Alexza's P.O.V.
Agad kaming dumiretso sa bar ni Charles ng tahimik. Hindi din ako makatingin ng diretso sa kanya kasi nahihiya ako ng sobra dahil sa nangyari kanina. So much for that, kaya kami dumiretso sa bar dahil nakatanggap daw si Charles ng text galing kay Dianne na ang magaling ko daw na pinsan ay nagwawala sa bar. Pagpasok namin kita sa mukha nila ang pagkagulat.
"Alexza.." di makapaniwalang sabi nila na akala mo nakakita ng multo.
"Asan ang pinsan ko?" malamig at diretsong tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumuro sa isang direksyon at nakita ko ang pinsan kong binubugbug na ang mga bartender at waiter na umaawat sa kanya.
"Magkasama kami kanina pa. Inaya nya akong uminom at ayan ang nangyari. Sabi ko sa kanya itigil nya na ang pag-inom pero ayaw magpa-awat." matamlay na sabi sa akin ni Luis.
"Anong problema nya?" malamig ko uling tanong dahil hindi magwawala ang pinsan ko sa sobrang kalasingan kung walang problema.
"Si Andrea." sabi ni Luis sa akin.
"Si Andrea? Anong meron?" Tanong ko. Ramdam kong nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita at magsasabi sa akin. May gusto silang sabihin na hindi nila masabi. "Tell me." Malamig ko pang utos.
"Sa ilang araw mong nawala nalaman namin na kapatid ni Andrea si Nico." lakas loob na kwento ni Kuya Kevin sa akin.
"Tapos?" tanging nasabi ko na lang.
"Pinapalayo ni Nico si Andrea sa atin dahil hindi gusto ni Andrea na lumayo tumatakas sya sa kuya nya." Sabi pa ni Lenia.
"That's all I need to know." Nasabi ko na lang habang papalapit kay Jhustin at binigyan sya ng malakas na suntok sa mukha. That serves him right. Kailangan nyang matauhan. Bakas ang pagkagulat sa mukha nya, hindi lang sa kanya pati sa lahat ng nakakita sa amin.
"A-Aika.." tanging lumabas na lang sa bibig nya.
"Akala mo ba matutuwa si Andrea pagnakita ka nyang nagkakaganyan?! Akala mo ba magiging maayos ang lahat dahil sa ginagawa mo?! Mas lalo mong pinapakita at pinapamukha kay Nico kung bakit kailangan nya ilayo ang kapatid nya sayo." Inis ngunit malamig na sabi ko sa kanya. "Why don't you think of this way, Jhustin. Bakit nga ba ako pinapalayo ni Nico sa kapatid nya? Kailangan kong ipakita na mali ang impression nya sa akin all those years na magkakilala kami. Dapat ipakita ko sa kanya na deserve ko si Andrea. And another thing, I won't say sorry for that punch I gave you lately. It serves you right para matauhan ka." Sabi ko pa at umalis na. Nakita ko namang sumunod sa akin si Charles at ang mga kaibigan namin ay tinulungan ang pinsan ko.
--Next Day--
Maaga pa lang ay naka-ayos na ako at bumaba. Kitang lahat sila ay nandito na at ako na lang ang hinihintay.
"Ano ng plano?" tanong ko sa kanila. Agad namang binigay ni Kuya Kevin ang blue print nung lugar kung nasaan ang ruta ng Shadow Mafia.
"Ayan na yung kailangan natin para makapasok sa lugar na yun." sabi ni Kuya Kevin.
"Napag alaman ko na na maraming guard sa harap at likod ng building kaya pwede tayong mahirapan sa pagpasok. Marami ring nagkalat na guard at ibang mafia at yakuza na nasa loob ng building. May mga CCTV Cameras sin na nakakabit sa bawat sulok. Hindi lang sya basta simpleng mansion para syang isang malaking opisina ng mga may kaugnayan sa Shadow Mafia." sabi naman ni Ate Lenia.
"Paano tayo makakapasok nyan kung sa labas pa lang mukhang mauubusan na tayo ng lakas?" tanong ni Lance na sinang-ayunan naman ng iba. Miski ako.
"I have an idea, guys! Bakit di nalang natin sila lituhin? Sa ganung paraan mas mabilis tayong makakakilos." Sabat naman ni Dianne.
"Magandang idea yun? Pero paano?" Tanong naman ni Thea kay Dianne na ikina-kabit balikat lang nito.
"Alam ko na!" Rinig naming sabi ni Drew at inayos na namin at hinanda ang gagawin namin. This is the start battle between Gangsters and Mafias. Prepare all you weapons and embrace yourselves for the bloods that will run on the floor.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note: Alam kong bitin. May part 2 ang chapter na 'to pero bukas ko na lang i-u-update dahil hindi na kaya ni Utak. Masyado ng intense eh. Haha! Any questions? You can leave a comment or pm me, ok?
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Teen FictionMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..