Kabanata 5

4.2K 197 77
                                    

Ikalimang kabanata

NAKAKAMANGHANG pagmasdan ang mga tao rito, makikita sa kanila ang pagkakaisa at pagdadamayan. Namumutawi ang ngiti sa mga labi habang nakikihalubilo sa isa't isa. Simple ang kanilang mga kasuotan, halos lahat ng mga babae ay sumasayad ang bestida sa lupa parang katulad lang kay Juliet at sa mga lalaki naman ay nahahawig sa kasuotan ni Romeo.

Iyon ay dahil isa sa mga paborito kong kwento ang Romeo and Juliet na nilathala ni William Shakespeare. Isa ako sa umiyak at nadurog ang puso sa masakit na kapalaran ng dalawang bida sa unang pagkakataon na natapos kong basahin ang nobela. Doon rin nagsimula ang pagkahilig kong pumatay ng mga importanteng tauhan sa kwento para sa igaganda ng storya.

Madali naming naagaw ang atensyon ng mga tao kaya nakaramdam ako ng pagkailang, kahit hindi halata ay meron akong hiya. Minsan nga lang lumabas.

Nauuna si Dalgom sa amin habang nasa likuran nya kami, panay ang pagyuko ng mga tao sa kanya na ginagantihan nya ng maaliwalas na ngiti. Sobra syang ginagalang ng mga tao rito dahil sa pagiging maginoo nya at butihing prinsipe.

Sa bawat punong nadadaanan namin ay may mga bahay sa itaas na nakakamanghang tingnan. Hindi rin ordinary ang mga puno dahil sa sobrang laki nito at mayayabong na mga dahon. Green na green ang buong kapaligiran idagdag pa ang nagkalat na mga bulaklak sa kung saan na tila kusa itong tumubo sa kinatitirikan.

"Kuya Dalgom!" Napatingin ako sa mga batang masayang sinalubong ang prinsipe, may kanya kanya pa nga silang hawak na mga papel at tinta.

"Kamusta ang inyong pag-aaral? Hindi niyo ba binibigyan ng sakit sa ulo ang ate Florencia nyo?" Mula sa nakaluhod na si Dalgom para makapantay ang mga bata ay gumala ang tingin ko sa paligid upang hanapin ang taong iyon.

"Mababait na bata ang aking mga mag-aaral kaya wala kang dapat ipagkabahala" tinig iyon ng isang babae kaya muli akong napalingon sa kanila.

Bumungad sa'kin ang simpleng dalaga na nagtataglay rin ng kagandahan kahit na morena ang kanyang balat, nakalugay ang kulot at mahaba nyang buhok habang sa gilid ng kanyang tenga ay may nakasabit na gumamela. May hawak rin syang mahabang stick na nagsisilbi nyang kaagapay sa pagtuturo.

Siya si Florencia isang mamamayan ng Aslan na may mabuting puso para sa lahat lalo na sa mga bata.

Nagtuturo sya ng walang inaasahang kapalit dahil para sa kanya ang paggawa ng isang mabuting bagay sa kapwa ay lubos na kinalulugdan ng nasa itaas.

Simple at ordinary lamang, walang bahid na pagiging maharlika ang nananalaytay sa kanyang dugo. Isang katanungan ang sumasagi sa kanyang isip na kung bakit ang ordinaryo ay para sa ordinaryo at ang maharlika ay para lang sa mga maharlika.

Nagsimula ang katanungang iyon kasabay ng paghanga nya sa matalik na kaibigan, ang nagiisang prinsipe ng Aslan.

Natauhan ako sa malalim na pagiisip ng may sumagi saaking balikat. "Ikaw ay tila nananaginip ng mulat ang mata. Natutulog ka ba?" Inirapan ko ang pilyo'ng si Magnus at napatingin kina Dalgom, Florencia at Caspian na nagpatuloy na pala sa paglalakad.

Mabilis akong sumunod na muntikan ko pang ikadapa sa lupa dahil muntikan ko pang maapakan ang mahaba kong kasuotan mabuti na lang at mabilis ko itong naiangat. Narinig ko ang halakhak nya, parang gusto ko tuloy pumatay. Yong alalay sana ni Caspian.

Nakaawang ang labi kong pumasok sa malaking katawan ng puno na may nakaukit na pinto kung saan pumasok sina Dalgom at Caspian. Nakasalubong ko pa si Florencia na muling lumabas, ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

Sumalubong sa'kin ang mga nature things sa loob, maaliwalas at maganda. Parehong-pareho ang pagkakalarawan ko sa kwento, at nakakamanghang nakikita ko ang mga bagay na dati ay nasa isip ko lamang.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon