Ika-dalawampo't siyam na kabanata
NAGDADALAWANG isip ang mga paa kong humakbang at iwan ang kabayo sa kinatatayuan nito. Maaliwalas ang simoy ng paligid at hindi pa masyadong tumitirik ang araw. Maaga kaming nagising para maglakbay sa sunod na destinasyon na hindi ko alam kung saan, sa kasawiang palad nagkaroon ng aberya.
"Iiwan mo na lang ba ng ganito ang kabayo mo?" Muli kong pinagmasdan ng tingin ang kabayong nanghihina. Malamlam ang mga mata nito, kahit paluin ng ilang ulit ay hindi na gumalaw sa pwesto. Bumigay na at hindi na kaya pang maglakbay.
"Kung gusto mo, iyo nang pasanin." Napasimangot ako sa tugon nito. Nagsimula na itong maglakad. Bumalik na naman sa pagiging masungit at sarkasmo. Muli kong nilingon ang kabayo, sa huling sandali ay sinubukan kong hilain ang kabayo pero dumaing lang ito at hindi kumilos.
Nakakaawa mang iwan sya at sa katotohanang wala man lang konsensya ang amo nya.
"Lumakad ka na, hindi tayo maaaring abutan ng gabi sa pangpang."
Bigo kong binitiwan ang lubig sa leeg ng kabayo. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa papalayong si Caspian.
"Hindi ka ba naaawa sa kabayo mo? Paano kung mamatay 'yon." Halos sabayan na kami maglakad dahil hinahabol ko ang bilis ng lakad nyang hindi biro pantayan. Lumingon sya pero muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Malayo-layo pa ang tatahakin natin. Masasayang ang oras kung hihintayin pa natin ang pagpapahinga ng kabayo ng ilang oras. Isa pa, hindi rin maisasama ito kung sakaling tawirin natin ang ilog."
"Pero, kahit na. Kawawa parin."
"Huwag mo nang ikabahala, bago pa man matapos ang araw, tiyak kong may makakakuha na sa kabayo." Hindi na lang ako nagsalita, pero bago tuluyan makalayo ay muli kong tinanaw ang kabayo.
Pumatak ang minuto at oras ay tuluyan nang sumikat ang tindi ng araw. Unti-onti na ring nakakalbo ang mga puno sa bawat daan hanggang sa pa isa-isa na lang.
Tuluyang luminaw sa alaala ko ang daang tinatahak, kaya pala familiar! Tatanungin ko sana sya kaya lang naudlot nang matanaw ang ilog. Ang kaninang sabay naming paglakad ay hindi ko na napantayan.
Siniklaban ng panlalamig ang sikmura, bumagal ang hakbang ko hanggang sa tumigil. Gulat at hindi makapaniwalang nakatingin sa dalawa na ngayon ay nakatitig sa isa't isa.
Nakatayo at seryoso si Yusebo, na kanina nang madatnan namin nakaupo sa malaking bato sa gilid ng ilog na para bang may inaasahan syang hintayin.
Ang sunod kong ikinagulat nang tapikin nito ang balikat ni Caspian, tumango lang naman ang isa.
"Ang akala ko bukas pa kayo darating. Tayo'y humayo na." Naglakad na ito pakaliwa at doon ko lang napansin ang maliit na karwahe na nakaparada sa 'di kalayuan. Nang bumalik ang tingin ko kay Caspian ay nanghihikayat na ang mga mata nitong dapat na kaming sumunod.
Naguguluhan man ay lumapit ako sa kanya.
"Anong ibig sabihin nito Caspian?" Nanatili itong nakatingin sa 'kin na tila wala syang paki sa tanong ko.
"Sya pala ang lalaking dumakip sa 'yo dati. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kumunot ang noo ko, importante pa bang sagutin ko 'yon? Ako una nagtanong pero binato rin ako ng tanong. Ang ipinagtataka ko--ay bakit sila nagkaroon ng kumunikasyon?
"Kayong dalawa!" Nasira ang moment namin dahil sa sigaw ni Yusebo. Badtrip na mukha, nakaturo ang daliri nito sa direksyon namin. "Mamaya na iyan! Malayo pa ang lalakbayin natin."
Napatikhim ako dahil sa huling binigkas nito na parang may ibig bigyan ng malisya. Hindi ko na hinintay si Caspian at nauna nang lumapit kay Yusebo.
Maliit lang ang karwahe, sa unahan nito ay may isang kabayo at may taong nakasakay roon. Tumango ito at ngumiti bilang pagbati, ganon rin ang ginawa ko bago tahimik na pumasok sa loob kasunod si Yusebo na naupo sa harap ko. Samantalang tahimik na naupo sa tabi ko si Caspian.
"Hindi tayo tatawid sa ilog?" Nagtataka kong tanong ng maalala.
"May mas madaling daan para hindi kana mahirapan sa pagsagwan." Hindi na aking nagkumento, obvious naman ang tinutukoy nya.
Ang akala ko ay babalutin kami ng awkwardness sa buong biyahe, o yayakapin ng mahabang katahimikan...
"Ang panget mong humalakhak, talsikan laway mo sa mukha ko!" Nabitin ang pagtawa ko. "Hah! Ang langsa ng hininga mo!" Sa inis ko kinuyog ko sya at pinaghahampas na agaran nyang sinasalag bawat atake.
"Kanina mo pa ako nilalait, nakakatama kana!"
"Hoy! Tumigil ka nga, nakakasakit ka na!"
"Masasaktan ka talaga pag 'di ka tumino--ugh kabwisit ka!" Balak ko pa sanang sabunutan kung 'di lang may umawat. Nandilim ang mukha ko nang tumawa ito dahil sa wakas ay hindi ko na sya masasapak.
Badtrip akong kumawala sa pagkakahawak sa 'kin ni Caspian na patay malisya namang bumitaw. Sinamaan ko ng tingin si Yusebo at sinusumpang manigas ang panga para hindi na makatawa.
Hindi ko akalain na mababali ang first impression ko sa lalaking kaharap. Ang buong akala ko suplado rin sya at may kunting kapilyuhan, hindi ko naman inakala na mas sagad pa mangtrip kay Magnus!
Na-stress ako sa mga bagong karakter na nakakasalamuha ko, mga unfamiliar character dahil karamihan extra na dati pa hindi ko naman binibigyan ng buong detalye kapag nababanggit sila sa kwento. More on focus ako sa mga bida!
"Sinong mas may hitsura sa aming dalawa?" Ang masama kong tingin ay nadagdagan ng pagkunot ng noo. Naghahamon ang mayayabang nitong kilay at mga labing nagsusumigaw sa kahanginan. Nagawa pa nitong ituro ang katabi ko na kanina pa tahimik at buryong-buryo na kanina pa kami pinapanood magbangayan. Makikisali lang kapag aawatin akong gulpihin ang walang'yang kakambal nya!
Napalingon tuloy ako kay Caspian, tamad na nakatutok ang mata nito kay Yusebo na may pilyong ngisi sa labi. Para bang hindi kainte-interesado ang tanong nito kaya wala syang paki.
"Ako'y aminado at sigurado na mas higit akong may hitsura sa kanya. Madalas akong tumawa at ngumiti." Natawa ako ng puno ng sarkasmo. Punong-puno pala ang utak nito ng kahanginan.
"Alam mo ba, sa bawat magkapatid may binibiyayaan at may pinagkaitan. May lamang at may kulang, may mabait at masama, sa bawat magkambal may isang Yusebo na bulok."
"Kahit anong paninira mo isa akong magandang lalaki." Gusto kong masuka sa pagkindat nito.
"Gwapo si Caspian sayo."
"Magkamuka kami."
"Pero mas maliwanag ang kulay nya. Maitim ka." Nandilim ang tingin nito, gusto ko ulit tumawa pero nanatiling seryoso ang mukha para asarin sya. Bumaling sya ng tingin--ay sa mukha ni Caspian, tila naghahanap ng sapat na ebeidensya para patunayan na mas higit syang may hitsura sa kakambal.
Naningkit ang mata ko nang bigla itong tumawa, animo'y nanalo sa isang debate at ang kalaban nya ay hindi na magawang dumepensa.
Tinuro muli nito si Caspian. "Mas higit na maganda ang kulay ng aking mata!"
Dahil sa kuryusidad at para makumperma ang totoo ay lumapit ako sa kanya. Hindi naman sya nakakilos nang hawakan ko magkabilaan ang mukha nya. Nilapit ko ang mukha at tinitigan ng mariin ang kanyang mata. Natahimik sya.
Kulay brown--mali, parang mapusyaw na yellow?
Biglang nandilim ang paningin ko, literal. Para akong napaso sa pagakakahawak kay Yusebo kaya napabitaw. Sunod kong narinig ang malutong na linya ni Caspian sa t'wing naiinis.
"Puñales...na pakiramdam." Bulong nitong saad habang nanatiling nasa mga mata ko ang malapad na kamay nya.
Inaatake na naman ang puso ko.
___________________
#STAPstory
#Bbstar

BINABASA MO ANG
Saving the Antagonist Prince (COMPLETED!)
FantasyEnchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang manunulat. Isang kontrabida. What if, sa mundong walang kasiguraduhan ay mahulog sila sa bitag ng pa...