Ika-labing isang kabanata
NANLILIIT ang mga mata kong inoobserbahan sya ng tingin. Hindi parin ako makapaniwala na Siya at Ako lang ang tanging nakakagalaw. Hindi ko rin mawari kung paano at bakit.
Nakasandal ito sa pintuan ng gate, derektang nakamasid sa'kin na tila naghahamon ang mga mata nito kung ano man ang ibabato kong mga tanong ay handa syang sasagot. Kung titingnan sya mula ulo hanggang paa ay wala namang kakaiba. Normal na tao parin naman sya base sa suot nya.
"Sino ka ba talaga?!" Mababahiran na ng inis ang tono ng boses ko. Makailang ulit ko na itong naitanong kanina pa ngunit tanging pagtawa ang tinutugon nya, napapansin kong nililihis nya ang topic sa'tuwing sarili nya ang tinatanong ko. Kanina nga ay marahas ko itong hinila papalabas ng bahay sa takot na baka biglang bumalik sa normal ang lahat at makita kami ni papa at kuya. Tiyak na makakatikim sya ng suntok sa dalawa.
"Sorry, private akong tao." Sumama lalo ang timpla ng mukha ko dahil parang pakiramdam ko'y pinagtritripan nya lang ako.
"Hindi.ako.nakikipagbiruan.sayo! Kaya pwede ba sumagot ka ng matino!" Sa sigaw kong iyon ay napabuntong hinga sya, umayos sya nang tayo at tumingala sa madilim na langit.
"Sa oras na ipakilala ko ang sarili at ibunyag ang lahat nang nangyayari sa paligid, ay tiyak kong hindi mo rin paniniwalaan."
Ako naman ngayon ang napabuntong hinga at napamewang sa harap nya kaso nanatiling sa langit ang mga mata nya. "Ang nasa paligid nga natin ay hirap na hirap mo nang paniwalaan, paano pa kaya ang mga sasabihin ko?" Sa pagkakataong iyon ay tumingin na sya sakin, naghahamon na naman ang mga mata na parang sinasabing handa ba akong maniwala.
"Handa naman akong maniwala. Ipaliwanag mo lang ng detalyado at klaro ang lahat. Hindi na ba babalik sa dati and lahat?" May bahid na pagaalala kong tanong.
"Huwag kang mangamba d'yan. May paraan naman para bumalik sa dati ang lahat" ngumiti siya bago ako kinindatan. Sa sandaling oras ko siyang nakausap ay masasabi kong pilyo siya at presko. Nauubos na ang pasensya ko dahil ptuloy nya akong binibitin.
Muli siyang natawa nang mapansin ang reaction ko. Ikinunot ko ang noo para sabihing seryoso ako. "Babalik lang sa dati ang lahat— kung muli kang papasok sa libro." Sa pagkakataong ito ay nawala na ang pilyong ngiti nya. Samantalang ako ay natigilan sa narinig.
"Ngunit, kailangan mong tapusin ang kwento at matunghayan ang wakas ng nobela nang sagayon bumallik ang lahat sa normal." Napaawang ang bibig ko't natulala sa hangin. Ang kanina na akala ko panaginip s pagkakapasok ko sa sariling nobela, ay TOTOO?!
"Ang hirap paniwalaan no? Pero yon ang totoo." Hindi ko alam ang dapat kong ireact.
"P-papaanong—bakit?"
"Mahilig akong mambitin kaya hindi ko muna sasabihin. Baka kasi tuluyan kang masiraan ng bait." Parang gusto ko syang tadyakan dahil sa inis.
"Sino ka?!"
"Kailangan mo nang bumalik sa libro, tapusin mo ang nobelang sinulat mo" humakbang sya papalapit sakin syaka ako hinila patungong kalsada.
"T-teka! Saan tayo pupunta?" Naguguluhan parin ako habang hila-hila nya,hindi ko nagawang pumalag. Nakakatangay ng isip. Nakakabaliw man paniwalaan ngunit kailangan kong maniwala!
Nagulat ako nang tumigil sya sa isang kotse na nakatigil sa gitna ng kalsada at binuksan ito. Tumambad sa'min ang driver ng kotse na kagaya ng lahat ng tao sa paligid ay nakafreeze.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Awat ko sa kanya nang iusog nya ang driver sa passenger seat at sya ang pumalit sa driver seat.
"Sakay na, babalik tayo sa library na pinasukan mo. Yon ay, kung gusto mong bumalik sa dati ang lahat?" Sa sinabi nyang iyon ay utomatiko akong napasakay sa back seat.
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...