Jewel's P.O.V.
Nandito na ako sa bahay at konting ayos na lang aalis na ako. Thanks giving na kasi ngayon ng school namin. This past few days wala na akong masyadong balita kay Luis. Nilalayuan ko kasi sya. Kung bakit? Ewan ko din eh pero ang alam kong pinagmulan nito dahil sa last time na pag-uusap namin sa kwarto ni Lenia.
"Ayan. Tapos na! Ang ganda mo." Sabi ni Dianne sa akin. Si Dianne lang ang pinapunta ko dito sa bahay. Na-una na sila Aika eh. Si Luis hindi ko alam kung susunod.
Naman! >_< Kanina pa ako Luis ng Luis ah. Nilayuan ko nga pero bukambibig ko pa din. Takte!
"Tara na. Alis na tayo." Sabi ko kay Dianne at sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Anak, hindi ka ba susunduin ni Luis na son-in-law ko?" Bungad na tanong sa akin ni mama pagbaba namin.
Oo nga! Hindi ba nya ako susunduin. Ay naman! Jewel, paano ka susunduin ng tao kung hindi mo naman sinabi at nilayo-layuan mo.
Aish naman! Inisip ko na naman sya. >_< Si mama kasi eh!
"Mama naman! Di mo man lang ba babatiin yung ayos ko?!" Naka-ngusong sabi ko kay mama. Nakita ko naman si Dianne na nagpipigil ng tawa.
"Ay sya! Umalis na nga kayo at baka ma-late pa kayo." Pag-iibang topic na sabi ni mama.
Di talaga binati yung itsura ko. -_-
Pinagtulakan na kami ni mama pa-alis kaya di na rin ako naka-sabat pa.
Pagpunta namin dun sa lugar ng rhanks giving maraming bumati sa ayos ko at nangunguna na ang mga kaibigan ko pero parang may kulang? Wala si...
"May hinahanap ka?" Sabi ni Jhustine.
"Si Luis ba?" Tanong sa akin ni Aika sabay ngisi.
"Na-miss mo na noh?" Dagdag na tanong pa ni Drew.
"Bakit mo ba kasi nilalayuan?" Gatong pa ni Thea.
Wow ah! Hot seat dahil sa ginawa nila sa akin ininum ko yung ice tea na nasa table namin.
"Teka! Isa-isa lang mahina kalaban." Sabi ko sa kanila.
"So....bakit nga?" Sabay-sabay na sabi nila sa akin.
Ano 'to sabayang pagbigkas? Choss! XD Huminga akong malalim bago magsalita.
"Ito na nga eh. Atat lang?! Unang-una wala akong hinahanap. Pangalawa, kung meron man hindi si Luis un panigurado. Pangatlo, hindi ko sya namimiss bakit ko naman sya namimiss? Eh wala nga syang ginagawa para mapansin ko sya---" opppss! Natakpan ko yung bibig ko dahil sa huli kong sinabi. Aish! May sariling utak yung bibig ko.
"Ahh...hindi naman DAW pala namimiss." Sabi ulit nila ng sabay-sabay.
"Ano nasagot ko na ba yung mga tanong nyo?" Pagiibang topic ko sa kanila. Si Lance naman umaktong parang nagbibilang.
"Ah..except dun sa isa." Sabi pa ni Lance.
"Alin?" Tanong ko.
"Bakit mo sya nilalayuan?" Sabi naman ni Andrea.
"W-wala lang. Masama na bang lumayo sa isang tao?" Sabi ko sa kanila. Sabay-sabay silang tumango.
"Oo lalo na kung wala namang dahilan o pasabi basta isang araw gumising yung tao na yun nilalayuan mo na sya." Sabi ni Lenia. O-kay?
"Tsaka sino ba namang matinong tao na matutuwa kong yung taong mahal mo bigla na lang lumayo sayo? Sige nga!" Dagdag pa ni Kevin. Ako? Ito guilty as charge.
Nakita kong pinalo ni Lenia si Kevin at napayuko na lang ako. Tama naman ang sinabi ni Kevin at Lenia. Ako ang nag-umpisa nito kung bakit kami naglalayuan ngayon ni Luis. Hindi na ako umimik pa. Ginugulo ako ni....Luis. Siguro mali talaga ako na layuan sya sa di nya malamang dahilan parang ang selfish.
Ilang minuto pa ang lumipas bago maging okay ulit ang atmosphere at napansin ko lang wala si Charles kaya walang kasama si Aika. Paano ba naman partner-partner sila. Nung tinanong ko si Aika kung nasan si Charles ang sabi nya may pinadaanan daw sya.
BINABASA MO ANG
The Nerd Gangster Princess
Fiksi RemajaMeet Aika Alexza Santos-Isang babaeng gangster princess na nagpanggap bilang nerd sa pinapasukan niyang school mas kilala sya s school niya bilang CAMPUS NERD ..