Ika-dalawangpo't tatlong kabanata
"ANONG ginagawa ng lalaking 'yan rito?"
Nagkatinginan kami ni Magnus at parehas na nagkibit balikat. Naupo kami sa tapat ng maliit na lamesa kung saan nakahain na ang umuusok na kanin. Hindi namin pinansin ang mapanuring tingin ni Victoria at nakakunot noo nito habang may hawak na sandok.
Kasalukuyan syang naghahanda ng tanghalian nang dumating kami ni Magnus. Nang marinig nito kanina na kaming dalawa lang ni Victoria ang kakain sa bahay ay nagpresenta syang sumama.
Nagulat kami pareho nang itutok nito ang sandok kay Magnus. Sa kabila nang ginawa nito ay nakangiti parin ang hibang na lalaking ito.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Syempre ako'y kakain. Hindi ba halata?" Naningkit ang mata ni Victoria dahil sa pabalang nitong saad dahilan para mas lalong ilapit nito ang sandok sa mukha nya.
"Sinong nagsabing maaari kang makikain rito? Maraming pagkain sa palasyo. Hindi ka na dapat sumalo rito." Inis na lumayo si Victoria dahil hindi nya nasindak si Magnus. Padabog itong nagtungo muli sa pugon at pagbalik ay may dala nang palayok na naglalaman ng ulam.
"Hmmm amoy palang katakam-takam na." Inirapan lang sya nito bago naupo sa harapan namin.
"Bakit kanina ka pa tahimik?" Sa kalagitnaan nang pagsasalo namin nagangat ako ng tingin para kay Victoria.
"Bakit akong kanina ka pa kinakausap ay hindi mo magawang pansinin—ikaw ay nakakasakit ng damdamin, aking Victoria." Madrama nitong sambit habang may nalalaman pang pekeng paghawi ng luha sa mata.
"Tumahimik ka, maaari ba? Naririndi ang tenga ko sa 'yo." Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Sa nakikita ko ay magkaibang magkaiba ang relasyon nilang dalawa sa totoong mundo. Kung si Magnus ay under lagi ni Victoria, sa real world si Ate Feliza naman ang nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kuya Light.
"Oh tumawa ka rin sa wakas." Si Magnus naman ang kinunutan ko ng tingin.
"Mukha ba akong hindi tumatawa?" Na insultong tanong ko.
"Kanina ka pa kasi tahimik. Ikaw ba'y may problemang dinadala? Maaari mo namang ibahagi sa amin. Ang pagkimkim ng mga alalahanin ay nakakabigat sa pakiramdam." Dahil sa sinabi ni Victoria ay napangiti ako. Kaso naglaho iyon nang sirain ni Magnus ang atmospera sa paligid.
"Sa tingin ko'y kanina pa tumatakbo sa isipan nya ang Kamahalan."
"Ikaw— ikaw ay may pagtingin sa Kamahalan?"
Nabitawan ko ang kutsara sa gulat. Hindi ko makapa sa dila ang nararapat na salita para magpaliwanag. Narinig ko na lang ang mapangasar na tawa ng katabi.
"Syang tunay! Madalas ko syang makitang nakatitig sa Kamahalan, saan man sya magpunta lagi syang nakabuntot. Iyon ay sapat nang dahilan na may pagtingin nga sya."
Dahil sa inis ko kay Magnus ay pinagkukurot ko sya sa tenga. Panay ang aray naman nito.
"Walang'ya ka talaga!"
"Ngunit Azra, sya ay nakatakda nang ikasal."
Mga salitang nagpatigil sa akin. Binalingan ko si Victoria na ang mga mata ay may pagaalalang nangungusap sa 'kin na nag papaalalang— itigil ko ang kahibangang 'to.
Pero paano?
Tumawa ako para sabihing mali ang akala nila. Tumawa para pagtakpan ang lahat nang nadarama.
"Huwag ka ngang maniwala sa hambog na lalaking 'yan. Mahilig lang talaga 'yan gumawa ng imahinasyon." Nagpatuloy muli ako sa pagkain ng normal.
"Sya nga pala, bukas na ang anihan ng mga prutas , di 'ba? Sama ko." Pagiiba ko sa usapan. Tumango lang si Victoria.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...