Andrea's P.O.V.
Hi guys, my name is Andrea Gail Villafuerte...About sa akin?? Hmmm...Matalino(pero hindi po ako nerd), maganda, mabait, loner at mayaman.
"Class your dismiss." Sabi ni sir. and thank God natapos din syempre kanya-kanya namang labasan ang mga classmate ko nakakabagot din maging loner minsan .Sakto naman yung dating ng mga transferees na kanina lang dumating.At Wala rin akong clue kung bakit sila lumabas ng room.
"Uhm... Andrea sumama ka na lang sa amin." Sabi ni Aika. May kasama syang babae nasalikuran niya lang iyon.
"Naku, wag kang magalala sa kanya okay lang naman sa kanya eh." Sabi niya uli, siguro napansin niya na nakatingin ako dun sa babaeng nasa likod niya.
"Oo. Sumama ka na lang sa amin." Sabi nung babae sa likod ni Aika.
Siguro kailangan ko rin ng konting pagbabago sa sarili. Siguro ito na yung time para hindi na ako maging loner at isa pa, gusto ko rin naman silang maging kaibigan eh.
"Oh ano tara na??" Sabi ni Aika. Tumango na lang ako bilang sagot ko kinuha ko na ang gamit ko at ganun din sila.
Habang tinitignan ko sila masasabing kon magaganda sila at hindi sila yung tipon ng kaibigang Bad Influence.Hindi katulad nung ibang babae maganda nga pero napaka-bad influence.
**************************
Nandito na kami sa Canteen naka-bili na kami ng kakainin namin. Marami na ring nakwe-kwento sa akin si Jewel nakakatuwa nga siya eh ang daldal niya pero cute siyang tignan kahit na madaldal siya.
"Nga pala, pansin ko bakit parang wala kang kilala sa classmates natin bago ka lang ba dito??" Tanog sa akin ni Aika siya namang tango ni Jewel.
"Uh.. Loner kasi ako eh." Sabi ko. Eh totoo naman diba??
"Naku, hindi ka na magiging loner kasi lagi mo na kaming makakasama." Sabi ni Jewel.
"Kung papayag ka??" Dagdag na sabi ni Aika.
"Syempre naman!!" Energetic kong sagot kung sila rin naman ang magiging kaibogan ko bakit hindi?? Ngumiti naman sila sa akin ng malapad bilang sagot.
At ayun nagkwentuhan na lang kami nang nagkwentuhan.Ang saya nila kasama. Hanggang sa matapos yung classes namin wala naman kasi kaming ginawa kundi magpakilala at free time na yun lang.
Aika's P.O.V.
My new friends na kami ni Jewel at yun ay si Andrea.Kung tinatanong nyo kung nasaan ako nasa sasakyan kasama ang gang sinundo kasi nila ako eh.
Nakakapanibago nga eh hindi nagaaway sila Dianne at Drew. Hmmmm..... Bakit kaya??
Ilang oras pang nakakalipas nakarating na kami sa bahay. Pagdating na pagdatig umakyat na si Dianne sinundan naman ni Drew then sila kuya Kevin at Lenia nagluluto na para sa hapunan namin 4:00 pa lang na man eh kumakain kasi kami 6:00 ng gabi at itong dalawang kasama ko sila Lance at Thea nanonood ng T.V. siguro kung hindi ko sila kilala pagkakamalan kog mag bf/gf tong dalawang to, ang sweet kasi nila tignan.
Bumaba uli si Dianne uminom lang at umakyat uli sinundan ko lang siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. May mali talaga sa dalawang yun eh, ano kaya yun?? Matanong nga mamaya si Dianne.
Tumayo ako. Aalis ako may PDA kasi dito naiingit ako namimis ko tuloy siya. :(
Pupunta ako sa kusina iinom na lang muna ako ng tubig. Pagpunta ko doon dire-diretso ako papuntang ref. Nakakuha na ako ng tubig. Sakto pagharap ko nakita ko sila kuya Kevin at ate Lenia. I sigh, bakit ganito ang dami ko atang nakikitang mag bf/gf na sweet sa isa't isa, bakit parang nag fla-flashback ulit sa akin ang nakaraan....bakit nagfla-flashback ulit siya sa akin ngayon??
Napansin kong may kumawalang luha sa mata ko.Taksil na luha pinipilit kong itago pero kumawala agad ko naman itong pinunasan. Napansin ata nila kuya Kevin ang pagtulo ng luha ko.
"Aika okay ka lang ba??" Tanong ni kuya Kevin sa akin bakas sa mukha nilang dalawa ang pagaalala.
Hindi ko kayang sabihing 'oo' pero hindi ko kaya na makita sila na nagaalala sa akin.
"Oo kuya okay lang ako.Hahaha!" Sabi ko sabay pekeng tawa at ngiti. Para hindi na nila ako matanong pa tumakbo na ako paakyat.Sorry kuya Kevin, sorry ate Lenia pero ayaw kong maalala kayo sa akin.
Pumasok na ako sa kwarto ko hindi ko mapigilan ang luhang tinatago ko makalipas ang isang taon. Ang sakit. ANG SAKIT,SAKIT. Akala ko ba walang iwanan. Diba nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan?? Ang duga mo naman Nico eh iniwan mo ako,hindi mo tinupad ang pangako mo..... ang pangako NATIN. Para akong tanga dito kinakausap ang kisame tungkol sa malungkot kong lovelife.
Bakit niya ba ako iniwan??Bakit ko pa ba binabalikan yung nakaraan kung alam ko lang na ako yung mahihirapan at masasaktan?? :'(
-------------------------------------------------------
Author's Note: Sorry kung masyadong heart broken ang scene yun po kasi yung pumasok sa utak ko eh.Sorry din po kung may mga typos at wrong grammar.Okay lang po ba yung story kung may mga suggestion po kayo feel free to comment lang po.
Vote or comment guys. :D
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..