Chapter 27: Long Wait

6.8K 273 4
                                    

Jewel's P.O.V.

Nakalayo na kami kila Aika pero si Luis hindi pa rin tumitigil na habulin ako. Napapagod na rin ako ah!

Eh sino ba kasi nagsabi na tumakbo ka? Sabi ng konsensya ko. Wag ka ngang magulo eh sa gusto kong takasan si Luis eh! Aish! Kapagod yun ah.

Nang ramdam ko na natakasan ko na si Luis ay umupo muna ako sa isang tabi sakto may bench dun kasi parang garden yung style ng mall. Na-upo muna ako dun. Grabe nakakapahod ah. Ramdam kong may tumabi sa akin hindi ko alam kung lalaki sya o babae. Ayaw ko naman tignan dahil tinatamad ako.

Maya-maya nag ring yung cp nya kaya sinagot nya at base sa boses nya lalaki sya. Ang manly ng boses nya pero bakit parang familiar yung boses nya konti lang yung nagbago pero parang sya talaga. I shook my head namimiss ko lang siguro sya ang tagal na rin eh.

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko sa sobrang pagod ayoko munang tumayo para kasing ang bigat ng pakiramdam ko.

"Jel..?" Narinig kong sabi ng katabi ko bigla akong nagulat ako nga ba ang tinatawag nya? Sya kaya yung taong yun? Impossible! Tumingin ako sa kanya.

"H-huh?" Tanging nasabi ko. Takte! Parang may kamukha sya.

"Hindi mo na ba ako natatandaan. Its been a long time since the first time we met." Sabi nya. Sya nga?!

"N-naru?" Utal na sabi ko at tumango naman sya.

"Natatandaan mo pa pala ako. Ang tagal na rin, 4years." Sabi nya.

Gusto kong sabihin na. Yeah, 4 years....4 years kitang hinintay. 4 years na namimiss kita. Long wait to see you.

"Ah. Yeah, its been 4 years." Sabi ko at bigla naman nya akong inakap. Namiss ko sya miss na miss!

"Namiss kita. Sobra! Ang tagal kitang hinintay." Sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin at niyakap ko rin sya.

"A-ako rin." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kuya Naru!" Sabi ng babaeng sobrang ganda para syang model na naglalakad papalapit sa amin bigla na lamang syang nagulat ng makita ako. "Ate Jel? Is that you?" Sabi nya in disbelief. Agad naman akong tumango.

Nabigla ako ng niyakap nya ako. "Janine!" Sabi ko at niyakap din sya. Namiss ko sila!

"Ate Jel, paano kayo nagkita ni kuya Naru?" Tanong nya sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Naru. Naupo kami sa bench at kwinento sa kanya ang nangyari kanina.

"Ayiiee!!" Tili nya, "Isa lang ibig sabihin nyan ate Jel. Tadhana kayo ni Kuya Naru. Hahaha! Imagine 4 years nyong hinintay ang isa't isa. No communicaton at hindi pa natin alam ang full name nyo. Si kuya Naru nga eh ang sungit sa iba at sinasabing may gf na daw sya." Kwento ni Janine sa akin. Natawa naman ako sa kwento nya. Wala pa rin syang pinagbago ang hyper nya pa rin napatingin ako kay Naru wala din syang pinagbago ang tahimik nya pa rin.

Tama si Janine. No communication at hindi rin namin alam ang full name namin except sa mga palayaw namin. Ang pagkakakilala kasi namin 4 years ago ay isang malaking UNEXPECTED.

"Jewel!" Sabay sabay na sigaw ng 13 na tao at sabay-sabay na lumapit sa amin.

"We're looking all over for you." Sabi ni Dianne na hingal na hingal.

"Yeah, we even checked the parking lot of the mall." Sabi ni Andrea naghahabol ng hininga.

Nakalimutan ko pala na may kasama ako. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin, si Luis.

"Pinakaba mo ko akala ko kung ano nang nangyari sayo." Sabi nya at hinihingal din.

"Ehem!" Kunwaring ubo ni Naru kaya napahiwalay kami ng yakap ni Luis.

"Jewel, sino sila?" Tanong naman ni Lenia.

