Kabanata 17

2.4K 104 10
                                    

Ika-labing pitong kabanata

UNTI-UNTING bumukas ang mga mata ko dahil sa pagyanig ng paligid sa hindi ko maintindihan. Nagawa ko pang iunat ang mga kamay at humikab ngunit mabilis na natigilan dahil sa presensya ng dalawang tao sa harap ko. Napatakip ako sa mukha dahil sa kaba at bumangon mula sa pagkakahiga. Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri, halos mapasinghap ako dahil agad na nagtama ang mga mata namin. Napipi ako sa kinauupuan at dahan-dahan inalis ang mga kamay ko sa mukha.

Nanatiling seryoso si Caspian na nkatingin sa 'kin na nakakatakot titigan pabalik. Napatingin naman ako kay Magnus na lagi na lang nakangisi sa 'kin sa tuwing kaharap ko ang amo nya. Napansin ko rin ang mga suot nilang nakakahanga sa mga mata ko, hindi maipagkakailang ang gagwapo nila sa suot, pero syempre hindi ko yon sasabihin dahil baka humalakhak si Magnus ng wala sa oras at maireta lalo si Caspian.

Para maiwasan ang mga abong pares na mata nya ay dinako ko ang panigin sa labas ng bintana ng karwahe naming sinasakyan. Hindi ko maiwasang mahilo dahil sa magalaw ang sinasakyan namin, idagdag pa ang pagtingin ng nasa harap ko na para akong tutunawin. Hawak nito ang makapal na tela na ginawa kong pantaklob kanina para kapag sumakay sila ay hindi nila ako makikita ngunit hindi pa kami nakakarating sa destinasyon ay nabuking na ako.

Muli ko syang sinulyapan nang marinig ko ang pagbuntong hinga nito na halatang timping-timpi sya na sigawan ako, samantalang kampanteng nakaupo lang si Magnus sa tabi pero nakikita ko ang multong pagtawa nito sa 'kin.

Lumanding ang tingin ko kay Caspian nang ibato nya ang tila sa gilid sa tindi ng iretasyon. Nagsimula na namang umikot ang mga mata ko sa bawat sulok ng karwaheng kinalalagyan namin dahil sa hindi ko makayanang tingnan sya pabalik.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo," napapikit ito sandali pero muling nagmulat. "Kunting-kunti na lang talaga at baka makahawak na ako ng espada ngayon." Ramdam ko ang pagtitimpi sa boses nya, napalunok ako ng laway dahil tila natutuyo ang lalamunan ko.

"Dapat na ba kitang pigilan kamahalan?" Singit ni Magnus na may pilyong ngiti.

Nakagat ko ang labi bigla,lagi na lang ako pumapalpak sa harapan nya! Naalala ko tuloy ang nakakahiyang tagpo kagabi, pumasok lang naman ako sa kwarto nya para sana sabihing sasama ako sa kanila sa Kaharian ng Edenia para masubaybayan ko ang kasal nina Silvestre at Adela, kung mangyayare ba ang dapat na mangyare o may magbabago sa eksena? Kaso kamalasan, nagpaligoy-ligoy ako kagabi at hindi ko nasabi sa kanya ang tunay na pakay ko.

"So-sorry, kasi dapat kagabi ko pa sinabing sasama ako sa inyo kaya lang --hay! Gusto ko lang naman dumalo sa kasal!"

"Halata naman," singit na naman ni Magnus at nagawa pang pasadahan ng tingin ang suot ko. "Nagawa mo pa talagang nakawin ang damit ni Victoria." Saka ito tumawa.

Nakakaasar talaga ang mukha ni Kuya Light! "Hindi ko to ninakaw! Hiniram ko to kay Victoria." Panlalaban ko sa paratang nito. Totoo naman talagang hiniram ko to at alam ni Victoria ang plano kong palihim na pagsakay sa karwahe nila.

"Bakit gusto mong sumama, may balak ka bang umeksena mamaya sa kasal nila?" Bumalik ang tingin ko kay Caspian dahil sa sinabi naman nito.

"Bakit ko naman gagawin yon. Mukha ba akong kabet? Shemay! Kahit kailan hindi ko gagawin yon sa tanang buhay ko." Hindi ko na naman napigilan ang sarili at napairap sa kawalan. Agad akong napadaing dahil nauntog ang noo ko sa gilid ng karwahe nang umalog ito.

"Bwisit! Sino nagpapatakbo nito, sasakalin ko sya mamaya"

"Matabil...sadista" kunot noo kong nilingon si Caspian dahil may binubulong ito na hindi ko klarong narinig. Basta may binigkas syang mataba? Tanga?

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon