Kabanata 20

2.4K 104 16
                                    

Ika-dalawampong kabanata

"MARUNONG ka ho kumanta?" Namamanghang pagkumperma ng isa sa mga dalagitang kasama ko. Nasa ilalim kami ng matayog na puno at nakaupo kami paikot sa isa't isa. Kung susukatin sa tingin ay magkakasing edad lang ata kami.

Hindi pa tuluyang susmisikat ang araw nang magising ako kanina, habang tumatanaw sa balkonahe ng silid na tinuluyan ko ay nakita ko ang limang dalagang ito na maagang nagtatawanan na halos umabot ang boses nila sa kinatatayuan ko kanina. Kaya napagdesisyonan kong lumapit sa kanila.

"Oo naman! Gusto nyo ng sample?" May pagka-proud sa boses kong saad. Ngumisi pa ako tinaas baba ang kilay habang ang mga braso ko ay nasa dibdib.

"Sam...pul?" Nawala ang ngisi ko at bumagsak ang balikat dahil sa nakakunot nilang reaksyon dahil sa sinabi ko.

"I mean... Gusto nyo kantahan ko kayo?"

"Hala? Sige nga!"

"Kaya lang... H'wag na pala baka makatulog kayo." Bigla na lang akong natawa nang sabay-sabay silang magprotesta at nagawa pa talagang yugyugin ang mga balikat ko.

"Oo na! Kakanta na! Mga shemay kayo, na-sstress kagandahan ko sainyo." Nagkunware pa akong stress na stres habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo na ikinatawa nila, aliw na aliw sila sa kadramahan ko.

Inilagay ko ang hintuturo sa daliri, senyales na 'wag na silang maingay. Nagmistulang mga behave na studyante sa klase at ni isa walang nagingay.

"Anong kanta ba ang gusto—" hindi pa man ako tapos magtanong nang sabay-sabay nilang sinambit ang salitang, "Pag-ibig!" Napataas ang kilay ko na pinagmasdan sila isa-isa.

"Kayo ba'y umiibig?"

"Ang aming kaibigan lang na si Eva!" Agad nilang itinuro ang babaeng halos mamula na ang pisngi na tudo deny at isa isang hinampas ng mahina ang mga kaibigan na tinatawanan lang sya. Nakakarelate tuloy ako sayo bhe!

"Tunay syang umiibig sa magiting naming Heneral!" Natawa pa ako nang isigaw pa ito ng isa sa  mga kaibigan nya. Baka Adan ang pangalan ng heneral?

"Okay-okay..." Pagagaw ko ng atensyon nila para tumahimik. Napakagat ako ng labi at nagisip ng magandang kanta, kitang kita ko naman sa mg reaksyon nila na nagaabang sila sa 'kin.

Napatikhim ako't napahawak sa lalamunan para iready ang boses sa pagkanta. Napaayos ako sa pagkaka-indian sit at humimig bilang panimula.

"'Di ko mapigilang mapanakaw-tingin
Ang simple mong ngiti ay sadyang agaw-pansin," naging o ang kanilang mga bibig at nanlalaki ang mga mata na sinabayan ko naman nang pagkindat.

"Tahimik na minamasdan lang ang 'yong bawat galaw
Sa isip ay nilalarawanan ang ako at ikaw
Ayos lang kung 'di mo kausapin
Ang lumingon ka ay sapat na sa 'kin." May ngiti sa labi habang pinapalagatik ang daliri sa ere bilang instrumento. Tumingin ako sa banda ni Eva na ngumingiti at sumasabay sa bawat pagpalakpak ng mga kaibigan nya. Sa mga ngiting iyon tunay na umiibig sya.

Isang tingin mo lang bumabagal ang mundo
Isang tingin mo lang kumakabog ang puso
Hindi alam kung bakit 'yan ang
Sadyang nagagawa ng isang tingin mo lang

Nagawa nilang tumawa at asarin si Eva dahil sa liriko ng awit na sadyang tumutugma sa kanyang nararamdaman. Ngumingiti lang ako sa kanila at mas pinahinhin ang boses sa pagkanta.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon