na naman.
"Ako na!" Sabi ko at pumunta na agad sa pintuan. Teka? Wala na naman kaming bisita ah. Pag bukas ko mukha ng pamilyar na tao ang bungad sa akin at kanya-kanya na ang mga kasama ko ng reaction.
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..