Kabanata 19

2.4K 121 20
                                    


Ika-labing siyam na kabanata

NAKAUPO ako sa malambot na kama habang nasa harapan ko si Adela na halos walang tigil akong pinasasalamatan sa nagawa kong pagliligtas kuno sa kanya. Hawak nya ng mahigpit ang dalawa kong kamay, sinsiro ang kanyang nga mata na may pagsusumamo na binabalutan ng kislap ng luha nang kung kukurap sya'y hindi ito mapipigilang tutulo.

"Ako'y labis na nagpapasalamat sa kabutihang iyong taglay, Azra. Kung hindi dahil sainyo ni Prinsipe Caspian baka ako'y nakahiga na sa ataúd (kabaong)" nanginig na hinawakan ko ang kanyang pisngi at marahang hinawi roon ng hinlalaki ang luha. Ngumiti ako sa kanya ng marahan.

Kanina lang nang magising ako, sya ang kauna-unahang mukha ang sinalubong ng mata ko. Nasa kwarto rin sina Haring Emilios, Silvestre at ama't ina nitong si Haring Rahim at Reyna Sera nang mga oras na nagising ako, ngunit wala ang taong inaasahan ko. Nakarating sa kanila ang balitang may nagtangkang sumira sa kasal at pumatay sa nagiisang prinsesa ng Atlas. Nabalitaan ko ring nagtaas ng utos si Haring Rahim sa buong palasyo na higpitan ang seguridad, kasalukuyan na raw na tinutugis ang taong nagtaka kay Adela sa pamumuno ni Caspian na sinundan ng ilang mga prinsipe na nagkusang loob na tumulong, at si Silvestre.

"Sa pangalawang pagkakataon nagawa mo akong tulungan." Pinisil nya ng marahan ang kamay ko at ngumiti hindi alintana sa mata nya ang luha. "Kung hindi ka dumating nang gabing iyon, baka nakatali na ako sa Prinsipe ng Megard. Iyon sana ang una kong kamatayan kung natuloy iyon." Wala na akong nagawa nang yakapin nya ako ng mahigpit na kalaunan ay ginatihan ko.

Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang bumukas ang pinto ng silid ni Adela at niluwa noon ang makisig na si Silvestre.

"Nagambala ko ba ang pagmomomento ninyong dalawa?" Tumayo si Adela para salubungin ang asawa. "Kamusta... may balita na ba?" Yumakap ito sa bewang ni Silvestre at kinailangan pang tumingala para masumpungan ang mga mata nito. Habang tinititigan sila nang ganoon parang may kung ano sa sistema kong gusto silang paghiwalayin. Hindi sila ang para sa isa't isa dahil hindi naman sila ang magkakatuluyan sa huli.

Masama bang sabihin kong mas bagay sa kanya si Maraya at hindi si Adela? Para akong nanghihinayang sa naging desisyon. Para bang isa silang love team at ayuko sa tambalan nila dahil mas nababagay sina Maraya at Silvestre, pero ano naman ang magagawa ko. Tuluyan na ngang nagbago ang takbo ng utak at puso ng mga karakter.

"Mas mabuting h'wag na muna nating isipin ang nangyari kanina. Halina sa iba mga binibni, nagsimula na ang kainan."

Tahimik lang akong sumunod sa pagbaba patungo sa silid kainan ngunit hindi ko inasahan na ang akala kong ordinaryong salo-salo ay hindi pala. Nalula ako sa dami ng mga taong nakaupo sa napakahabang mesa na punong-puno ng mga masasarap na pagkain. Halos hindi magkamayaw ang mga servidora sa pagsalin ng mga tubig sa baso ng mga mahaharlika at paglagay ng mga putahe.

Napalunok ako nang masilayan ng mga mata ko ang mga hari at reyna, mga prinsipe at iba pang matataas na opisyal. Halos mapuno ng tawanan ang dining hall. Napasunod na lang ako sa paghakbang nang humawak sa braso ko si Adela at naupo kami sa upuan malapit sa kanyang ama. Naupo rin sa helera ng mga prinsipe si Silvestre at nagsimulang makipagtalastasan. Naroon rin si Dalgom ngunit— "Wala ata ang aking Prinsipe..."  Natigilan ako sa mahina kong naibulalas sa sarili. Napatingin ako sa paligid, napabuntong hinga dahil wala naman nakarinig. Kalaunan ay palihim akong napangiti. Shemay nahihibang na naman ako!

Pero, bakit kaya wala sya rito? Pati si Magnus hindi ko rin makita. Nagawi ang atensyon ko kay Haring Rahim dahil inagaw nya ang atensyon ng lahat sa pamamagitan ng malakas na pagtikhim.

"Nais ko lang pasalamatan ang napakagandang binibining ito. Ako'y humanga sa ginawa nya." Biglang kumabog ang dibdib ko, parang naaamoy kong ako ang tinutukoy nya. Hindi ako nakapaghanda nang lahat ng tao ay napatingin sa 'kin. Kahit wala pang pinapangalanan ang Hari ay nasisiguro nilang ako ang tinutukoy. Sikat na ba ko?

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon