Kabanata 10

3.2K 135 10
                                    

Ika-sampong kabanata

     MATINDING takot at kaba ang namumutawi sa sistema ko habang unti-unti akong nilulubog ng tubig pailalim. Nanlalabo man ang mata ko ngunit sapat lang para matakot ako sa isang nilalang na papalapit na sa akin.

Nahahawig ang anyo nya sa ahas, napakalaki.

Gusto kong lumangoy pataas ngunit hindi ko magawa. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagkaubos ng hangin. Hindi na napigilan ng sarili kong huminga kahit alam kong imposible, dahilan para malanghap ko ang tubig na unti-unting pumapatay sa aking ulirat.

Ngunit bago pa magsara ng tuluyan ang mata ko ay may anino akong naaninag sa katubigan na pilit nilalabanan ang higanteng nilalang.


        SA pagmulat ng mga mata ko, panandalian pa akong nablanko. Parang hindi pa nakakabalik ang isip ko at lumulutang pa ito sa kawalan.

Unti-unting bumalik ang diwa ko at napagtanto ang kinalalagyan. Napakurap ako nang may pagtataka. Bahagya akong gumalaw sa kinahihigaan nang maramdaman ang tigas nito na dapat ay malambot na kama. Nakapa ko ang lalamunan dahil sa matinding pagkauhaw habang sinikap na makaupo at pagmasdan ang unfamiliar na paligid.

Unang bumungad sa paningin ko ang helerang mga bookshelf at mga librong tila nahulog sa kinalalagyan kaya nagkalat sa sahig. Kaya pala sumakit ang likod ko ay dahil sa mga librong nahigaan ko. Ang akala ko'y magigising ako na nasa sariling kwarto.

Nasapo ko ang noo ng unti-unti nang bumalik ang lahat nang nangyari kanina. Mula sa party na dinaluhan ko at sa lalaking hindi ko kilala na nagawa akong bastusin kaya napilitan akong manlaban na umabot sa habulan. Hanggang sa napadpad ako sa isang misteryosong library. Idagdag pa ang napakawerdo kong panaginip.

"Shems! Ugh ang daming ganap ngayong araw!"

Nagawa kong patunogin ang mga daliri sa daming gumugulo sa isip ko ngunit agad na napatigil. Bahagyang lumaki ang mga mata ko sabay baling kaliwa't kanan. Napahinga ako ng maluwag nang walang makitang tao. Mabilis kong dinampot ang shoulder bag ko sa sahig at agaran na tinungo ang pinto sa takot na baka maabutan ako ng may-ari ng lugar na ito at mapagbintangan na ako ang nagkalat ng mga libro sa sahig.

Nagpakawala ako ng hangin— sana lang ay wala na ang taong humahabol sakin. Napokpok ko ang sariling ulo sa katangahan. Bakit no'ng hinahabol ako ay hindi ko nagawang sumigaw at humingi ng tulong? "Ugh! Napaka tanga mo talaga!" Bakit hindi ko naisip yon?

Nakagat ko ang labi nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. Parang slow motion ang lahat nang nakikita ko sa paligid. Muling napabuga at napakurap-kurap baka sakaling magbago ang takbo ng paligid. Sa pagtataka ko'y walang pinagbago, ganon parin ang sitwasyon ng lahat kahit tumalikod ako, pumikit, kumurap o kahit siguro tumambling ako ay walang magbabago!

"Shemay— WHAT'S HAPPENING ON EARTH!" Nagawa ko nang sumigaw ng malakas pero wala parin tao ang kumontra o nanita sa'kin. Sapo-sapo ko ang magkabilaang pisngi sa hindi makapaniwalang nakikita sa paligid.

Literal na tumigil ang takbo ng paligid!

Lahat ng mga tao ay tila mga statwa sa mga kinatatayuan. Walang gumagalaw ni kumukurap. Hindi ako makapaniwalang naglakad sa gitna, ilang ulit kong tinapik ang pisngi na baka sakali panaginip uli ito pero walang pinagbago.

Sa highway na nakatigil ang ilang mga sasakyan at mga taong nakafreeze. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang bulto ng taong nakabaling ang ulo sa ibang direksyon. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba, balak ko na sanang lagpasan ng may pumasok sa isip ko. Muli akong humarap rito at agad syang sinipa sa binti. Napaawang ang bibig ko't nakagat ang labi, malay ko bang sa pasimple kong pagsipa ay masusobsob sya sa kalsada.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon