Ika-dalawampo't anim na kabanata
ITO ang pangalawang beses na umakyat ako sa silid ng isang lalaki. Alam kong sa mata ng mga tao rito ay isang kapangahasan ang pagpasok ng isang binibini sa silid ng lalaki. Pero kailangan ko itong gawin para makausap sya bago pa man matapos ang gabing ito.
Hindi ako mapapanatag kapag hindi ko ito nasabi sa kanya ngayon. Nakailang mga tagapagsilbi na ang naglabas pasok sa silid ni Caspian para maglinis at ilagay ang mga kasuotan nito sa isang aparador.
Ilang oras na rin ang itinagal ko sa ilalim ng kanyang kama, nagtitiis sa alikabok sa sahig at pamamawis ko dahil sa init.
Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pintuan, muling sumidhi ang kaba pero agad ring napawi nang malaman na isa muli itong tagapagsilbi.
Napahawak ako sa bibig at pilit na pinipigilan ang sariling makagawa ng ingay kahit ang paghinga nang makita ko ang sapatos nito mismo sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong yumuko para damputin ang mga librong hawak nito na biglang nahulog sa sahig.
"Napakaburara talaga ng Kamahalan, haynaku. Hindi man lang marunong mag ayos sa sariling kwarto."
Gumaan ang pakiramdam ko nang mapulot na nito nang hindi ako nakikita. Panay ang salita nito habang sinasaayos ang mga gamit. Nang makampante sa ayos nya ay muli na itong lumabas. Narinig ko pa ang marahang kalabog ng pinto hanggang sa namayani ang katahimikan.
Muli akong napabuntong hininga. Hanggang sa nasundan ito ng makailang ulit. Nababagot na ako sa pwesto, sa sobrang kulob ay ang hirap huminga. Naghintay muli ako ng ilang oras, muntik nang bumigay ang mga mata ko sa pagkaidlip ngunit nabuhayan nang bumukas muli ang pinto.
Ngayon, sa nakikitang sapatos na panlalaki, sa kapa nitong maroon na sumasayad hanggang sahig ay nakakatiyak akong si Caspian na 'to.
Gumapang ako palabas sa ilalim ng kama na pawisan. Nakita ko syang naupo sa dulo ng kama habang nagtatanggal ng sapatos ngunit gulat syang napatigil nang marinig nya ang boses ko.
"Caspian!"
Gulat syang napatingin sa akin. Nagpagpag muna ako sa suot na kinapitan ng alikabok bago sya tulyang nilapitan. Napahakbang pa ito paatras dahil sa bigla kong paglapit.
Tumingin ako sa mga mata nya. "Pwede ba kita makausap, may sasabihin ako sa 'yo." Sensiro kong saad. Na nanantya ngayon ang kanyang mata, para akong binabasa.
Ngunit natigil ang pagtitig sa isa't isa nang may kumatok sa pinto. Nataranta ako sa gagawin sa takot na makita ako ng kung sino na nasa silid ni Caspian.
Akmang muli akong dadapa para magtago sa ilalim ng kama nang hilain na lang ako ni Caspian sa isang direksyon. Bago pa man bumukas ang pinto ay naitago na namin ang mga sarili sa taong pumasok.
Sa isang iglap muling nagtagpo ang mata namin. Bumibilis ang tibok ng puso dahil sa lapit ng mga mukha. Malapit nang magbanggan ang tungki ng ilong namin, pareho kaming hindi makagalaw dahil tiyak na mahuhuli kami sa ganong posisyon.
Sa ilalim ng makapal na kurtina, sa pader na nasasandalan ko, at si Caspian na sa harap ko. Nakatuod ang dalawa nitong kamay sa taas ng ulo ko habang ang isa naman ay kapantay ng braso ko para hindi sya tuluyang lumapat sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang malalalim ngunit mahinang hinga nya na tumatama sa pisngi ko. Parang kuryente na dumadaloy sa pisngi na nagdadala ng init papunta sa puso ko.
"Caspian?" Tawag ng isang boses lalaki ngunit hindi iyon naging hadlang upang maputol ang pagtitig namin sa isa't isa. Tanging tunog ng sapatos ng lalaki ang maririnig sa silid.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...