Chapter 37

5K 193 9
                                    


Third Person's P.O.V.

Lahat sila ang nabigla sa narinig na salita sa itaas ng bahay at boses iyon ni Jewel. Nagkatinginan silang lahat at alam nilang halo-halo ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila kaba, takot at kung ano pang mga negatibong pakiramdam.

"Shit! Jeweeel." Agad na bulaslas ni Luis ng makabalik sya sa wisyo. Agad itong tumakbo sa itaas kung saan nang galing ang sigaw nito. Sumunod naman ang iba pa nilang kaibigan.

Pagka-akyat na pagka-akyat ni Luis ay agad hinagilap ng mata nya si Jewel. Nanginginig ito sa takot habang nakasalampak sa isang sulok, ang mga kamay nito ay nasa tuhod at naka focus ang mga mata nito sa isang direksyon lang. Agad nyang sinundan ng tingin ang dahilan marahil ng babae at bumulaga sa kanya ang bangkay ng isa sa mga tauhan nila Alexza. May naka-ukit na puso sa katawan nito at ang nakalagay sa gitna ang salitang 'Die wegen der Liebe'. Isang salita lang pero maraming gustong ipahiwatig at isang malaking pala-isipan sa kanilang lahat. Pinuntahan agad ni Luis si Jewel at sumalubong namandito ang yakap ng babae dahil na din siguro sa takot. Kung ordinaryong araw lamang siguro 'to ay magiging masaya sya dahil ito ang unang pagkakataon ng nayakap ang dalaga pero hindi ganitong eksena ang gusto nya. Yung ngiting pinapangarap nito habang kayakap sya ay naging takot. 

Habang pinapakalma ni Luis si Jewel ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Andrea. "Si Kuya!" Sabi nito ng may pagkabigla. 

(I already made my promised.) Bungad nito sa kanya pagkasagot na pagkasagot nito sa tawag.

"What promise, kuya?" Nagtatakang tanong nito.

(You forgot?) Hindi makapaniwalang tanong nito. (Never ka pang nakalimot sa mga ipinapangako ko sayo ah. What happened? Masyado mo na atang itinutuon ang focus mo sa ibang bagay. Anyway, yung promise ko nung last time na nagka-usap tayo.) Sabi pa nito. Inisip nya muna sandali ang huling pagkaka-usap nila at naalala na nito ang sinasabi ng kuya nya.

"Nandito ka na sa Pilipinas?!" Halos pasigaw na tanong nito dito.

(Uh-huh.) Sabi ng kanyang Kuya sa kabilang linya.

"Kelan ka pa naka-uwi, kuya Nico?" Tanong ni Andrea. As a cue, bigla na lamang napatingin sa kanya ang mga kaibigan na may pagkabigla. Kaya nagtaka sya pero hindi na lang pinansin.

(Kahapon pa at kaya pala kita tinawagan ay dahil gusto kitang makita.) Sabi ni Nico at sinabi ang lugar kung saan sila magkikita. Ibinaba nya na ang tawag at nag mamadaling umalispero hinabol siya ni Jhustin at sinabi ditong ihahatid na sya.

Nang marinig nila Lenia ang pangalang binanggit na ka-usap sa kabilang linya ni Andrea ay agad silang napatingin. Iisa lang na tanong ang tumatakbo sa utak nila. Possible kaya? Buhay nga ba yung Nico na kilala nila o magkaparehas lamang ito ng pangalan?


Alexza's P.O.V.

"Wake up, sweety." Isang malading tinig ang narinig ko kaya nagising ang diwa ko. Nung una ay hindi ganun kalinaw ang paningin ko at parang umiikot ito pero ng tuluyan ng magising ang diwa ko ay bumungad sa akin ang mukha ng isang babae. Teka parang pamilyar ang itsura nya ah. Nang maalala ko kung ano ang nangyari bago ako mawalan ng malay, tatayo na sa sana ako kaso nakatali pala ako.

"Opss! Not so fast, sweety." Sabi nito sabay haplos sa pisngi ko. Agad naman akong umiiwas.

"Nasaan ako?! Anong kailangan nyo sa akin at nasaan ang mga magulang ko?!" Sigaw ngunit walang emosyon na tanong ko sa babaeng kaharap ko.

"Oww! How sad. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin dahil sa nagkita tayo ulit?" Sabi nito na parang nasaktan.  Tsk! She's insane. She's playing some tricks on me but sad to think she can't fool me.

"Nagkakilala na ba tayo? Bakit parang hindi ko maalala? Siguro dahil hindi ka ganun ka-importante sa buhay ko?" I said then smirk. Mukhang umepekto naman at namula sya sa inis pero pinilit nya ang sariling kumalma.

"Since hindi mo maalala ipaaalala ko sayo. The girl at the mall when you see your FIANCEE flirting with me." Sabi nya sa akin while smiling. Aminin ko na nainis ako sa sinabi nya pero hindi ko kailangan ipakita yun. Hindi ka dapat magpakita ng kahit anong emosyon sa kalaban mo dahil pwede nila itong gamitin laban sayo.

"Correction. You're only the one who's flirting with him but he didn't ENTERTAIN you because he don't like a slut and a clown." I response to her then smirk again. Don't you ever mess with this gangster princess or you'll regret it.

Magsasalita pa sana sya pero may pumasok sa kwarto kung nasaan kami. Paanong..? Hindi pwede! Paano nangyari 'to?! Pagpasok ng lalaki na paparating sa kwarto ay sinalubungan sya ng halik ng babaeng kasama ko dito. I can't believe this. Ganun pa rin naman ang itsura nito pero alam kong maraming nagbago sa kanya mula sa pananamit, pag-uugali and his hair. Pagkakit nya sa akin ay nginisian nya lang ako. Maybe he's not the person I used to know back then and it hurts. I feel so weak right now. I think anytime mamatay na ako hindi dahil sa pananakit kundi dahil sa heart breaks.

"N-nico.." Huling banggit kong salita at nawalan na naman ako ng malay. Then everything went black.




The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon