Ika-dalawangpo't isang kabanata
ISANG magandang umaga ang tila bumabati sa akin habang palabas ako ng munting bahay nila Aleng Conchi. Suot ko ang ordinaryong damit ng mga tao rito, damit na pinaglumaan ni Victoria. May bitbit rin akong basket na naglalaman ng pagkaing niluto ko para sa masungit na prinsipe.
Nagpapasikat na ang araw sa langit ngunit ang sikat nito'y hindi pa naman mahapdi sa balat. Binabaktas ko ang pasilyo patungong kusina na sa bandang likod ng palasyo matatagpuan.
Binilisan ko ang paghakbang dahil natitiyak kong gising na sya sa mga sandaling ito. Nais kong bumawi at magpasalamat sa pagligtas nya sa akin.
Ito na rin ang tamang oras upang simulan ang hakbang para palambutin ang puso ng isang Antagonista.
Napangiti ako sa ideyang baka isang araw makita ko na ang mga ngiti nya araw-araw. At hindi na seryosong mukha ang bubungad sa mukha ko sa tuwing titingnan sya.
Sa pagpasok ko sa marangyang kusina ay mga kusinera na abala sa mga ginagawa at usok sa pugon ang bumati sa akin.
Labas pasok ang iba na may mga dalang mga pinagkainan. Samantalang si Aleng Conchi ay abala sa paghalo sa malaking palayok na nakasalang sa pugon.
"Magandang umaga inang." Pagbungad ko na ikinalingon nya. Hindi ko sya naabutan kanina sa bahay dahil maaga itong gumigising araw-araw para pagsilbihan ang mga maharlika. Kusina ang kanyang opisina sa umaga hanggang gabi.
"Magandang umaga rin, ihja. Ba't ka napa rito?" Ngumiti si Aleng Conchi at napatingin sa bitbit ko. Ngumiti rin ako at bahagyang itinaas ang basket. Lumapit naman sya para usisain ang dala ko.
"Agahan po para kay Caspian. Kumain na po pala sya?" Parang biglang dumaan ang sandaling katahimikan. Nagtaka ako nang mapansin na nakatingin na ang lahat sa akin na para bang may binitiwan akong salita na nagpantig sa kanilang mga tainga.
Napatikhim ako't nag-angat ng ulo. "A—ah agahan pasasalamat." Ngumiti ako sa kanila para ipabatid na walang malisya ang lahat. Walang malisya!
"Hindi pa. Sya ang pinakahuling mag-aagahan dahil ayaw ng mahal na prinsipe na may kasalo." Ngumiti ito sa akin.
"Halika rito at ihanda natin iyan." Nagpupunas ito sa kamay na tinungo ang lamesa. "Ano'ng agahan ba ang niluto mo? Ang prinsipe ay pihikan sa pagkain."
Kagat ko ang labi habang nilalabas mula sa basket ang niluto ko kanina.
Sinangag na kanin na may halong hiniwang maliliit na karne ng baboy at ibat ibang klase ng gulay. Isa ito sa paboritong kainin namin ni kuya tuwing umaga. Recipe ni mommy na naipasa kay daddy.
Pinanood ko si Aleng Conchi nang kumuha ng kutyarita at tinikman ito. Naghihintay ng sagot kung aprobado ba nya ang luto ko.
Maaga pa naman akong gumising para lutuin ito. Hindi sa pagmamayabang pero may talento rin akong taglay sa kusina. Isang bagay raw na namana ko kay mommy, iyan ang madalas sabihin sa akin ni daddy.
"Hindi masama ang lasa." Tumatango si Aleng Conchi habang nakatingin sa sinangag ko. Napakurap-kurap lang ako sa naging reaction nya. Hinihintay ko ang magic word para tuluyan na akong ngumiti at makampante.
"Halika na para maihanda na natin ito sa hapag."
Yon lang? Wala bang, grabe ihja napakasarap ng luto mo!
Maayos naming nilatag ang mga pagkain. Kay sarap ng buhay ni Caspian. Uupo na lang sya at susubo ng kakainin. Wala nang pro-problemahin dahil isa syang prinsipe na dapat pagsilbihan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...