I Unang kabanata
MABIBILIS ang bawat paghakbang ko sa pagtakbo. Panay ang lingon ko sa likod sa takot na nasundan ako ng humahabol sa akin. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa gilid ng noo pababa, at mabilis na pagkabog ng dibdib.
Hingal na hingal akong napatigil sandali at naitungkod ko ang dalawang kamay sa mga tuhod habang hinahabol ang sariling paghinga. Hindi ko alintana ang mga taong naglalakad sa magkabilang direksyon at ingay ng mga busina ng mga sasakyan.
Ngunit agaran akong napatayo nang tuwid at hindi ko namalayang paatras na ako ng paatras. Gulat at nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa isang taong palinga-linga sa paligid na halatang may hinahanap.
Sa mga oras na ito ay hindi ko na alam pa ang gagawin. Mas siniklaban ako ng takot nang maramdaman ang matigas na sandalan sa likod ko. Wala na akong atrasan!
Mabilis kong iginala ang panigin sa paligid. Baka sakaling may mahanap na mapagtataguan. Napaligon ako sa likod na sinasandalan ko nang bahagya itong bumukas ng kusa. Sa kadesperadahang makatakas sa taong humahabol sa akin ay walang pagdadalawang isip kong inihakbang ang mga paa papasok. Bago pa man tumingin ang lalaki sa gawi ko at makita ako ay mabilis kong naisara ang pintuan.
Napasandal ako rito habang mariin nakapikit ang mata. Pilit na pinapakalma ang nagwawalang sistema sa loob ko. Ang mabilis na pagkabog ng dibdib dahil sa takot at kaba ay ngayon unti-unti nang humuhupa sa kadahilanang natakasan ko siya.
Sa pagbukas ko ng aking mata ang pagbungad sa akin ng kabuuan ng paligid. Laglag ang panga kong pinagmamasdan ang silid na napasukan.
Hindi ako makapaniwala habang naglalakad papalapit sa mga helera na nagtataasang bookshelves na animo'y walang hangganan sa dulo.
Para sa mga babaeng tulad ko na mahilig mangulekta ng mga libro ay hindi ko matago sa labi ko ang saya dahil sa nakikita.
Pinasadan ko ang mga libro gamit ang kamay habang naglalakad sa gitna. Rinig na rinig ko rin ang bawat paghakbang ko na likha ng aking sandals.
"P-paanong may ganitong kalawak na library?" Pinasadahan ko ng tingin ang bawat librong nadadaanan. Sa kaninang habulan na nangyari ay hindi ko inaasahan na mapapadpad ako sa ganitong klaseng lugat.
"Wait...wait..wait," natigil ako sa paghakbang at napanguso, muling lumingon sa likod at sa harap. "Bakit parang ako lang yata ang tao rito? Dapat dinadagsa ito ng mga tao . Nasaan kaya ang nagmamay-ari ng shop na to.."
Pinatunog ko ang kamay na madalas kong gawin kapag nawewerduhan at may iniisip. Tingin sa kaliwa't kanan ngunit katahimikan ang namamayani.
"Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa lugar na to."
Naagaw ang atensyon ko sa isang libro. Mariin akong nakatingin sa isang familiar na libro na may nakasulat na pamagat,
Pahimakas
Mabilis ko itong kinuha sa lagayan at inusisa ang kabuuan ng cover ng libro. Doon mas lalo nanlaki ang aking mga mata nang tumumpak ang aking hinala.
Nakasulat ang pamagat nito sa gitna at sa ibabang bahagi nito ay nakalagay ang pangalan ng may akda.
Novel by Binibining Star.
Kumakabog ng mabilis ang aking puso. May nabuong inis rin sa loob ko ngunit pinakalma ko ang sarili.
Hanggat wala akong napapatunayan....okay relax muna tayo Star.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...