Chapter 13: Gang War??

9.8K 319 9
                                    

Thea's P.O.V.

Nandito kami sa bar as usual kasama ko si Lance. Aist! Ano bang bago dun? Lagi ko naman atang kasama 'tong lalaki na 'to.

Nag-aya sya na mi-miss nya daw yung bonding naming dalawa tagal na daw naming di na gagawa 'to.

Hindi ba obvious? Mag bestfriend kami kaya ganun na lang kung sobra kaming close.

Pero wag kayo maingay readers ah...kasi ang totoo nyan may gusto ako sa kanya. MAY GUSTO AKO SA BESTFRIEND KO. >.<

Ang malas ko diba sa dinami-rami ng tao na pwede kong magustohan. BESTFRIEND KO PA!!!

Ang tanga ko no? Alam ko naman na wala akong pag asa sa kanya nagustohan ko pa sya. Ang malas ko! >.<

Maya-maya may lumapit na babae Sa table namin.

Mukha siyang flirt. Walang hiya kang babae ka! Wag mong landiin yung taong mahal ko! Mapapatay kita! >.<

"Uhm...excuse me, can i join you?" anak ka ng tokwa igat ka! Mapapatay talaga kita.

Tumingin naman si Lance. Anak ng pating! Wag mong sabihing...

"Sure." What the?! Kala ko ba bonding namin 'to?!

Fine. Nagseselos ako >.<

"Lance, alis na ko." sabi ko.

"Mamaya na. Sabay tayo." sabi nya.

"No, mukhang magiging busy ka." I said.

Agad siyang tumayo at sinundan ako.

I smile secretly. I knew na hindi nya ako kayang tiisin.

Hay! Lance malalaman mo kaya ang tunay kong nadarama para sayo? Mapapansin mo kaya ang sinisigaw ng puso ko? May pag asa ba akong iparamdam sayo 'tong nararamdaman ko?

Charles' P.O.V.

Nandito ako sa kwarto ko. Hinatid ko na si Aika.

Nakilala nya na ako ibig bang sabihin nun kasama na ako sa mundo nya? Hawak-hawak ko yung panyo. Natatandaan nya kaya ako? Naalala ko tuloy nung una kaming nagkita...

>>Flashback<<

Nandito kami ngayon sa Barko may magaganap na Gang War.

Pero wala pa naman hindi pa naguumpisa gumagawa pa lang ng kanya-kanyang move ang mga kasama ko.

Ako? Ito nilalapitan ng mga clown--este mga babaeng makakapal ang make-up pero may babaeng naka-agaw ng pansin sa akin simple lang sya at hindi makapal ang make-up, mukha rin syang anghel hindi mo mahahalata na isa syang gangster.

Lalapit na sana ako ng biglang kaming nakarinig ng putukan at pagsabog.

$h!t! Kung kailan naman lalapitan ko yung babae tsaka pa nagumpisa hindi ko pa nga sya nakikilala eh.

Tumingin ako sa kanya. Umalis na sya pero sinundan ko sya.

Nagtago ako sa likod nung paso para hindi ako makita.

At ayun naglaban na sila nakakamangha lang kasi 6 na lalaking malalaki ang katawan ay kinaya nya to think na may pagka payat sya ah.

Tumba lahat in just a minute. Ibang klase kakaiba sya kaya ko naman yun pero para sa isang babaeng gaya nya napaka impossible.

Sinundan ko lang sya pero habang nakikipaglaban sya tinutukan nya ng baril yung lalaki habang yung paa nya nakatapak sa dibdib nito may nakita ako sa likod nya na lalaki na babarilin sya kaya lumabas na ako at pinaputok sa lalaki ang baril ko kasabay ng pagputok ng baril nya dun sa lalaking tapak-tapak nya sa dibdib.

Tumingin sya  sa akin siguro tinignan nya at alam nya ang nangyari bigla syang nagbow.

Teka nagpapasalamat ba sya? Napangiti ako sa isip ko nagpasalamat sya sa akin.

Nakipaglaban ako habang kasama sya. Hanggang sa nasugatan ako sa paa. Nakita kong nagalala sya halata sa mga mata nya. Tinapos muna nya ang pakikipaglaban at agad nya akong hinatak sa isang kwarto pinaupo nya ako sa kama at naghanap. Ano hinahanap nito?

Nagulat na lang ako kumuha sya ng FIRST AID KIT?! O.o Agad syang lumapit sa akin at ginamot ang paa ko at kumuha sya ng panyo.

>>END OF FLASHBACK<<

Simula nun pinahanap ko sya and what a co-incident pinsan pala sya ng kaibigan kong si Jhustin. Ang code name nya Heartless Ace Princess paano ko nalaman? Nakalagay dun sa panyo nya.

Ewan ko pero nakatulog ako ng masaya.

Aika's P.O.V.

Nandito ako sa school maaga pa naman kaya nagikot-ikot muna ako.

At napadpad ako sa music room may nakita akong piano dun. Agad akong lumapit at nagpatugtug.

NP:Moving On by Toya

~Just getting used to waking up everyday not seeing your face I just began to stop setting your place and stop longing for your warm embrace.~

Na-mimiss ko na sya. Bakit ka kasi ng iwan Nico?

~See right when I start letting go somebody wants to let me know if they could take your place? No they cant fill your space,no. I try to move on but your not gone 'cause in my heart you still live on see now I know why I'll never love another for the rest of my life and why now that your gone I'm holding on and in my heart I wanna move on and now I know why, I'll never love another for the rest of my life.~

Na-mimiss ko yung ka-sweet-an nya. Kasalanan ko naman eh kung bakit sya namatay kung sya yung tinulungan ko sa barko nung araw ng gang war kung ako yung kasama nya hindi sana sya mababaril na dahilan ng pagkamay nya. Kung hinayaan na lang sana nung lalaki na na-meet ko sa gang war na na baril ako sana kasama ko sya kung nasan man sya.

Nung nasa ospital ako at nalaman ko na 50-50 ang kondisyon nya. Wala akong ginawa kundi bantayan sya sa ospital.

Sana ako na lang nasa kondisyon nya. Sana ako na lang yung nabaril. Ako na lang yung namatay.

Ang tanga ko imbis na sya yung tinulungan ko yung taong hindi ko pa kilala yung tinulungan ko.

Nakakainis! Hindi ko alam tumulo na pala yung luha ko.

*******

A/N: Sorry kung sobrang tagal mag update. Ayaw ako pagamitin ng tablet eh kaya sa cp ko ako naglalagay tapos isesend ko lang. Thanks pala sa mga nagbabasa at nagcocoment super saya ko talaga. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon