Kabanata 27

1.9K 103 2
                                    

Ika-dalawampo't pitong kabanata

"ISA pang hakbang mula sa kanya aalisan kita ngayon din ng ulo."

Nagbago ang expression ng mukha ni Yusebo. Sa kabila ng banta sa buhay ay nanatili itong kalmado na hindi nababahalang maaaring syang mamatay.

"Sino ka?!"

Nakatutok na ngayon ang espada nito kay Yusebo na hanggang ngayon ay nakatalikod parin sa kanya.

Nanatili itong nakatitig sa akin ng malalim na parang sa isang iglap lang ay makakatakas sya kay Caspian.

Habang ako naman ay hindi alam ang gagawin. Nababahala ako sa maaaring maging reaksyon nilang dalawa sa isa't isa.

"Itaas mo ang iyong mga kamay!"

Ngunit laking gulat ko na lang nang sa isang iglap ay na hawi ni Yusebo ang espadang nakatutok sa leeg nya, kitang-kita ko pa kung paano dumaloy ang sariwang dugo nito sa palad, ngunit hindi nito ininda at mabilis na natadyakan si Caspian dahilan para matumba ito at makatakas sya.

Sa mabilis na pangyayari ay nakakatiyak akong hindi sya namukhaan ni Caspian.

"Caspian... " napatingin sya sa kamay kong nakahawak na sa braso nya nang subukan nya itong habulin. Nagpakawala ito ng hangin saka ito nag-angat ng tingin.

"Dito ka lang." Matapos nya iyon sabihin sa seryosong tuno ay mabilis syang nawala sa paningin ko, at tahakin ang daang pinasukan ng kakambal nya.

Sana lang 'wag silang magkita!

SUMAPIT na ang gabi, narito kami ni Victoria sa tahanan ni Magnus kasama ang dalawang kapatid nito na ngayon ay ganadong kumakain ng hapunan na niluto ni Victoria. Wala si Magnus, gabi na rin ito makakauwi dahil may inaasikaso ito sa palasyo. Kapag ganon si Victoria ang nagbabantay sa dalawa.

"Hindi ka ba kakain?" Umiling ako sa kanya. Napabuntong hininga.

"Mukhang hindi ka mapakali." Puna nito sa kinikilos ko. Nakagat ko ang labi at pinigilan ang sariling gawin ang mga mannerism ko sa tuwing may malalim na iniisip o kaya'y problemado.

"Ate Azra, hindi nyo gusto ang luto ni Ate Victoria?" Si Ariana. Mabilis naman itong sinagi ni Bladiana dahil sa bulgaran nitong tanong habang nasa harapan lang nila si Victoria.

"Kahit po hindi masarap ang luto ni ate, ang sabi ni kuya ay dapat magalak at magpasalamat kung anong nakahain man sa hapag."

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito nang marinig ang sinabi ng dalawa.

"Sinabi ba ng kuya nyo na hindi masarap ang luto ko?" Inosente namang tumango ang dalawa na naging dahilan para mapapikit ito dahil sa inis.

"Ngunit ate, huwag ka magalit kay kuya. Mahal ka naman nya." Sabay na napabungisngis ang dalawa sa panunukso nito kay Victoria, ngunit ang isa naman ay siningkitan lang sila nito ng mata.

Halatang 'di natawa sa banat ng dalawa.

Hindi na ako nakatiis kaya bigla akong napa tayo sa kinauupuan.

"Oh— saan ka pupunta?"

"May— magpapahangin lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nya at mabilis nang tinahak ang pinto palabas.

Matapos akong iwan ni Caspian sa tabing ilog ay hindi ko na alam kung nagkita sila. Pinili ko na lang umuwi at hindi na sya hintayin roon dahil sigurado akong hindi na nya ako babalikan.

Tinahak ko ang madilim na daan patungong palasyo. Naulinigan ko kanina na dumating ang Hari at Reyna ng Mogholia, kasama nito ang dalawang anak na si Maraya at panganay na lalaking si Amos, sya ang lalaking tumutok ng espada sa akin nang iligtas namin si Adela.

Ngayon ang oras ng mga ito para pag-usapan ang nalalapit na kasal ng dalawa. Para silang namamanhikan pero baliktad ata ang sitwasyon.

Binilisan ko ang bawat paghakbang, hindi ako maaaring mahuli sa kung anong pinag-uusapan nila. Hangga't naririto ako ay hindi ko hahayaang matali sila sa isa't isa.

"Azra, hija?" Napatigil ako sa paglakad pero muli ring nagpatuloy nang makilala ang paparating. May dala itong lampara at sa ka bilang kamay ay may bitbit na bayong.

"Aleng Conchi, pauwi na kayo."

"Ihahatid ko lang ito sa inyo. Ikaw saan ka patutungo? Madilim na."

"Ah— ano po, magpapahangin lang." Bahagya pa akong tumingin sa pinanggalingan nya. Napakamot ako sa ulo, mukang hindi ko na maitutuloy ang plano ko, strikta pa naman itong si Aleng Conchi.

"Ah, tara po, nasa bahay nila Magnus si Victoria at ang mga bata."

"Oh sya, doon na tayo dumiretso. Ikaw ba'y kumain na?" Dahil sa tanong nya ay muli akong napakamot.

"Hindi pa."

"Hindi mo siguro nagustuhan ang luto ni Victoria. Sakto naman dahil may dala ako rito."

Ngumiti na lang ako sa sinaad nya at sinabayan sya sa paglakad. Pero hindi pa kami nakakailang hakbang nang mapatigil ulit kami nang may marinig na mga hakbang ng paa ng kabayo.

Kumunot ang noo ko nang matanaw ang papalapit na dalawang kabayo, dahil sa dilim na tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag ay hindi agad namin nakilala ang mga angkas nito.

"Ano ho'ng meron?— t-teka sila Cas—AHH!"

Sa bilis nang pangyayari ay namalayan ko na lang ang sariling nakaangkas sa kabayo habang mahigpit na nakakapit sa baywang ni Caspian matapos ako nitong hilain sa kamay at pwersang pinaupo sa likuran nya. Gulat na gulat naman si Aleng Chonchi dahil sa ginawa nito.

Samantalang hindi na nagawang sumunod ni Magnus at mas pinili nitong tumigil at bumaba, sa huling sandali ay nakita ko pa itong numiti sa akin at kumaway.

Hindi ko nagawang kumurap. Parang tinangay ang utak ko sa kawalan at parang hindi maprosesa ng utak ko. Halos dumagongdong ang kabog ng puso ko, hindi na maawat.

"Kumapit ka ng mabuti."

Natauhan ako sa pagkatulala nang bumilis lalo ang pagpapatakbo nito na halos hindi ko na makita ang dinaraanan dahil gugustuhin ko na lang na ipikit ang mata at 'wag nang idilat pa.

Rinig na rinig ko ang sigawan at mga yabag ng mga kabayong sumusunod sa amin. Hindi ko alam ang nangyayari. Pero namumutawi ang kaba sa dibdib ko.

"Habulin sila!!!! Huwag nyong hayaang makatakas!"

Dumagongdong lalo ang kaba sa akin nang marinig ang sigaw na iyon. Ngayon alam ko na kung bakit ako bigla na lang hinila ni Caspian kanina.

Balak nya akong itakas o tumakas?

P-pero bakit?

Kung saan man nya ako balak na dalhin, aaminin ko sa sariling handa akong sumama kahit na anong mangyari.

Humigpit ang yakap ko sa kanya, yakap na sana pwedeng panghabang buhay na lang.

____________________
#STAPstory
#Bbstar

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon