Ika-siyam na kabanata
"MAKIPAGTULUNGAN ka sa'amin. Hindi ba't wala namang namamagitan sa inyo ng prinsipe ng Megard"
"Ano naman ngayon?"
"Kunin mo ang loob nya at saktan, iyon ang magiging dahilan upang tuluyan syang bumagsak maging ang pinakamamahal nyang Hari"
"Hay, hindi ko rin ikaw masisi kung ganyan ang layunin mo sa buhay," nagsimula akong lumapit sa kanya, tinabihan syang tumanaw sa labas.
"Hustisya at kalayaan ang aking ipinaglalaban" muli nyang tugon.
"Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?"
"Mapapadali kung ikaw"
Napabuntong hininga ako, "ayuko"
"Kung gayon, mananatili kang bihag" sa tuno nito'y tila wala na syang pag-asang makumbinsi ako. Pinagmasdan ko ang likod nya habang sya ay palabas nang magsalita ako na ikinatigil nya sa paghakbang ngunit hindi nagpatinag para sana lingunin ako.
"Kahit ibihag mo ko wala ka rin namang mapapala sa'kin, hindi ba? Kung ako sayo hindi na ako nagsasayang ng oras. Kung talagang gusto mo maagaw ang posisyon ni Caspian bakit hindi mo lusubin ang kaharian nya kung saan ka rin—" nakagat ko ang ibabang labi ng muntik na naman akong makabitaw ng salita na maaaring ikapahamak ko. Wala akong makuhang sagot sa kanya, wala naman akong ibig sabihin doon sadyang nabigla lang ako sa sinabi. Tuluyan na syang lumabas ng hindi ako nilingon.
Snobero rin pala ang isang iyon.
"NAPAKAGALING nyo po magpalipad ng cometas (saranggola) ate Azra masyado na po itong mataas," naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kalawakan dahil na rin sa kulay asul na asul na kalangitan. Pumapalakpak naman sa tuwa ang ibang batang kasama nya.
Ngumiti ako ng maayos na sinabayan ko ng pagkindat, proud na proud sa aking ginawa. Hawak ko ang lubid sa kanang kamay, natutuwa akong pagmasdan ang saranggola na masyado ng mataas dahil na rin sa lakas ng hangin sa paligid. Bahagya ring tinatangay ang aking buhok na natanggal kanina sa pagkakapusod.
"Ano, petmalu ba si ate Azra nyo?" Tinaas baba ko ang kilay nang balingan ko sila, sinabayan naman nila ito nang pagbungisngis sabay sabi ng "Opo"
"Anong kalukuhan ang itinuturo mo sa mga bata"
"Ay shemay!" Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat, sumulpot ba naman itong si Yusebo.
" Kuya Yusebo, petmalo po si Ate Azra nagawa nyang paliparin ng mataas ang cometas na ginawa natin kahapon," nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito bago napatingala para tingnan ang itinuturo ni Astrid. Panandalian lamang at mukhang wala syang paki kung gaano na ito kataas base na rin sa expression nya.
"Anong pitmalu?" Nagdududang saad nito, nagawi ang mata nya sa'kin ng mapansing akong natawa dahil sa kakaibang pagbigkas nya.
"Petmalu dapat kasi not pitmalu~ haha as in malupet, astig"
"Tsk, kalukuhan," inismiran ko na lang sya dahil sa kumento nito. Walang manners.
"Kayong mga makukulit na bata nararapat na kayong umuwi dahil tiyak akong hinahanap na kayo sainyo. Uwi na, tanghali na," pangangaral nya sa mga bata mabiliis naman syang sinunod ng mga ito. "Wag tatakbo, dahan dahan lang." Pahabol pang bilin nito. "At ikaw..."
"Oh, ano sayo?"
"Sumama ka sa'kin!" Nangunot ang noo ko at hindi sumunod sa kanya nang magsimula na itong maglakad. Agad din itong tumigil at muli akong nilingon ng makumperma na hindi ako sumunod.
"Sasama ka.... o baka mas gusto mong nakakulong sa isang silid?" napairap ako sa kawalan bago napasunod sa kanya.
Nauubos pasensya ko sa lalaking ito. Pinakawalan nya nga ako kaso halos oras oras ako nitong inuutusan. Nananadya, sigurado rin akong may iuutos na namang kalukunan ang isang to.
TIRIK na tirik ang sikat ng araw, idagdag pa ang kabang umuusbong sa dibdib ko. Hawak ng dalawa kong kamay ang bingwit. Dumilat'y pumikit man ay walang sumisibad. Sabihin na natin na kanina pa ako nakatayo rito at nanginginig sa takot na anumang oras ay maaaring tumaob ang bangka.
Sa isip ko, kanina ko pa pinapatay ang malditong prinsipe. Natanaw ko itong ayahay na nakaupo sa lilim ng puno. Patawa-tawang pinapanood ako.
Napapikit ako sa inis, muling sumagi sa isip ko ang kanina kung paano ako napasunod nito.
"Akoy naiinip na! Ano na, wala ka parin bang nahuhuli hanggang ngayon?" Muli ko itong nilingon nang marinig ko ang sigaw nito. Kasalukuyan na itong nakatayo at ang dalawang kamay nasa kanyang bewang, habang may ngising nakapaskil sa kanyang labi.
"Base sa iyong mukha'y tila wala. Kung gayon baka abutin tayo ng dilim niyan."
Naipaglapat ko ang mga ngipin habang nakatingin sa kanya ng matalim. Gusto kong magpapadyak kung hindi lang ako takot tumaob ang bangka na sinasakyan ko, nasa kalagitnaan pa naman ako ng ilog.
"Hoy! At saan ka pupunta?" Maagap kong sigaw nang mapansin na ito'y lumakad papalayo na agaran rin napatigil. "Akoy iihi? Bakit nais mo bang sumama sa akin?" Nanlaki ang mata ko sa gulat at biglang napatalikod sa gawi nya, ngunit wrong move dahil bahagyang gumalaw ang bangka na muntik ko nang ikahulog.
Bigla tuloy akong napatili kasunod non narinig ko ang nakakaasar na tawa nito papalayo.
Namayani ang katahimikan nang makaalis sya. Nanatili na akong nakaupo at hindi na nagbalak na tumayo pa. Nakalublob ang bingwit sa tubig at pinapakiramdaman ito kung may sisibad ngunit gusto ko nalang sumuko at patayin sa isip ang lalaking iyon.
"Ubod ka ng sama, papansin, mayabang, maldito....at ang panget mo sobra pa sa sobra! Huh kainis!" Napabuga ako ng hangin sa pagkayamot, napansin kong kanina pa sya umalis pero hanggang ngayon wala parin. "Ang tagal naman non umihi"
Napahawi ako sa gilid ng noo na may namumuong pawis dahil sa tindi ng sikat ng araw. Kitang kita ko rin ang repleksyon ko sa tubig. Mula sa nakabusangot na mukha at sa suot kong bestida.
Napabuga ako ng hangin at napatingala sa kalangitan. Kung pagmamasdan ang kalawakan parang totoo, ang araw na halos hindi ko magawang titigan dahil sa sikat nito ay hindi maipagkakailang nahahawig sa totoong araw. Maging ang paligid, mga bagay na nabubuhay sa mundong ito ay pagkakamalan mong totoo sila.
Ang hindi nila alam, nabubuhay sila na puno
ng imahinasyon dahil nasa loob sila ng isang kwento.Naalerto ako mula sa malalim na pagiisip. Pinakiramdaman ko ang tahimik na ilog. Muling umusbong ang kaba sa sistema ko ng may mapansin na kakaiba. Napahawak ako magkabilaan sa bangka nang magsimula itong gumewang. Parang may gumagalaw sa ilalim.
Nakagat ko ang ibabang labi habang pigil na pigil ang hininga. Biglang tumahimik ang ilog na mas lalong nakadagdag sa kaba ko. Parang any moment may mangyayaring hindi maganda sa kutob ko.
"Ahh!!" Sa hindi inaasahan kong pagtili ka sabay non ang pagtaob ng bangka dahilan upang maramdaman ko ang malamig na tubig.
Matinding takot at kaba ang namumutawi sa sistema ko habang unti-unti akong nilulubog ng tubig pailalim. Nanlalabo man ang mata ko ngunit sapat lang para matakot ako sa isang nilalang na papalapit na sa akin.
Nahahawig ang anyo nya sa ahas, napakalaki.
Gusto kong lumangoy pataas ngunit hindi ko magawa. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagkaubos ng hangin. Hindi na napigilan ng sarili kong huminga kahit ang alam kong imposible, dahilan para malanghap ko ang tubig na unti-unting pumapatay sa aking ulirat.
Kung mamatay ako sa loob ng kwento, hinihiling ko na sana sa pagbukas ng mga mata ko si mommy ang makita ko.
_________________________
#STAPstory
#Bbstar
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasiEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...