Jewel's P.O.V.
At ayun....kung iniisip niyo kung anong ginawa ko ganito......
~Flashback~
Aba loko tong lalaking to ah!! Ngingiti-ngiti at kikindat-kindat pa ah.
Tumingin sa akin yung babae na walang galit, inis o ano mang sama ng loob sa mga mata nya at tumingin uli yung babae dito sa mokong na naka-akbay sa akin.
Wow ah feel niya talaga hakbayan ako ah!!!
"Sige na naman pumayag ka ng magusap tayo kahit saglit lang." Umiiyak na sabi nung babae.
Hay kawawang babae bakit niya hinahabol tong kumag na ito eh sa ganda niyang yan, sigurado ako maraming lalaking gagawin lahat maging girlfriend lang sya.Tsk, tsk. (-,-)
"Tumigil ka nga dyan Angelica nakita mo namang kasama ko girlfriend ko.Mahiya ka naman baka magselos pa ito at masira relasyon namin." Sabi nya.
Ayus ang galing gumawa ng dahilan ah tapos tumingin silang dalawa sa akin.
Tumingin ako sa mukha nung babae parang nakikiusap sa akin na payagan syang makipag-usap sa BOYFRIEND KO DAW!!
Hmmmm....Ano kaya yung pwedeng gawin dito sa loko na ito para maturuan ng leksyon???
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
~Isip~
*Ting*
Alam ko na!!
Hahahahahahahaha (evil laugh)
Hayaan mo girl If thats what you want, I'll give you what you want...
Para makapag-usap naman kayo at hindi ako ang pinepeste niyo?! -o-
Tinanggal ko yung pagkaka-akbay nitong kumag na ito tinignan ko sya nakangiti pa sya.
"Ngiti-ngiti ka pa jan ha.Tignan natin kung ano mangyayari jan sa ngiti mo sa gagawin ko."-Sabi nang utak ko
Bigla kong hinawakan yung kamay nya mas lalong lumapad yung ngiti nya huh akala nya siguro sasakyan ko yung trip nya ha.
"Sige ok lang sa akin na magusap kayo." Sabi ko dun sa babae at kinuha yung kamay niya at yung isang kamay na hawak ko sa kamay ng lalaki.
Tinignan ko yung mukha ng lalaki parang nalugi.Hahahaha buti nga sa kanya.
"Oh paano ba yan jan na kayo, magusap kayo ng maayos ah at ng hindi ako ang pinepeste nyo.Sige na hinahanap na ako ng kasama ko." Sabi ko naman sa kanila habang ineemphasize ang magusap, ako, pinepeste at kasama ko.
(=__=) ------> Mukha ko
(0o0) ------> Mukha nila
"Bye-bye." Sabi ko sa kanila habang wini-wave yung kamay ko sa kanila.
Psh nankakainis naman hindi ko tuloy nakuha yung libro na bibilhin ko sana.
Hayaan mo na yun Jewel may next time pa at sisiguraduhin kong mabibili ko na yun.
~End Of Flashback~
At ayun iniwan ko silang nakatunganga dun nung time na yun.
Akala ko hindi ko na makikita itong kumag na ito kasi diba di ko naman siya kilala at first time namin magkita nung time na yun.
Pero nagkamali ako... Hay, buhay parang life!! (=o=)
Ano kaya mangyayari sa buhay ko ngayong year na ito lalo na at kasama ko sya sa whole year?? Urrrggg....ANO BANG SINASABI KO?? EH ANO NAMAN KUNG MAKAKASAMA KO SYA WHOLE SCHOOL YEAR??? PWEDE NAMANG UMIWAS DIBA??
Pero bakit parang dun sa sinabi ko gusto kong magkaroon ng memories sa kanya at mas makilala pa siya??
Urggghhhh....Gutom lang toh...Tama Jewel gutom lang to....nahihibang ka lang kasi nagugutom ka.....tama....hingang malalim.....baka ma-HB ka....baka maging zombie ka pa kapag inisip mo uli yun.
Aika's P.O.V.
Babalik na kami sa classroom tapos na kami mag-usap.
Hindi na ako magfla-flashback kasi sinabi ko lang naman sa kanya na i-sekreto na lang muna namin ying tugkol sa real identity ko na hindi naman talaga ako nerd na isa akong gangster pringcess nang Dark Angels Gang ...Yun Lang.
Pagpasok namin sa classroom tumigil muna ako ako sa harap ng pinto.
"Jhustin wag mong sasabihin ah. -3-" Sabi ko
"*laugh* Oo na.Ang kulit mo. *Gulo ng buhok*" Sabi niya.
Kung itatanong niyo po kung bakit parang close kami kasi po madalas din po kaming magkita sa mga family occasion at kapatid na ang turing niya sa akin syempre ganun din ako sa kanya.
Bubuksan na uli sana niya ng bigla ko naman siyang pigilan..
"Bakit may problema ba??" Sabi niya
"May isa pa pala akong request sayo.." Sabi ko
"Ano naman yun??" Sabi niya
"Wag mo muna sasabihin na magpinsan tayo ah."Sabi ko
"Ah yun lang pala.Ok lang sa akin.Teka Alexza masyado ka atang malihim ah." Sabi niya
"Ah basta mas ok ng nakakasigurado at wag mo nga akong tawaging Alexza nandito tayo sa school eh Aika na lang." Sabi ko eh diba mas kilala ako dito na Aika at ayaw nila akong tawaging Alexza kasi daw hindi bagay sa akin kasi daw nerd ako.
"Ah ok Ale--Aika ^^," Sabi niya
=__= ----> Mukha ko
Pero alam niyo gusto ka na talagang gumulong at humagalpak sa kakatawa. XD
Hindi kasi siya sanay no make me rephrase it hindi SILA sanay na Aika ang tawag sa akin. Oo, SILA as in mga family ko kasi EWAN KO RIN EH... XD
Hindi ko alam pero bigla akong may naramdaman at bigla akong naging seryoso ganun din yung nangyari kay Jhustin siguro naramdaman niya rin.Walang gumagalaw sa amin pinapakiramdaman namin ang paligid namin.Si Jhustin kasi ay isa ring gangster nasa dugo na siguro namin yun eh.Alam namin kung paano pakiramdaman ang paligid kaya malakas ang pakiramdam namin kung may nakatingin sa amin o may nakikinig.
0_0 ---> Kaming dalawa sabay tingin sa likod
Kasi parang may sumilip eh.At tama nga ang hinala namin kasi may nakita kaming tatlong lalaki na tumatakbo.
Agad kaming kumaripas ng takbo para habulin ang mga lalaking yun.
Ano ba ito FIRSTDAY OF SCHOOL, FIRST TROUBLE??
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..