Ika-labing dalawang kabanata
"Azra..." Natigilan ako, muling nilingon si Caspian na walang mababakas na emosyon sa mukha pero sa kabila non ay hindi ko maiwasang kabahan. Ibubuka ko palang ang bibig nang masundan nya ito ng sasabihin.
"Sino si Yusebo?" Tanging pagkurap ang nagawa ko sa harap nya at kung paano mangatal ang labi dahil sa hindi alam na ikakatwiran. Biglaan!
Iginala ko ang tingin sa paligid sa takot na baka biglang dumating si Yusebo at magkita sila! Hindi pa iyon pwedeng mangyari dahil baka mapaaga ang gyera.
"Sya ba ang taong dumakip sayo sa gubat?" Muli kong naibaling ang tingin sa kanya nang muli syang magsalita. Sa malalim na tingin nito'y nang hahalukay ng ebidensya.
"O-o-oO! S-sya nga, buti na lang talaga dumating kayo kung hindi baka kung anong nangyari na sa'kin. Ayuko pa naman mamatay!" Nakagat ko ang labi matapos magpaliwanag, hindi ko talaga mapigilan ang sariling mautal kapag sya na ang kaharap. Nakakahimatay ang mga titig nya!
May bigla akong napagtanto at naalala.
"Wait! Paanong—ugh! Anong ginagawa nyo rito? Paano nyo nalaman na naririto ako?" Nakagat ko ang daliri sa pagtataka. Hindi ko gustong paniwalaan ang nasa isip ko na— hinanap ba ako nila nang hindi nila ako nadatnan sa gubat?
"May nataggap akong sulat kaya—" Muling nanlaki ang mata ko nang may maalala dahilan para sya ay matigil sa pagsasalita.
"Y-yong a-ahas! Yong nakita ko sa tubig, muntik na akong kainin! Shemay, napatay nyo ba?!" Inalis ko ang daliri sa bibig nang marinig ko na naman ang mapang-asar na tawa ni Magnus!
Kung hindi nya lang talaga kamukha si kuya baka kanina ko pa ito nabigwasan, nakakabadtrip!
"May nakakatawa? Huh?!" Bulyaw ko rito sabay irap kaya lang muling lumanding ang tingin ko sa kaharap nang may itinuro ito sa di-kalayuan.
Muling nanlaki ang mata ko at napanganga sa nakikita. Isang dambuhalang mala-ahas ang wangis na nakabulagta sa gilid ng ilog. Sa tansya ko'y kasing laki ito ng katawan ng puno. Mabilis ko naiwas ang tingin roon nang mapansin ang dugong dumadanak sa lupa.
"A-anong (lunok) tawag sa nilalang na iyan?"
"Duhol ang tawag sa kanila, kadalasan silang nakikita sa maputik na lugar ngunit karamihan ay nakatira sa tubig tabang. Hindi sila kumakain ng tao, ngunit maaari ka nilang mapatay sa oras na matuklaw ka. Natutulad sila sa ahas." Nagawa ko na lang tumango sa haba ng sinabi ni Caspian.
"Kung gayon, salamat sa pagsagip sa'kin kanina" isang ngiti ang pinakawalan ko sa labi. Kung hindi sya dumating sa mga oras na iyon ay sigurado akong namatay na sana ako sa reyalidad pero buti na lang talaga!
"Hindi nakakasawng titigan, mga mata mo'ng aking naibigan. Bawat sandali'y nanamnamin—Aray!" Naputol ang nakakapang-asar na kanta ni Magnus. Natauhan ako, nagulat sa nangyari at parang nagiinit ang pisngi ko ngayon!
Natulala na lang ako kay Magnus na napaupo sa lupa habang hinihimas nito ang paa matapos itong matamaan ng bato na kagagawan ni Caspian!
"Gintong aral, magbiro ka na sa iba huwag lang sa kamahalan. Tama! Iyon dapat ang lagi kong isaalang-alang. Hooo, masakit" napailing na lang ako sa kalukuhan ni Magnus. Parang tanga na kinakausap ang sarili habang hinihimas ang parteng paa na natamaan.
Ang ibig sabihin siguro nya ay— Lesson learned, magbiro ka na sa iba wag lang sa taong pikunin.
LULAN kami ng bangka habang binabaybay ang tahimik na ilog. Kay sarap damhin ng hangin na sumasalubong saking balat isabay pa ang bawat pagsagwan ni Magnus na kay sarap pakinggan ng nalilikhang tunog nito sa tubig.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...