Kabanata 28

1.9K 101 4
                                    

Ika-dalawapo't walong kabanata

NAGISING ako dahil sa malamig na hanging yumayakap sa balat ko. Sumalubong sa akin ang madilim na paligid ngunit agad napawi nang makita ang nag-aalab na apoy sa gitna.

Napansin ko ang sariling may telang nakasuporta sa katawan para hindi ako tuluyang lamigin. Nakaupo't nakatupi ang mga binti, habang ang ulo ko ay nakasandal sa balikat ng kung sino.

Hindi ko pa inaangat ang sarili para ito ay sulyapan pero batid ko na kung sino ang katabi. Base sa pagtibok ng puso ko na parang kinikilala sya kahit sa presensya nito.

Inalis ko ang ulo sa balikat nya dahilan para mapaligon sya sa akin.

"Gising ka na." Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Nakita ko ang kabayo nya na  nakatali sa tabi. Napapalibutan kami ng mga puno. Sa tingin ko ay nasa gubat.

"Bakit mo ginawa yon?" Malumanay kong tanong. Pinili kong iperme ang mata sa nag-aalab na bonfire. Ilang saglit ay nanatili itong tahimik kaya naman sinulyapan ko sya.

Nakatingala na ito, ang side ng panga nya ay napakaperpekto, walang maipipintas ang ilong nyang nagmamataas, ang mata't kahit pilik mata ay hindi mo mahuhusgahan ng negatibo.

"Hindi ko alam." Nagtaka ako sa naging sagot nya. Nakita ko pa ang bahagya nitong paglunok dahilan para mapanood ng mata ko ang paggalaw ng lalamunan nito. Para akong nauuhaw.

Nanatili itong nakatingala, pinagmamasdan nya ngayon ang buwan na nagpapakitang gilas dahil sa buong-buo ito. Sumisilip ito sa malalagong dahon ng mga puno.

"Bakit ko nga ba iyon ginawa?" Ngayon ay tumingin na sya. Ang tanong nya ay hindi sa akin, parang tinatanong nya ito sa sarili. "Bakit kailangan pa kitang ilayo sa kanila?" Bigla itong napailing-iling sa sarili. Parang pinapahiwatig nya na isang malaking biro ang ginawa nya kanina.

"Alam mo ba kung bakit kita inilayo sa kanila?" Sa pagkakataong ito ay muli syang nagseryoso. Napabuntong hinga ako. Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.

"Nasa panganib na ngayon ang buhay mo." Dahil sa sinabi nya hindi na ako nagulat. Aware na akong manganganib talaga ang buhay ko hangga't nandirito ako pero hindi ibig sabihin na hindi ako kakabahan.

"Kahit saan naman ako magpunta, nasa panganib parin naman ang buhay ko." Muli akong lumingon, nakatitig lang sya sa 'kin. "Hindi ko na alam Caspian, kung saan ang ligtas na lugar sa mundong ito... Sa mundo nyo."

Umihip ng marahan ang hangin, hinawi ko sa gilid ng tenga ang buhok nang tangayin ito, at muling tumingala.

"Gusto mo na bang umuwi?" Napangiti ako ng kaunti nang marinig 'yon. Syempre oo, gustong-gusto. Pero sa tuwing iniisip kong gusto ko na umuwi para akong binubuhusan ng malamig na tubig para magising. Na sa oras na makauwi ako sa totoong mundo ko——hinding hindi na magtatagpo ang landas namin kahit kailan.

"Ayuko pa"

"Maaari kang mapahamak kung mananatili ka rito. Mas mabuting umuwi ka na sa kaharian nyo... Ihahatid kita." Sana ganon lang kadali ang lahat Caspian, pero hindi eh.

Muli akong napangiti, nilingon ko na sya na ngayon ay napakunot noo dahil siguro nakangiti ako sa kanya. Hindi ito ang Caspian na hinulma kong kontrabida. Hindi sya ang taong magkakaroon ng paki sa iba.

"Handa ka ba sa maaari mong ka harapin? Kaya mo bang akyatin ang pinakamataas na bundok, maagos na ilog at delikadong gubat para sa 'kin?" Naghahamon kong tanong. Nawala ang pagkunot ng noo nito.

"Para sa kaligtasan mo gagawin ko." Biglang napawi ang ngiti ko. Umusbong ang kaba sa dibdib. Bakit ba lagi ka na lang nagbibigay motibo na para lalo akong mahulog sayo? Bakit sa tuwing nagbibitaw ka ng salita pinapakabog mo ng husto ang puso ko?!

"Bakit mo 'to ginagawa? B-bakit bigla kang naging mabait? Sa pagkakatanda ko kasi laging mainit ang ulo mo sa 'kin." Nagawa kong tumawa para pagtakpan ang tensyon na namamagitan sa amin. Pinili kong iiwas ang tingin dahil hindi ko sya kayang tagalan.

"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal sa pagitan ng Megard at Atlas. Ikaw ang puno't dulo kung bakit natali muli ako sa isang kasunduang kasal. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nawala ang pinaka importanteng bagay sa akin." Naningkit ang tingin ko sa kanya, humalukipkip ito na hanggang ngayon ay nasa akin parin ang tingin. Para syang naghahamon, binato nya ako ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya, at ngayon ay dapat akong magpaliwanag.

"Noong gabing pumagitna ka, tuluyan mong pinutol ang unang hakbang na ginawa ko." Muling dagdag nya. Una palang ang karakter talaga nya ay ang humadlang sa hangarin ng mga bida. Posisyon at kapangyarihan ang ipinaglalaban. Nang makilala si Maraya mas lalo syang magiging-agresibo sa lahat ng bagay.

"Ginawa ko 'yon dahil 'di kayo bagay ni Adela. Napakabait nya para lang matali sa tulad mo."

"Ngunit hindi ako nagsisi sa ginawa mo noong gabing iyon." Natigilan ako. Hindi ko na ata kakayanin kung magsasalita pa sya ng kung anu-ano sa harapan ko.

Nagpaypay ako sa mukha gamit ang kamay na para bang makakatulong ito para maibsan ang pag-iinit ng pisngi.

"Ah——dahil sa ginawa ko nakatadhana ka na tuloy kay Maraya. Maswerta ka, mabait sya, busilak ang kanyang puso, matapang, mahusay makipaglaban at.... napakaganda rin nya." Napakagat ako sa labi matapos sabihin 'yon. 

"Suwerte mo sa magiging asawa mo. Kaya magpakabait ka." Hindi ko na pipigilan na ma-inlab sya sa female protagonist, ang gagawin ko na lang ay ang pigilan ang gyera at kamatayan na nag-aabang sa kanya. Gusto kong magwakas ang papel nya sa kwento na masaya.

Total naman may Adela na si Silvestre.

"Hindi na." Nagtataka akong sumulyap sa kanya.

"Anong hindi?" Nagsalubong muli ang tingin namin, walang kumurap, habang tumatagal pakiramdam ko malulunod ako kung hindi ko iiwasan ang abong mata nito.

Natalo ako sa titigan dahil ako ang unang kumurap. Nanlaki ang mata ko at sunod-sunod na napakurap dahil sa bigla nyang kilos.

Ngayon ay para akong malalagutan ng hininga, at mahimatay sa kaba dahil paghuhumarantado ng puso.

Magkalapit ang mukha namin ni Caspian, isang galaw lang magdidikit na ang hindi maaaring magdikit.

Parang kusang bumagal ang paghinga ko nang dahan dahan nyang nilalapit ang sarili, nanghihina ako sa blankong expression nito. Hindi ko namalayan na sa bawat paglapit nya ay ang unti-onti kong paglayo hanggang sa napahiga ang katawan ko sa lupa.

Literal na tumigil ang paghinga ko habang kabadong nakatingin sa kanya. Anuman ang maaari nyang gawin baka hindi ko matanggihan. Delikado!

Nakatuod ang dalawang kamay nito sa magkabilaang gilid ko habang mariin kung tumitig. Umigting ang kanyang panga hanggang sa tuluyan nyang sinara ang pagitan namin.

Mabilis akong napapikit at nagpigil ng hininga. Gayon na lamang ang pagkagulat ko nang maramdaman ang init ng hininga nito sa tapat ng tenga ko. Parang kuryenteng kumiliti sa buong sistema.

"Huwag ka nang mag-isip isip ng kung ano. Matulog ka na ng mahimbing." Bulong nya, nagpatayo ng balahibo ko sa mga braso. Gulat akong nagmulat ng mata. Hanggang sa isang iglap ay may nakatakip nang tela sa buong katawan ko.

Para akong ginawang bangkay na basta na lang tinakpan ng isang kumot. Pero bago pa man sya mawala sa panigin ko ay napansin ko pa ang mapaglarong ngiti nito sa labi! Shemay!

_________________
#STAPstory
#Bbstar

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon