Kabanata 3

4.6K 205 101
                                    

Ikatlong kabanata

MATIGAS na higaan ang alam kong nahihigaan ko sa mga oras na ito. May masilaw na liwanag ang nakatapat sa mukha ko kahit nakapikit pa. Sa sandaling bumukas ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng lalaking na sa una ay malabo at ng tuluyan kong naidilat ang mata ay doon lamang ako napasigaw.

"Ahhh!!" Hindi, parehas kaming napasigaw sa isat isa na animo'y parehas nakakita ng multo. Mabilis syang lumayo sa akin at tumayo. Agad kong inusisa ang paligid at natampal ko na lamang ang noo sa pagkadismaya. "Nandito parin ako? Shemay, hindi pala talaga ito panaginip.." Natigil ako sa pagsabunot sa sarili ng marinig ko ang pagtikhim ni Magnus na nakatayo parin sa harap ko.

"Anong ginagawa mo saiyong sarili? Ikaw ay tila nasisiraan ng bait.." Sinamaan ko sya ng tingin na parang matagal na kaming magkakilala at sanay na sanay na ako sa pangaasar nya bago ako tumayo. Nahirapan pa ako dahil nakasuot parin ako ng magarbong gown na pagmamay-ari pa ni Adela. "Na saang lupalop si Caspian?" Tanong ko habang pinagmamasdan parin ang paligid. Nasa maaliwalas na kagubatan kami at hindi ko rin natitiyak kung ligtas na kami rito.

Bilang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Kung paano ko walang takot na niyakap sya at ang pagtaas ng kanyang espada sa ere para patayin ang lobo na lalapa saaming dalawa. Nagawa nyang paslangin ang lobo gamit ang isang kamay lang habang hindi pinuputol ang mga tingin sa akin.

"Umalis ang kamahalan upang maghanap ng agahan nais ko man syang sundan ngunit ibinilin ka nya sa akin upang bantayan" tumango lang ako sa sagot nya at ng lingonin ko sya ay nakakunoot parin ang noo nito.

"Bakit? Masyado ka bang nagagandahan sa akin?" Tukso ko kay magnus at bahagya ko hinawi ang mga buhok ko sa gilid ng tenga sabay ngiti.

"Ipagpatawad niyo ngunit ang mga mata ko't puso'y nakapako na sa iisang binibini" natawa sya na lalong nagpangiti sa akin. Sinundan ko sya ng tingin ng lumapit sya sa isang bonfire at mas lalo itong pina-alab ang apoy. Napapalakpak ako bago ako sumunod sa kanya at naupo di kalayuan.

"Ang swerte talaga ni Victoria sayo. Loyal boyfriend"

"Pa-paano mo nalaman ang pangalan ng aking kasintahan?" Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko ang sinabi. Ngayon ay kinakabahan syang nakatingin sa akin habang nanlalaki rin ang mata. Bahagya kong pinatunog ang mga daliri sa pagkataranta. Baka dahil doon ay isipin nyang isa akong ispiya maging si Caspian ay pinagbintangan rin ako.

"Ako'y nagtataka kagabi pa. Paanong kilala mo ang mahal na prinsipe at naging ang pangalan ko ay alam mo gayong alam ko sa sarili na kahit kailan ay hindi pa tayo nagkadaupang palad lalo na ng aking kamahalan. Isa ka bang isipiya na ipinadala ng kalaban upang magmatiyag sa kamahalan?" Napahawak ako sa ilong sa haba ng sinabi nya ay para akong mano-nosebleed sa malalim nyang tagalog. Bagamat marunong naman ako umintindi ay hindi parin ako sanay.

"Hey, chillax. Hindi ako isipiya o kalaban boi-"

"Kung gayong isa ka ngang---babaeng bayaran?" Umosbong ang inis ko sa inosente nyang tanong. Mabilis akong tumayo at handa na syang sugurin ng maamoy nya ang balak ko ay mabilis rin syang tumayo.

"Walang'ya ka! Napaka judgemental nyo talaga! Ugh, inisin mo pa ako Magnus at magkakaroon ka ng tragic ending. Sisisguraduhin kong hindi kayo magkakatuluyan ni Victoria" halos magpatintero kami sa gitna ng kakahuyan at muntik pa akong sumubsob sa lupa dahil sa lampas talampakan na suot ko dahilan para hindi ko sya mahabol habol. "Akin ng binabawi ang sinabi ko, patawad atin ng itigil ito" hinihingal nyang saad habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

"Hindi, lagot ka sakin pagnahuli kita! Shemay ka!" Muli akong kumilos para habulin sya habang may hawak akong pauat na kahoy na tila isa akong nanay ngayon na handa ng paluin ang sutil na anak.

Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon