Kevin's P.O.V
Kakalabas ko lang galing sa kwarto ni Alexza..
habang papunta ako sa dining nakita ko na si Lenia..
"oh kevin pupunta ka ng dining?sabay na tau.." Nakangiti nyang sabi
"oo" matipid kong sagot habang nakangiti.. At naglakad na..
Ang totoo girlfriend ko si Lenia mahal ko yan,mahal na mahal..Ano ba yan so gay. XD
Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.. Ako si Kevin Josh Montejo..3rd year na rin ako katulad ni Alexza..Mayaman..hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo ako habulin ng babae kaya nga laging nagseselos si Lenia eh sssshhhh wag nyo sabihin yan kay Lenia ah XD..sa totoo lang naging crush ko rin si Alexza noon nung hindi pa sya gangster pero hanggang dun lang un mahal ko sya bilang kapatid lng oh wag kayo ah kahit pogi ako loyal naman ako sa mahal ko..
" Huy anong inisip mo dyan,Lenia oh si kevin may iniisip oh ibang babae ata???!!!*toink* aray" sabi nya na nakahawak sa ulo paano binatukan ko psh.. kahit kailan talaga to si Drew sinisiraan ba naman ako sa mahal ko..
Umupo sa tabi ko si Lenia naglabas kasi sya ng mga plato para sa aming pito oo pito kami dito sa bahay magkakaibigan hindi lang kami magkakagang noh..
magkakaibigan din kami sabay sabay kaming pumasok sa gangster life nagsimula kami noong 1st year kami hindi naman talaga kami mapapasok sa gang kung hindi lang long lost gangster princes si Alexza ng Dark Angels Gang nung malaman namin un hindi naman pwedeng iwan sa ere si Alexza kaya sumama na rin kami sa gang nung una medyo nahirapan kami kasi puro tinuturo sa amin ay nakakatakot kung pano humawak ng baril ,kung pano patamaan ang target mo ng walang sablay at kung ano ano pa..Pero isa lng ang hindi nahirapan sa amin yun ay walang iba kundi si Alexza syempre may lahing gangster eh..Pero simula nung 2nd year kami sinekreto na lng ni Alexza ang pagiging gangster nya dahil naging matunog ang pangalan nya pati na din namin at ang pangalan ng gang namin isa ding dahilan nung namata--
"Kevin bakit kanina ka pa tulala?Sino o ano ba ang iniisip mo?" sabi ni Lenia na may halong pagtataka
"Siguro iniisip nya yung babae nya.."sabi ni Drew na parang pa inosente kahit kailan talaga to lagi akong sinisiraan kay Lenia..Palibhasa walang babaeng sineseryoso in other word babaero sya ang cassanova sa amin sa gang
"Ano?! Alam ko hindi nya magagawa yun.." buti na lang di naniwala si Lenia--
"..subukan nya lang di na sya sisikatan ng araw kasama ng babae nya." sabi nya ng may pagbabanta okay pahiya ako ng konti dun akala ko okay na yun pala may karugtong tapos ung mga kasama namin nagpipigil ng tawa..
"Ah Kevin nasan na ba si Alexza ng makakain na tayo ng sabay sabay"sabi uli ni Lenia
"Ah sandali lang tatawagin ko" ako tapos pumunta sa baba ng hagdan..
"Alexza bumaba ka na ang tagal mo naman!" sigaw ko mula sa baba ng hagdan..
"Eto na eto na atat lang!" sigaw nya rin saken tapos bumaba na..kahit kailan ang kupad talaga kumilos nitong babaeng to..
"Ang kupad mo naman kumilos" sabi ko sa kanya habang nakangisi..
"Yabang!!"sya tapos dirediretcho sa dining loko to..
di ko na lng pinansin ung huli nyang sinabi at sumunod na rin sa kanya ..
Pagdating sa dining "Good Morning Alexza ^__^" bati nila kay Alexza ng sabay sabay habang nakangiti..
Ngumiti sya"Good Morning den" at agad binawi ang tingin at nagsalita uli "buti pa kayo bumati ng GOOD MORNING ah ung isa dyan na tinatawag ko na kuya imbis na GOOD MORING ang una kong marinig paggising ko ang una kong narinig ang pagtawa na nakakaasar *sabay ingin sa aken*"
Tumingin din sa akin ang lima..
"Why?Anyare ba kanina paggising mo?" Tanong ni Thea kaibigan namin kasama din namin sa gang at sa bahay kaming pito sama-sama dito sa iisang bahay..
"Mind to tell us?" tanong naman ni Lance
"Oo nga" nakangiting sabi ni Dianne kilala ko yan si Dianne kilalang kilala nya si Alexza pag ganyan ang ugali ni Alexza may nangyari sa kanya na nakakatawa..
"Osige ganito kasi yun.." kwinento ko naman ung nangyari simula nung ginising ko sya hanggang sa pagkakahulog nya at nagtawanan naman kami,si Alexza naman naka poker face lang..
"Hahahaha...Gra-grabe naman yun nakaka--hahahaha nakakatawa nga .." sabi ni Lance loko talaga to..
*toink* "anong sabi mo Lance?" si Alexza binatukan si Lance at naka cold voice..
lahat kami tumigil kakatawa.. kapag kasi cold na ang boses ni Alexza nakakatakot sya lumalabas ang pagka gangster nya..
"Wa-wala.."nauutal na sabi ni Lance kasi akala mo kung sinong nerd at mabait yan si Alexza pero pag lumabas ang pagkagangster side nya naku!! Magdasal-dasal ka na bukas gising kapa at sisikatan ng araw pero syempre di nya gagawin yun samin natatakot lang kami pag cold ang boses niya kasi para kang giniginaw at pinapatay ng tingin nya pero di nya kayang gawin ung ginagawa nya sa iba na..alam nya na..
"San ka pupunta Alexza?" Paano nagulat na lang kami ng dire-diretcho si Alexza palabas..
Napa face palm na lang ako natandaan ko ung kanina na sinabi ko na may pasok sya di totoo yun dahilan ko lang yun para mapatayo sya sa higaan kasi sigurdo ako na kapag sinabi ko na aalis kami pupunta kaming park o saan man ang sasabihin nya lang oo susunod na lang ako pero hanggang sa makauwi na kami maaabutan mo yan tulog na pag sinabi mo kung kumain na ba sya ang sasabihin nya kakatapos lang pagtinanong mo kung bakit di sya pumunta sa pinuntahan namin ang sasabihin nya lang nakalimutan ko..Ung sinabi nya na oo nga pala siguro na alimpungatan lang yun o di kaya nanaginip sya na nasa school na sya kase simula nung nagtatago sya nagpanggap siya bilang nerd sa school na pinapasukan..
"Sa labas diba may pasok?"sabi na nga ba eh..
"HA!?" lahat sila except kay Alexza malamang sya nga nagsabi na lalabas sya ..
Mga dalawang minuto siguro silang nagpalitan ng tingin sa isa't isa..
"Hahahahahaha..."lahat kami nakitawa na rin ako..bakit ba eh ang epic ni Alexza eh?
"Bakit?"halata sa mukha nya ung pagtataka at binigyan kami na Nababaliw-Na-Ba-Kayo?-Look..
tumigil naman sila sa kakatawa..tapos..
"Eh kasi naman Aika eh.Wala pa kayang pasok ngayon bukas pa.."sabi ni Thea
"ANO!?"halata sa mukha nya ang inis at pagkagulat..
Patay...
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..