Ika-anim na kabanata
"MISS na kita kuya Light" isang patak na butil ang dumaloy sa'kin pisngi habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat nya.
Unang kita ko palang kay Magnus ay hindi na ako nagulat na kamukhang-kamukha nya ang kuya Light ko, bagay na sinadya ko noong sinusulat ko palang ang kwento.
Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang presensya ni Caspian at ang pagtikhim nito. Pasimple kong hinawi ang luha bago sya hinarap. May hawak syang maliit na towel at nakatapat na iyon sa harap ko.
Parang gustong lumabas ng ngiti sa labi ko, mararanasan ko na kaya ang matatamis na linyahan ng isang lalaki kagaya sa kdrama? Sa'twing umiiyak ang girl ay sasabihin ng guy, "Don't cry, everything will be fine"
Kaso wala pala sa bukabularyo ni Prinsipe Caspian ang mga ganong salita pero at least binibigyan nya ako ng panyo. Nakita kaya nya akong umiyak?
Kinuha ko ito sa mga kamay nya. "Maraming salamat" ngingiti na sana ako nang mapansin ko ang pagkunot ng noo nya.
"Bakit ka nagpapasalamat?" Bakas sa kanyang mata ang pagtataka. Hindi ko sya maintindihan, muli akong napatingin sa hawak at sakanya ulit. Bubuka palang ang bibig ko ng maunahan nya ko. "Nais ko lamang punasan mo ang suot kong natuyuan ng iyong vòmitos(sinuka)" sabay turo sa harap ng kasuotan nya.
Napanganga ako sa kadahilanang.....napaka-assuming ko pala!
"Gagawin mo ba o ipapatitig ko muna saiyo ang talim ng aking espada?" Nangalit ang mga ngipin ko sa inis. Si Caspian pa ba na inborn sa pagiging kontrabida. Ano pa nga ba aasahan ko sa kanya? Nganga!
PANAY ang lunok ko sa hindi mapigilang paglalaway dahil sa dami ng pagkain nasa harap ko. Simula ng nakapasok ako sa nobela ay wala pa akong sapat na kain. Kahit sa panaginip pala'y nakakaramdam din ng gutom.
Kanina pa ako natatakam ngunit hinihintay ko lang matapos sa introducing speech si Dalgom para ipakilala kami. Isang mahaba at pinagdugtong-dugtong na lamesa ang nasa harap namin na punong puno ng mga pagkain.
"Tayo ay magpasalamat muna sa ating Panginoon dahil sa araw araw na pagpapala" akala ko'y tapos na, naiwan tuloy ang kamay ko sa kalagitnaan ng pagkuha ng pagkain. Napaayos ako ng tayo buti na lang at walang nakapansin. Nakalimutan kong maka-Diyos pala ang mga rito.
Nakamasid lang ako sa kanila na masinsinang nagpapasalamat habang nakapikit ang mga mata. Tuluyan ng sumapit ang dilim kaya napuno ng mga sulo ng apoy ang paligid na nagsilbing ilaw.
Ang nakaka-amaze sa lugar na ito ay sabay-sabay silang kakain ng agahan, tanghalian at hapunan. Salo-salo sa iisang lamesa, hindi nawawala sa kanila ang pagkakaisa.
Napatingin ako sa katabing si Magnus na ktulad ng laht ng naririto ay nakapikit rin ang mata nya. Kami lang ata ni Caspian ang dilat na dilat ang mata. Hindi na rin ako nagugulat sa kanya dahil iyon ang totoong pagkatao nya. Wala sa bukabularyo nya ang magpasalamat at manalangin sa Diyos.
"Kainan na!!" Anunsiyo ng isa sa mga kapatid ni Dalgom. Si Damo, labing-isang taong gulang at katabi naman nito ang bunso nilang kapatid na si Demi apat na taong gulang na babae, katabi nya ang ate Florencia nya na mula pagkabata ay inalagaan na sya nito ito na rin ang nagsilbing nanay-nanayan nila Damo lalo na kapag umaalis si Dalgom sa kaharian.
Sa mga taong naririto karamihan sa kanila nawalan ng mahal sa buhay, pamilya at kaibigan nang sumiklab ang isang digmaan sa pagitan ng limang kaharian.
Iyon ay isang masalimot na kasysayan na habang buhay nilang dadalhin. Dahil sa digmaang iyon nagtapos ang mga buhay ng mga taong lumaban para sa minimithing kapayapaan at kalayaan ngunit magpahanggang ngayon ay hindi parin nila iyon makamit.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...