"Ahh..Naru at Janine, mga kaibigan ko. Guys, I want you to meet Naru and Janine." Sabi ko. Napakunot naman ang noo nila Charles. Hala! Bakit?

"Hi!" Sabi ni Janine sa kanila nag-hi din sila kay Janine.

"Paano mo sila nakilala?" Tanong ni Thea.

"Mahabang kwento." Sabi ko na lang.

"Jewel, sila ba yun?" Tanong ni Aika sa akin. Oo nga pala nakwento ko kay Aika ang tungkol kila Naru. Halata naman naguluhan ang mga kasama namin sa sinabi nya.

"Yep!" Nasabi ko na lang. Napatango na lang sya.

"Girls, may shooting ba ngayon?"

"Mga artista ba sila?"

"Shock! Nasa langit na ba ako? Ang daming papabols."

"Ang hot ng mga girls pre. Astig!"

Sabi ng mga nagdadaan sa amin.

"Uhm...tara guys! Food court tayo." Sabi naman ni Drew.

"Sama kayo?" Tanong ko kila Naru. Umiling naman sila.

"May pupuntahan pa kami ate Jel eh." Sabi ni Janine.

"Tara na!" Sabi naman ni Lance.

Maglalakad na sana ako pero hinawakan ni Naru ang braso ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm...pwede bang makuha number mo?" Tapos pinakita nya yung cellphone nya.

"Sure!" Sabi ko tapos kinuha ko sa kanya yung cellphone nya at tinype ko na yung number ko dun.

"Thanks! Bye!" Sabi nya na abot tenga ang ngiti.

Luis' P.O.V.

Nandito kami sa Food Court ng mall. Nakatingin ako sa kanya habang sya ay ngiting-ngiti habang tutok na tutok sa cellphone nya. Tsk! Panigurado ka-text nya na ngayon ang mokong na yun. Sino ba sya sa buhay ni Jewel at kung mag yakapan sila sa mall ay parang kilalang-kilala nya ito?

"Ehem!" Kunwaring ubo ni Jhustin kaya napatingin ako sa kanya, "Masyado kang titig dahil sa lalim ng iniisip mo baka matunaw yan. Tsk!" Ngising sabi naman ni Charles.

"Problema natin bro?" Sabi ni Drew sabay akbay sa akin tinanggal ko naman ang pagkaka-akbay nya.

"Bakla ka ba?" Sabi ko na lang sa kanya.

"Sa pogi kong 'to." Sabi nya sabay pogi sign, " pero...ehem ehem! Fafa Luis naman wag ka magselos dun sa kayakap kanina ni Jewel nandito naman ako." Pa baklang sabi nya. Tangna! Nakakakilabot sya ah.

"Oo nga fafa Luis nandito lang kami for you. Pakiss nga fafa Luis!" Natatawang sabi ni Lance.

"Mga gunggung kayo. Tigilan nyo na nga si Luis mamaya masuka yan ng wala sa oras." Natatawang sabi din ni Kevin.

"Drew, nagselos ata si Fafa Kevin." Pa baklang sabi ni Lance. "Gora lets tayo kay Fafa Kevin." Pa baklang sabi din ni Drew.

"Magtigil nga kayo nakakatakot kayo pag ganyan." Pakunwaring suka ni Jhustin.

"O to the M to the G! Nagseselos naman ngayon si Fafa Jhustin." Pabaklang sabi ni Drew.

"Look sistah! Pinag aagawan tayo nila Fafa Kevin, Fafa Jhustin at Fafa Luis. We're so pretty daw kasi." Pa bakalang sabi ni Lance.

"Nakakakilabot kayo." Komento ni Charles sa kanila sabay baling sa akin. "Nagseselos ka noh? Tsk! Gumawa ka na ng move bago mahuli ang lahat at magsisi ka." Sabi nya sa akin sabay tapik sa balikat ko at iniwan nila ako pumunta na sila sa pwesto nung mga girls.
**************************
Author's Note: Sorry sa sobrang tagal na update. 5 votes and 5 comments dito sa chapter na 'to para mag update ako for next chapter. Thank you!

Picture of Janine at the right side------------->

Vote or comment. Thanks!

The Nerd Gangster  PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon