"HUWAG mag atubili kumilos kung nais niyo pang mabuhay"
Napatili ako sa kinalalagyan ng mabilis nilang tinadyakan sila Magnus at Caspian na hindi nakapalag. Litong-lito ako habang nakatunganga na panoorin sila.
Walang tigil ang paikot-ikot ko sa ere. Hilong-hilo ko, gusto ko na lang pumikit kaso para akong masusuka.
Nakita ko kung pa'no sikmurahan sila at tadyakan ng ilang beses. Wala silang nagawa at nakabawi dahil agad silang napuruhan ng mga tulisan.
Sa original na scenes, magkakadaupang palad sina Caspian at Maraya at magkakaroon sila ng dwelo. Patungo ang grupo ni Maraya sa kaharian ng Atlas samantalang sina Caspian naman ay patungong Aslan upang ipagpatuloy ang misyon nito at aksidente silang magkakadaupang palad. Doon rin sa eksenang iyon mabibighani si Caspian kay Maraya dahil sa pambihira nitong galing sa pakikipaglaban.
Ngunit sa sitwasyon ngayon malayong-malayo sa eksenang ginawa ko.Sa sitwasyon ko ngayon dapat si Caspian ang mabibitin patiwarik ngunit makakawala rin.
"Kunin ang lahat nilang kagamitan, walang ititira!" Sigaw ng boses may edad na sigurado akong lalaki. Nagsikilos ang lahat, maging ang dalawang kabayo ay kinuha nila.
Ngayon nakaluhod na si Caspian sa lupa habang may kaunting dugo sa labi nya. Dumako naman ang tingin ko kay magnus na wala ng malay at bulagta na sa lupa.
"Hanggang sa muli, kamahalan. Natutuwa akong makadaupang palad ka at sana sa susunod....magiingat ka" isang ngisi ang pinakawalan nito kay Caspian na sinamaan lamang sya ng tingin. Akmang tatalikod na ito ng mabilis na nahawakan ni Caspian ang espada at deretsang hinawi nito ang telang itim na nakatakip sa mukha ng babae gamut ang espada dahilan upang mabunyag ang mukha nito.
Pareho silang natigilan at nagkatitigan sa mata ng isat isa. Mangyayari naman talaga ito sa eksena ngunit hindi ko mapigilan na maireta habang nakikita ko sila sa ganoong sitwasyon. Gusto kong dukutin pareho ang mata nila, ganito pala ka oa at ka-corny ang eksenang ginawa ko. Kanina pa ako nakabitin dito, magtititigan na lang ba sila hanggang lagutan ako ng hiniga?
Shemay! Sarap nila ibitin patiwarik!
Si Maraya ang unang nakabawi, muli nitong tinakpan ang mukha at mabilis na sumama sa mga kasamahan.
Umalis ang grupo nila na tangay-tangay ang kabayo, nagtawanan pa sila dahil ito ang kauna-unahang nakabiktima sila ng isang mataas na tao.
May biglang gumuhit sa lalamunan ko. Hindi ko na mapigilan ang pagkahilo. Ilang sandali na lang ay parang may kung anong likido ang dadaloy sa lalamunan ko palabas. Tuluyan akong napasuka, mayron ring likido na lumabas sa ilong ko. Bago man ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang sigaw nya na tila aabot sa kahariang Atlas, Edenia, Moggolia, Megard at Aslan dahil sa lakas ng sigaw nito.
"PUÑALES!!!!!!"
NAALIMPUNGATAN ako ng maramdamang umuuga ang kinalalagyan ko. Bumungad sa'kin ang kahoy na kisame. Mabilis akong napabangon ng makitang nakahiga ako sa maliit na silid ng igala ko ang paningin ay napagtanto kong umaandar ang kinalalagyan ko. Hindi rin ako nagiisa.
Sandali akong tiningnan in Caspian na nakaupo sa sulok at muli nitong ipinikit ang mata habang nakatingala, napansin ko ang sugat nito sa labi na may bahid na kaunting dugo. Sa kabilang sulok naman ay nakaupo si magnus na tulog parin hanggang ngayon. May pasa rin ito sa kaliwang mukha at kaunting galos sa noo.
Gulat na napamulat si Caspian ng lumapit ako sa pwesto nya. Bahagya syang napaatras sa kung ano ang balak kong gawin sa kanya. Lihim akong natawa sisilipin ko lang naman ang bintana na nasa tabi nya. "Masyado kang OA, huh" napatikhim sya at umayos ng upo.
Kagubatan parin ang natatanaw ko sa labas. Inilabas ko pa ang ulo ko para kumpirmahin ang hinala ko na nakasakay kami sa isang karwahe. Napatango ako sa sarili dahil tama nga ako.
"Oh-ey? Anong wika na naman ang iyong tinuran?" Pinasok ko muli ang ulo ko at nilingon sya sa pwesto. Napagpasyahan kong umupo na lang sa tabi nya dahil masyadong magalaw ang sinasakyan namin, hindi ko maiwasang mahilo.
"Ang sabi ko napakaseryoso mo, ang sungit, tahimik at mukha kang laging may period tingnan. Pero kasalanan ko kasi ako gumawa sayo. Nasobrahan pala ang pagkaka-described ko" inilukot ko ang dalawang biniti at pinatong ko ang baba ko sa tuhod at muli syang nilingon. "Bakit na naman?" Sinamangutan ko sya ng mapansin ko na naman ang pagkalito sa mukha nya. Sya na ang umiwas at hindi na ako kinibo. Snobber talaga sya.
"Saan pala tayo pupunta? Kilala niyo ba ang nagdadrive— ah nagmamaneho nitong sinasakyan natin?" Hindi sya sumagot hindi rin nya ako nilingon. Yuyog-yugin ko sana sya sa balikat para kulitin ng biglang tumigil ang sinasakyan namin at parang may malakas na impact ang tumulak sa'kin para masobsob ako kay Caspian.
Pareho kaming gulat sa isa't isa at hindi agad nakabawi.
"Aray, ang sakit ng—— a-ano ang ginagawa nyong dalawa?" Natauhan ako at mabilis na tumayo kaso bigla akong napapikit ng mauntog ang ulo ko sa bubong ng karwahe.
Muli akong naupo at halos ayuko ng dumilat dahil sa dobleng kahihiyan na nararamdaman ko.
"Ibang klase, ako'y nakatulog lamang ngunit hindi ko akalain na sa pagdilat ng aking mata ay may mainit na eksena akong maaabutan" napadilat ako at deretsong tumingin kay Magnus dahil sa kakaibang tono nito sa pagsasalita. Nakangisi ito sa'kin na para bang sinasabi nyang ang landi ko.
"Matagal ko ng kilala ang aking kamahalan. Wala syang interes sa babae ngunit ikaw ay mabilis kumilos. Mukang inaakit mo ang kamahalan habang tulog ak—ARAY! ikaw ay mapangahas na babae huwag mo akong hawakan!"
"Feelingero ka! Hindi kita hinahawakan, sinasaktan kita ang bobo mo! Ang judgemental mo rin kahit kailan. Hindi ko inaakit ang kamahalan mo isaksak mo iyan sa baba mo" natigil lang ako sa pag-atake ng kurot kay Magnus ng bumukas ang pintuan.
"M-may nangyayari bang kaguluhan rito?" Napatingin ako sa taong nagbukas ng pinto ng karwahe. Kung nalalaglag lang ang mga mata sa oras na nakakakita ng magandang tanawin ay tiyak na kanina pa nahulog ang mata ko.
"Wala naman ho, ginoo. Naumpog lamang ako ng tumigil ang ating sinasakyan" si magnus na ang nagpaliwanag habang hinihimas pa nito ang mga parteng nakurot ko. "N-nasaan na ho pala kami?"
Ngumiti muna ang lalaki na mas lalong nakadagdag sa natural nyang kagwapuhan. "Narito na tayo sa aming kaharian... Ako nga pala si Dalgom" gulat parin akong nakatingin sa kanya. Hindi ko namalayan ang sariling napalabas sa karwahe upang mas mapagmasdan pa ang paligid. Naramdaman kong sumunod rin sila.
Walang halong biro at eksagerasyon, sapagkat ang nakikita lang naman ng mga mata ay tila isang paraiso sa ganda.
"Ang nagiisang prinsipe sa kahariang Aslan... Nagagalak akong dalhin kayo sa aking tirahan. Halina"
Napatingin ako pareho kina Caspian at Magnus na nakatayo na sa tabi ko. Parehong may galos ang kanilang mga mukha bago ako napatingin kay Dalgom na nauna ng lumakad ng lumingon sya sa'min para tingnan kung sumunod kami ay doon kami napalakad para sumunod.
Kahariang Aslan..... Ang puma-pangatlo sa asensadong kaharian.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko hindi na nawala sa labi ko ang ngiti. Alam ko man na ang lahat na ito ay isang kathang isip lamang at ang pagkakapasok ko sa sariling nobela ay alam kong walang katotohanan.
Dahil naniniwala akong ito ay isang panaginip......isang mahabang panaginip at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako naririto.
_______________________
#STAPstory
#BbStarKINDLY VOTE&COMMENTS
THANK YOU!
BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...